Chapter 32

5.6K 155 5
                                    

Chapter 32

~

"WHAT IS THE MEANING OF THIS??!!" Dumadagundong na sigaw ni Dean Aruello nang maabutan ang mga dalaga na nag aaway, at tuwang tuwa naman ang mga kalalakihan na animo'y nanunuod nang sabong.

Para namang tumigil ang mundo ng mga studyante ng marinig ang tinig ng kanilang Dean.

Si Ysa naman ay biglang napatayo at binitiwan ang dalawa, samantalang si Bea at Mildred ay agad agad na tumayo at inayos ang sarili nila, pare pareho silang tatlong sugatan at sabog ang mga buhok.

"NOW TELL ME!! BAKIT NYO GINAGAWANG PALENGKE ANG SCHOOL AT PARA KAYONG MGA WALANG PINAG-ARALAN!"Galit na galit na sabi ng Dean.

"Si Ysabella po kasi Dean Aruello, We are just asking kung okay lang sya tapos bigla na lang kaming sinugod ni Beatrice, kitang kita nyo naman po sa mga pasat sugat namin kung sinong agrabyado!"Pagsisinungaling ni Mildred.

"Miss Fajardo! Aren't you satisfied with the shame you brought us at eto ka ngayon kakapasok mo lang eh nambubugbog ka na ng kaklase!"Nanggagalaiting wika ng Dean.

"Ma'am, they insulted my mother, ano pong ine-expect nyong gawin ko? magsawalang kibo!?" Mataas ng tonong sabi ni Ysa.

"I dont like the tone of your voice Miss Fajardo!"Mataray na sabi ng Dean.

"I-I'm sorry Ma'am."Napayukong sabi ni Ysa.

"I was about to call you dahil may meeting ang board but I didnt expect na ganto ang madadatnan ko!"Tarang ng Dean.

Nangingiti naman si Bea at Mildred, napatingin naman dito si Ysa na matalim na matalim ang tingin sa mga ito.

Nasa ganong eksena sila ng tumayo naman si Lexin.

"Excuse me Dean Aruello, pero mukhang wala namang klase, aalis na lang ho ako at masyado ng maingay dito."Sabi ni Lexin at saka walang kibong dinaanan si Ysa.

Hindi alam ni Ysa kung saan sya mas nasasaktan, sa mga kalmot ni Bea at Mildred o sa pagbabalewala ni Lexin sa kanya.

"Miss Fajardo, Go to my office now!!"Sigaw ni Dean Aruello.

Dali daling kinuha ni Ysa ang kanyang mga gamit at lumabas pero bago ito tuluyang lumabas ay tinapunan muna nito ng masamang tingin ang noon ay tawa ng tawang sila Yuan.

"What? Hindi Fake?! Paanong mangyayari yon eh hindi naman ho talaga ako yon Mr. Rivera! Saan niyo po ba nakuha yang source nyo!?"Mataas ang boses na sabi ni Ysa, pagdating nya sa Office ay nakita nya na nandoon ang kanyang ina at ang mga board member, asang asa sya na malilinis ang pangalan nya kaya kahit hindi sya pinansin ng ina ay okay lang dahil inaasahan nyang magbabago ito.

Pero taliwas iyon sa nangyari, Kakasabi lang ng Chairman of the board na hindi edited ang Video, sa madaling salita, pinapalabas nila na totoong sya ang nasa video.

"Hija .. Are you questioning me!?"Seryosong tanong ng ama ni Corine.

"Hindi naman po sa ganon Sir, ang akin lang po, parang ang lumalabas ay ako talaga ang nasa video samantalang hindi naman po talaga ako!"Sabi ni Ysa na mataas pa rin ang tono.

"Hindi nga ba?"Sarkastikong tanong ni Dean Aruello.

"Hay naku, ang mga kabataan talaga, gagawa gawa ng kabalastugan, kasalahulaan tapos hindi naman kayang panindigan, Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa sa inyo ng mga magulang nyo" Para namang nagpanting ang tenga ng ina ni Ysa na kanina ay nakatahimik.

"Mawalang galang na ho Ma'am, hindi ko ho yata gusto ang pinupunto nyo, kung pagpapalaki at pagpapalaki lang ho ay masasabi kong maayos at maganda ang akin, hindi naman ho porket nakagawa ng miminsang pagkakamali eh huhusgahan nyo na ang buong pagkatao ng anak ko! Hindi ko ho kinukunsinti ang ginawa nya pero wala ho ni sino man sa inyo ang may karapatang husgahan sya at kwistyunin ang pagpapalaki naming mag-asawa."Madamdaming pahayag ni Lina.

"Mrs. Fajardo, hindi naman ho sa ganoon, ang kay Dean Aruello lang ay patas na opinyon lang sa mga bagay bagay."Paliwanag ni Mr. Rivera.

"Patas? Patas ho ba ito na anak ko lang ang nandito pero yung anim na lalaki wala ?? Sir .. Kung ganyan at ganyan lang sa eskwelahang ito ay willing naman po akong ilipat ng school ang anak ko."Matapang na sabi ni Lina.

"Ay! Misis, yan naman ho ang di pwede, scholar ho dito ang anak nyo, hindi sya basta basta pwedeng umalis ang anak nyo, lalo nat nakakalahating sem na sya, kapag sapilitan nyo syang inalis ay kakailanganin nyong bayaran ng kapareho sa binabayaran ng hindi scholar kasama pa ang danyos perwisyos na dulot ng eskandalo."Paliwanag ng isa sa board member.

"Magkano ho ba ang babayaran?"Seryosong tanong ni Lina.

"Bale ho, 25 thousand sa tuition at 30 thou para sa danyos, pero kung tatapusin po ni Ysabella kahit itong sem lang na to, wala ho kayong iintindihin."Sabi ni Mr. Rivera.

"Anong klase naman yang patakaran na yan Sir, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan!"Reklamo ni Ysa.

"Ysa tumigil ka na!!"Pigil ni Lina sa anak.

"Pero Ma--"

"Sinabi ng tama na!! kami na ang bahala dito ng Papa mo."Pilit ni Lina.

"Hindi Ma!! Ako ang bahala dito! Sige po, tatapusin ko ang sem na to .. basta wag nyo lang sisingilin ng kahit magkano ang mga magulang ko!"Matatag na sabi ni Ysa, mas gugustuhin nya pang lamunin ng kahihiyan kaysa mahirapan pa ang mga magulang.

Natapos ang meeting na yon na tila tulala ang mag-ina, unang lumabas si Lina at sinundan ito ng anak.

"Ma .. "Tawag nya, pero hindi man lang lumingon ang ina.

"Ma!" Tawag muli nya sabay hawak sa braso nito pero isang malakas na sampal ang dumapo sa kanya.

"Paano mo nagawa sa amin to Ysa!! Paano!? Wala kaming ibang tinanim sa iyo kung hindi puro kagandahang asal pero bakit ka nainvolve sa ganong klaseng kababuyan!?"Naiiyak na sabi ni Lina kay Ysa na hawak hawak pa rin ang pisngi.

"Ma .. Maniwala man kayo o sa hindi, hindi ako iyon, hindi ako ang nasa video, dapat alam mo yon kasi ikaw ang ina ko, mas kilala mo ako, mas alam mo kung ano ang mga kaya at hindi ko kayang gawin, kabisado mo bawat parte ng katawan ko kaya isang tingin mo pa lang dapat alam mo na na hindi ako yon .. M-Ma .. ilang beses ko ng ginustong umalis sa eskwelahan na to, kung alam nyo lang .. Pero hindi ko ginawa, wala akong sinumbong sa inyo kahit ano dahil alam kong may problema din kayo, Ma.. Si Ysa pa din ako.. Walang nagbabago.."Naiiyak na ding pahayag ni Ysa.

Hindi kumibo si Lina, umiiyak itong umalis.

Durog na durog na ang puso ni Ysa, pakiramdam nya ay wala na syang matatakbuhan, habang naglalakad ay nakita nya ang mga pictures ng nasabing scandal na nakapost sa bawat wall ng classroom. Umiiyak syang tinanggal isa isa yon.

"Hindi ako to!! Hindi ako to! Hindi ako to!"Sigaw nya.

Isang kamay naman ang humawak sa kanyang balikat, nilingon nya iyon at doon nakita nya ang nakangiti pero halatang malungkot na si Tristan.

"T-Tristan .. "Umiiyak na sabi ni Ysa at para itong batang nakakita ng mapagsusumbungan at bigla na lang itong yumakap sa binata.

"T-Tristan .. Bakit ngayon ka lang .. b-bakit ngayon ka lang .."Humahagulgol na sabi ni Ysa na pinapalo palo pa ang dibdib ni Tristan.

"Tahan na Ysa.. Tahan na.. Nandito na ako.. Nandito na ako.."Emosyonal na ring sabi ni Tristan.

"A-Ayaw nilang maniwala sa akin, ayaw nilang maniwala, pati si L-Lexin, ayaw man lang makinig sa mga paliwanag ko.."Parang nagsusumbong na batang sabi ni Ysa.

"Kung hindi kayang maniwala ni Lexin sa mga sinasabi mo.. Ako Ysa, wala ka pang pinapaliwanag naniniwala na ako.."Wika ni Tristan sa umiiyak na si Ysa..

At doon tila nabasag ang tinitimping tapang ni Ysa, mas lalong lumakas ang hagulgol nya.

Isang mahigpit na yakap naman ang binigay ni Tristan sa kanya.

Hindi pa umuwi si Ysa noon, maghapon silang nag-usap ni Tristan sa may rooftop at maya maya ay nag-aya na si Tristan na ihahatid na sya, hindi naman napansin ni Ysa na nahulog pala sa kanya ang bigay na kwintas ni Lexin.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon