Chapter 45

5.2K 140 14
                                    

Chapter 45

~

"Hi Crisanto,Hi Trini.. Kamusta na kayong mag-asawa?"Bati ni Lucia sa mag-asawang kararating lang.

"Mabuti naman Lucia, nasaan ang Asawa mo?"Ganting bati naman ni Trini pero si Crisanto ay tila hindi kumportable sa presensya ni Lucia.

"Ayun, busy sa trabaho? Kamusta na ang anak nyo Crisanto."Baling ni Lucia sa asawa ni Trini.

"Ah eh.. Ah.. Okay naman..ang anak mo kamusta na?"Naiilang na sabi ni Crisanto kay Lucia.

"Ang anak ko? Hm, okay naman sya..mabuti naman si..." 

~

TOK TOK TOK TOK..

Naputol ang pagmumuni muni ni Trini dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto nya, agad nya yung pinuntahan at binuksan at agad namang napangiti ang babae nang makita kung sino ang nandoon.

"Carlo!"Nakangiting bati ni Trini sa kapatid.

"Ate,Kamusta na?"Nakangiting bati ni Carlo sa ate nya.

"Naku, eto malungkot, kasi naman ang dalang dalang mo pumunta dito eh."Biro ni Trini sa nakababatang kapatid.

"Hay, pano naman, dala dalawang kaso ang hawak ko ngayon, di maipaliwanag ng babae sa may kabilang bayan tas yung sunod sunod na patayan sa LAC."Kwento ni Carlo at saka dire diretsong pumasok sa kwarto ng kapatid.

"LAC..? School ni Tristan yun ah..? Naku baka mapano ang anak ko dun."Biglang pag-aalalang wika ni Trini.

"Ate.."Malungkot na sabi ni Carlo.

"Naku Carlo,wag mo pababayaan ang pamangkin mo, pulis ka at kailangan ikaw ang unang aalalay sa kanya.."Wika ni Trini at umupo sa tabi ng kapatid.

"Ate..."

"Nasaan na nga pala yang si Tristan? kumain na kaya sya?"Tanong ni Trini, maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Oh si Tristan na siguro yan, anak tuloy, nandito si Uncle Carlo mo."

Bumukas ang pinto at inuluwa ang isang babaeng nakaputi. "Ma'am, time to take your medicine na po."Sabi ng babaeng nurse ni Trini.

"Nurse Anna, naiinom ba ni ate lahat ng gamot nya??"Tanong ni Carlo sa babae.

"Opo sir, lagi ko po sinisiguro na iniinom nya ang gamot nya.."Sagot ng nurse.

"Carlo, ayokong uminom ng gamot, napakadami.."Reklamo ni Trini sa kapatid ng paiinumin na sya ng kanyang private nurse. "Hanapin mo si Tristan, pauwiin mo na sya,"Utos nito.

"Ate, inumin mo na ang gamot mo, please.."Pakiusap ni Carlo sa kapatid.

"AYOKO! HINDI KO IINUMIN YAN HANGGANG WALA SI TRISTAN!!"Pagmamatigas ni Trini, sakto namang pasok ni Tristan sa bukas na pinto.

"TRISTAN! Anak, ayan ka na pala.. Halika dito."Ngumiti ang binata at nilapitan ang ina.

"Ma, inom na po ng gamot.."Malambing na wika ni Tristan sa ina at saka ito nilapitan. "Sige na Ma.."

"Sige anak, iinumin ko na,"Wika ni Trini at saka nilunok ang tabletas na dala ng nurse.

Naiiling naman si Carlo habang pinagmamasdan ang kapatid na si Trini, ng hindi matagalan ang nangyayari sa kanyang ate ay lumabas na ito ng silid at bumaba sa sala, naupo ito sa sofa, nakadukdok sya sa gilid ng sofa ng may napansin ito doon, mga basyo ng alak.

"NURSE ANA! HALIKA NGA DITO!"Galit na tawag ni Carlo sa private nurse ng kapatid, maya maya ay kaharap na nya si Ana kasunod ang nag-aalala ring si Tristan.

"Bakit po sir?"Inosenteng tanong ng nurse.

"BAKIT MAY MGA BASYO NG ALAK DITO!? NAKAKAINOM BA SI ATE NG ALAK!?"Galit na galit na sita ni Carlo.

Parang takot na takot naman ang nurse at wari ay takang taka. "Sir, hindi ko po alam, hindi ko po hinahayaan uminom si Mam ng alak, tinapon na po natin lahat ng alak dito dipo ba?"Pagpapaliwanag ni Ana.

"SINUNGALING!! ANG SABIHIN MO NAGPAPABAYAD KA KAY ATE PARA BUMILI NITO!!"Galaiting galaiting sabi ni Carlo.

"Dala ni Tristan yan Carlo, wag mong sisihin si Nurse Ana"Singit ni Trini na nakalabas na pala ng kwarto.

"ATE, bakit lumabas ka.. Sabi ko naman sayo wag kang lalabas ng kwarto mo eh!"Nagmamadaling lapit ni Carlo sa kapatid at saka ito inalalayan.

"Uncle, sorry.. Gusto ko lang naman mapasaya si Mama eh."Guilty na sabi ni Tristan. "Wag mo sisihin..--"

"SA SUSUNOD NA MANGYARI ULIT TO AT HINAYAAN MONG UMINOM SI ATE NG ALAK, IREREPORT KITA SA HOSPITAL NYO!"Banta na lang ni Carlo sa nurse at saka inakay pabalik sa kwarto ang kapatid.

"Tristan, Halika halika.."Aya ni Trini sa anak at agad namang sumunod ang nag aalalang si Tristan.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now