Chapter 21

6.4K 206 18
                                    

Chapter 21

* * *

~

"Kamusta po?"Bungad ni Lexin sa ate Flor ni Ysa na nagbukas ng pinto para dito,wala kasi syang mapuntahan ng gabi na yon at badtrip sya sa bahay kaya naalala nyang pumunta na lang kila Ysa, tamang tama naman na kahit gabi na ay bukas pa rin ang ilaw sa loob ng bahay kaya naglakas loob na syang kumatok.

"Oh Lexin, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?Hindi ka ba kasama sa party sa school?"Tanong ni Flor sa binata.

"Party po?"Taka naman ni Lexin.

"Oo, party, yung sa rooftop, nandoon si Ysa at saka si Marj eh."Paliwanag ni Flor.

Bigla namang kinabahan si Lexin, hindi maganda ang kutob nya sa party na yun, lalong lalo nat alam nyang kasama tiyak dun si Yuan, agad syang nagpaalam kay Flor at saka lumulan sa kotse at pinaharurot ito.

"Ysa.. Hintayin mo ako Ysa.."Pagaalala ni Lexin.

+

Sa Hotel ng school na gamit ng mga HRM student dinala ni Yuan si Ysa, abalang abala sa pagaayos ng camera na gagamtin nya para sa maitim na plano sa dalaga.

"Gang bang ba tol? Gang bang?"Tawa ng isang kaibigan ni Yuan.

"Oo pare, gagawa tayo ng scandal, Wantosawa ito, handa na ba yung goat pills?"Nakangising wika ni Yuan.

"Kanina pa, kaso pare paano natin papainom yun dyan eh tulog."Tanong ng isa pang kabarkada ni Yuan.

"Ako na bahala pare, basta iinom tayo lahat nyan, tingnan natin ang bagsik ng babaeng aswang na ito!"Natatawamg sabi ni Yuan, tawanan naman ang mga kabarkada nito.

"Paano pare, hubaran na natin?" tanong ng isa nilang kasamahan.

"Wag muna pare, wag kang excited, darating tayo diyan, walang pipigil!"sabi ni Yuan.

Nag inuman muna ang magkakaibigan, si Ysa naman ay wala pa ring malay. Maya maya ay umungot na ang dalaga na parang magigising na.

Pinuntahan ito ni Yuan at tinabihan.

"Hi.. my sweet monster, how's your sleep?"Malambing na wika ni Yuan at saka hinimas ito sa pisngi.

Bigla namang bangon si Ysa ng marinig ang tinig ni Yuan.

"Anong--"

Tinakpan ni Yuan ang bibig nito bago pa man makapagsalita si Ysa.

"Relax lang, relax."at saka nito hinawakan sa braso ang dalaga.

"Bitiwan mo ako!!"sigaw ni Ysa at saka tumayo pero bigla naman syang nahilo.

"Sinabi ko ng relax lang eh, masyado kang hot!"sabi ni Yuan at saka sinunggaban ng halik si Ysa pero isang malakas na sampal ang binigay ni Ysa kay Yuan.

"Ganyan ba talaga ang gusto mo ha ?? Ang galitin ako!? Ang pwersahin kita!? Pwes yan ang ibibigay ko!"sigaw ni Yuan at saka sinunggaban si Ysa, sapilitan itong hiniga at saka tinaas ang kamay at pinugpog ng halik.

"Maawa ka sa akin! Wag mo gawin to! Parang awa mo na!"pagmamakaawa ni Ysa.

Pero parang nademonyo na ng tuluyan si Yuan, sinibasib nito ang dalaga.

Latang lata naman si Ysa, pero magkaganon man ay inipon nya ang lakas at ng maabot ang base na nasa katabing mesa ay kanya itong kinuha at buong lakas na hinampas si Yuan. Agad syang tumayo pagkatapos itong hampasin.

Mga lasing na ang mga kabarkada nito kaya hindi na nagawa pang humabol kay Ysa. Si Ysa naman ay nagmamadaling lumabas sa pintuan at kahit nanlalata ay pinilit niya ang sariling tumakbo.

"Mga hunghang! habulin nyo!!" Sigaw ni Yuan sa mga kasama.

Agad namang tumalima ang mga ito at hinabol nila si Ysa.

Pero paglabas na paglabas ng magkakabarkada ay isang babaeng duguan ang bumungad sa kanila, sigawan ang grupo, maging si Yuan na halos manlaki ang mata, biglang nagsara ang lahat ng pinto sa kwarto at nagpatay sindi ang ilaw. At umihip ang galit na galit na hangin, nagliparan ang mga gamit at humampas sa dingding. Kanya kanyang sigawan ang mga lalaki sa loob.

Samantalang si Ysa ay walang tigil pa din sa kakatakbo, pag labas nya ng school hotel ay may nakita syang babae na nakatayo sa labas agad nyang nilapitan ito at humingi ng tulong pero pagharap nito ay naagnas na ang mukha nito kaya sindak na sindak na nagtatakbo ang dalaga.

Hanggang sa may nabunggo itong sa isang lalaki,

" NO NO !! PLEASE AYOKO NA !!!" Nanginginig na sigaw nang dalaga pero isang yakap ang natanggap nito.

"Ysa! Ysa! Ako to, si Lexin! "Tawag sa kanya ng binata na kakarating lang, habang yakap ito nang binata ay tuluyan nang umiyak ang dalaga at wala namang nagawa si Ysa kundi isandal ang ulo nito sa dibdib ni Lexin.

"B-Bakit ... bakit ngayon ka lang."Iyak ni Ysa habang kinakabog sa dibidb si Lexin. "B-Bakit ngayon ka lang.."

Para namang kinurot sa puso si Lexin kaya mahigpit nyang niyakap ang dalaga at hinalikan ito sa noo.

"I'm sorry.. I'm sorry .. Nahuli ako.." Wika nito.

Umiyak ng umiyak lalo si Ysa ng marinig iyon at saka yumakap din kay Lexin.

Hinarap ni Lexin ang mukha ni Ysa sa kanya at saka tinitigan ito.

"Hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo Ysa.. Hinding hindi na.. Sa bawat hakbang mo ako ang aalalay sayo, sa bawat iyak mo, ako ang magpapahid ng luha mo at sa bawat sakit na mararamdaman mo, hayaan mong alisin ko yun ng pagmamahal ko sayo."Pagkawika noon ay dahan dahang nilapat ni Lexin ang mga labi nya sa dalagang nakatitig din at halatang gulat na gulat sa pag amin nang binata, Ngunit hindi ito nagreklamo at dahan dahan ding pinikit ang mga mata.

 * * * * *

Next : Chapter 22

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now