Chapter 10

8.6K 264 6
                                    

Chapter 10

* * *

~

"Ysa.. Ysa.. Ysa.. hoy! Ano na ba nangyayari sayo!!? " Tawag pansin ni Aileen sa kaibigan.

Para namang nagising si Ysa sa pagkatulog.

"Anong nangyari?" Tanong nang dalaga habang nakakunot ang noo,

"Anong nangyari? Bigla ka kayang natulala diyan nung pagpasok namin ni Aileen, kwinento ko pa naman na muntik ko ng sapakin si Bea. Ano ka ba? Okay ka lang? Ano ba nangyayari sayo?" nag-aalalang sabi ni Marj.

Napapikit naman si Ysa at inalala ang nangyari sa kanya, kinilabutan sya ng maalala ang pangyayaring yon.

"Ysa.. Ano?" tawag pansin ulit ni Marj.

"Aileen.. Marj.. Natatakot ako sa school na to.. Parang.. Parang.." Paputol putol na sabi ni Ysa.

"Parang may kakaiba? Parang may.." mahinang sabi Aileen.. "Parang may multo ..?" bulong nito sa huling salitang sinabi.

Tila kinilabutan naman si Ysa sa binanggit ni Aileen. "Oo, nagpaparamdam sila sa akin, nagpapakita.." kwento nito.

"Madaming ganyan sa school na to Ysa, hindi lang doon sa Haunted Restroom, sa lahat nang sulok nang school na to .."nakakakilabot na pahayag ni Aileen.

"Paano mo --"tanong ni Ysa.

"Nararamdaman ko din sila Ysa, hindi ko nga lang sila nakikita pero nararamdaman ko sila.." sagot ni Aileen.

"Guys, wag naman kayong mag-takutan, hello, nandito kaya ako, natatakot.. Baka lang nakakalimutan nyo na may isang takot dito." Reklamo ni Marj.

"Bakit may ganito sa school na to? Alam ko may mga ganyan talaga sa mga school pero bakit sila ... parang kakaiba.."tanong ni Ysa na hindi pa rin pinansin ang sinabi ni Marj.

"Basta ang alam ko, at ayon na rin sa bali balita, mga kaluluwang galit daw yun, sila yata yung mga biktima sa sunod sunod na patayan 3 years ago." Kwento pa ni Aileen ng pabulong.

"Patayan?!" Gulat na tanong ni Ysa.

"Yup, ayon sa bali-balita, 3 years ago daw ay sunod sunod ang naging patayan sa school na to, ayaw lang ilabas kasi baka daw wala ng mag-enrol!" tuloy pa ni Aileen sa kwento.

"Guys.. Natatakot na talaga ako, umalis na kaya tayo dito.." Natatakot nang sabi ni Marj pero parang walang naririnig ang dalawang kaibigan.

"Nahuli ba yung pumapatay?" tanong ni Ysa.

"Hindi, paano mahuhuli eh wala namang nangyaring imbestigasyon, wala ni isa man ang nagreklamo sa pulis, kasi wala naman nakitang bangkay, sa ngayon, pinaniniwalaan na pakalat kalat lang sa school yung bangkay ng mga namatay. At yung pamilya nila binayaran ng school para lang wag mag-demanda at makaladkad ang pangalan ng school." mahabang kwento ni Aileen at saka luminga linga.

Nasa ganoon silang usapan ng biglang magpatay sindi ang ilaw. Kanyan kanyang tilian ang tatlo at saka nagtakbuhan palabas ng clinic.

+

"Oy Tristan, loko ka ah, saan ka nanaman galing?" Sita ni Ren sa kaibigan.

"Kanina pa kita hinihintay!"

"Sa clinic lang, nakita ko kasing dinala si Ysa doon eh." sagot naman ng binata.

"Naks naman!!Knight and shining armor to the rescue ka ah!!" Ngiting tukso ni Ren.

"Sira! Alam mo pare, iba pakiramdam ko eh, malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari kay Ysa." sabi ni Tristan.

"Anong ibig mong sabihin?!" tanong naman ni Ren.

"Basta, kaya pare tulungan mo ako, bantayan natin si Ysa."Pakiusap ni Tristan sa kaibigan.

"Sure pare, walang problema.." Paniniguro naman ni Ren kay Tristan.

+

Sa isang Bar naman ay magkausap at nag-iinuman si Yuan at Corine.

"Anong masamang hangin nanaman ang nasinghot mo at inaya mo ako dito?" Tanong ni Yuan sabay tungga sa iniinom.

"Ano ka ba naman Yuan!! Masama bang imbitahan kang mag-unwind?" wika ni Corine at saka nilagay ang kamay nito sa hita ni Yuan.

Para namang kinuryente si Yuan sa ginawa ng dalagang kaharap, sino ba naman ang hindi mag-iinit kay Corine lalo na sa suot nitong napaka ikling dress at sobrang baba pa ng neckline.

Alam ni Yuan na may kailangan ang dalaga sa kanya, kaya naman sinamantala na nya ang pagkakataon para makuha si Corine.

"May kailangan ka sa akin?"Diretsong tanong nya dito sabay hawak sa kamay nito na nasa hita nya.

"Hmmm, Alam mo kasi, I'm having a headache because of that girl Ysa, can you please do something about it?"Sabi ni Corine sabay dikwatro para ipakita pa lalo ang makinis nyang hita.

"Yung Ysa na yon, anong gusto mong gawin ko sa kanya?" Tanong ni Yuan at saka lumapit kay Corine at humawak sa hita nito.

"I want her out of that school, gusto kong umalis sya doon ng wala ng mukhang ihaharap sa lahat, I want her to be miserable.." Malanding sabi ni Corine sabay dikit ng labi nito sa tenga ni Yuan.

"I will be very happy pag nangyari yon sa aswang na yon.." Sabi ni Yuan sabay hila kay Corine palapit sa kanya.

"But let's take it slowly Yuan, hayaan na muna natin matikman nya yung fame na gusto nya.." sabi ni Corine at saka tinanggal ang kamay ni Yuan sa kanya at saka binulungan ang binata. 

"Saka na yung reward mo ah." Sabay talikod nito.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Yuan dahil sa ginawa ni Corine, gigil na gigil na sya maangkin ang dalaga, kailangan magawa na nya ang gusto nito.

"Humanda kang Aswang ka!!" Nakangising sabi ni Yuan.

+

Antok na antok pa si Ysa ng pumasok siya ng umagang yon, paano naman ay hindi man lang sya dinalaw ng antok dahil naaalala nya ang kwento ni Aileen.

Papasok pa lang sya ng gate ay pansin na nya si Tristan na ngiting ngiti sa kanya, naiiling syang nilapitan ito.

"Anong nakakatawa??" pasungit kunwaring tanong ni Ysa.

"Hahaha, yung mata mo kasi, halatang halatang puyat ka.. Iniisip mo ako noh?" nakatawang asar ni Tristan.

"Ang kapal mo! Asa ka pa.." sabi naman ni Ysa sabay irap at saka nilagpasan si Tristan.

Tinanaw lang ni Tristan si Ysa, banaag sa mga mata ng binata ang pag-aalala rito.

* * * * *

Next : Chapter 11

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now