Chapter 66

4.4K 109 2
                                    

Chapter 66

~

"Tsk. Tsk. Grabe ang nangyari dito Inspector, walang pasaherong mabubuhay sa inabot ng kotse na yan."Naiiling na wika ng kasamahang pulis ni Bonker na si Adrian. Si Bonker naman ay nakamasid lang at tila may malalim na iniisip.

"Mabuti pa Cruz inspeksyunin mo yung paligid, at ako naman dun sa kotse."Utos ni Bonker at saka maingat na tinungo ang kotse na wasak na wasak, inikot nya ang sasakyan at saka sinilip sa loob, at natanaw nya ang drawer ng kotse, maingat at dahan dahan nyang inabot iyon at may kung anong kinapa.

"Inspector!" Gulat na gulat si Bonker sa pagtawag ng kasamahan, kaya nabigla sya ng pagbawi ng kamay nya mula sa drawer dahilan para mabitiwan nya ito muli. At ang malala pa ay bumigay na ng tuluyan ang kotse. Naging imposible tuloy para sa kanya na kunin ang kinukuha kanina.

"Lintik na! Ano ka ba naman Cruz!! Bakit ba nanggugulat ka!"Sita ni Bonker sa kasamahang pulis.

Napakamot sa ulo si Adrian. "Pasensya na Inspector, may nakita po kasi akong bag sa paligid, ang alam ko po kay Inspector Sta. Ana tong bag na to." Napakunot ang noong kinuha ni Bonker ang bag ni Carlo kay Adrian at saka binuksan.

Ilang gamit ni Carlo ang nandoon at isang kahon na mukhang pambabae. Agad nyang kinuha ito. At binuksan, doon ay may mga larawan at ilang sulat na pambabae.

"Sa Girlfriend kaya yan ni Inspector Sta. Ana?"Singit ni Adrian sa malalim na pag-iisip ni Bonker. Pero imbes na sumagot ay binalik nya ito sa bag at sinukbit sa likod nya.

"Cruz, tulungan mo ako, may kailangan akong kunin sa drawer ng kotse."Wika ni Bonker at saka hinarap ang kotse. At pinagtulungan nila ni Adrian na iangat ito. Kahit mahirap ay pinilit abutin ni Bonker ang drawer sa koste ng may isang nakapangingilabot na boses ng babae syang narinig.

"WAG KANG MAKIALAM.."

Nabitawan tuloy ulit ni Bonker ang pilit inaabot..

"Inspector bakit ho?" Usisa ni Adrian.

"Wala, mabuti pa bilisan na natin." Sabi nito at saka muli ay pilit inabot muli ang kanina pa inaabot, at kahit mahirap ay sa huli, nakuha na nila ito. Isang sisidlan ang kanyang nakuha.

"Ano ba yan Inspector at parang alam na alam mong nandoon yan sa drawer ng kotse?" Tanong ni Adrian.

Hindi kumibo si Bonker, bagkos ay pinamulsa nya ang sisidlang napulot.

"Halika na, kailangan natin haluglugin ang lugar.." iba nito sa usapan.

+

"Ysa.. Ysa.. Anak.."Gising ni Lina sa anak. Napadilat naman si Ysa at nagsisigaw.

"Wag po! Parang awa nyo na po! Wag po!" Pagwawala nya.

"Ysa! Anak! Tama na.. Wala na sila.. Wala na.." Pigil ni Lina kay Ysa at saka niyakap ang anak.

Si Ysa naman ay tila natauhan at tumingin sa ina, at saka luminga linga sa paligid, doon ay nakita nya na nasa kwarto na nya sya, nandoon ang dalawang kapatid.

"Ma.." Nasabi na lang ni Ysa at saka mahigpit na niyakap ang ina at nagiiyak.

"Tahan na anak.. Tahan na.." Wika ni Lina habang hinahagod ang likod nito, lumapit naman si Flor at Lewis at nakiyakap din ang umiiyak na dalaga.

"Mabuti na lamang at may mabait na binata na nag-uwi sayo dito.." Sabi ni Flor.

"Binata?" Napabitaw sa inang tanong ni Ysa.

"Oo.. 'gwapong binata' Mukhang angel at napakaganda ng ngiti, parang.. Parang pag nakikita mo yung smile nya.. Parang..."

"Parang ang komportable ng pakiramdam mo at ligtas?" Putol ni Ysa sa sasabihin ng kapatid, kilala na nya ang binatang tinutukoy nito, ang kanyang guardian angel, ang nagligtas sa kanya kanina, ang kanyang si Tristan.

"Oo.. At pinapasabi nya na hindi nya daw hahayaang may masamang mangyari sayo.." Wika ni Flor.

Napangiti si Ysa at napatingin sa may bintana.. "Alam ko Tristan.. Alam ko.." Naiiyak na wika ni Ysa.

+

Lumipas ang araw at nailibing na ang lola ni Lexin, nagluksa ang buong masyon sa pagkawala nito.

Pinilit ni Ysang maging normal na lang ang kanyang pamumuhay, pumasok sya sa school at pinilit mahabol ang mga araling di napasukan.

Isang linggo matapos ang libing ng Lola ni Lexin ay pumasok na rin ang binata.

Si Ysa naman ay hinahatid palagi ni Lina upang makasiguro na hindi gagambalain ni Albert. Pero sadyang maliit ang mundo para sa mga ito. Nakatakda talaga ang dapat itakda.

Papasok noon si Ysa hatid hatid ng kanyang ina ng pumasok ang isang kotse na pamilyar kay Ysa.

"Kotse ni Lexin yun.." Ani Ysa at saka akmang tatakbuhin ito ng pigilin sya ng ina.

"Ysa.. Akala ko ba napag-usapan na natin na lalayo ka na kay Lexin." Nanlalaki ang matang sabi ni Lina sa anak.

Naiiling si Ysa na tinanggal ang kamay ng ina pero mas hinigpitan pa ito ni Lina.

"Ma.. Hindi ko talaga kaya.. Hindi ko kaya Ma.. Bawat isang segundo na hindi ko sya nakakasama parang isang libong beses akong sinasaksak dito.." Ani Ysa sabay kabog sa dibdib nya. "Pinilit ko dahil ayokong bigyan ka pa ng sama ng loob kahit hindi ko maintindihan kung bakit pero Ma.. Paano ako lalayo sa taong pinag alayan ko ng buong pagkatao ko.. Mahal na Mahal ko si Lexin Ma.." Pagkatapos noon ay umalis si Ysa at sinundan ang kotse ni Lexin.

Si Lina naman ay naiwang nakatulala at gulong gulo ang isip.

"Anak.. Kung alam mo lang na sa isang libong saksak sa puso mo ay milyon milyon naman ang katumbas nang nararamdaman ko.."

+

"Lexin..!" Bati ni Ysa sa nobyo ng makababa ito ng kotse pero imbes na masupresa si Lexin ay si Ysa ang nasupresa ng makita kung sino ang kasunod nitong bumaba sa kotse ng binata. Walang iba kung hindi si Corine.

"Oh Hi Ysa.. Anong ginagawa mo diyan? Baka ka maatrasan ng kotse ni Lexin kapag dika umalis diyan." Nakangising wika ni Corine at saka kinawit ang kamay kay Lexin.

Si Lexin naman ay parang tuod na walang pakiramdam na nakatingin lang sa dalaga.

"Anong ibig sabihin nito..?" Yun na lang ang mga salitang namutawi mula kay Ysa.

"Hindi pa ba malinaw sayo Dear.. Kami na ni Lexin.. After ng burial ni Lola Marietta, nagpropose sya sa akin so hindi na ako tumanggi.." Parang demonyong wika ni Corine.

"Hindi totoo yan.." Agad sumikip ang dibdib ni Ysa dahilan para mapahawak siya rito.

"Oh come on Ysa.. Wake up.. Hindi na kayo ni Lexin.. Kami na! Kaya wag ka na magdrama diyan.. " Pang iinis pa ni Corine at saka yumakap kay Lexin.

"Sabihin mo sa akin Lexin na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng yan! SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI TOTOO YUN, AKO ANG MAHAL MO!" Naiiyak na wika ni Ysa.

Si Lexin ay nakatanaw lang at hindi kumibo.

"I'm sorry Ysa, pero.. Ako na mahal ni Lexin, hindi na nya kayang makisama pa sa malas na katulad mo.. Ako ang mahal nya.. At kung gusto mong patunayan ko sayo yun, I Will.." Wika ni Corine at saka humarap kay Lexin. "Kiss me.."

"What?"Nabiglang wika ni Lexin.

"I said kiss me Lexin, halikan mo ako.. Show her how much you love me.. kiss me!"mapanuksong sabi ni Corine.

"Lexin... p-please!" Pagmamakaawa ni Ysa.

Si Lexin naman ay parang robot na hinalikan si Corine. Pakiramdam ni Ysa ay binagsakan sya ng mabigat na bagay. Pagkatapos halikan ay tiningnan lang sya ni Lexin at umalis na.

Si Corine naman ay ngising ngisi sa nangyari.

"See?" Sabi nito at saka sumunod kay Lexin.

Naiwang wasak si Ysa at nakatulala sa nasaksihan.

"L-Lexin...."

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن