Chapter 06

10.6K 303 25
                                    

Chapter 6

* * *

~

"Okay Class, I want you to find a partner and we will be having a trust walk." Wika nang kanilang guro na si Mrs.Delmundo.

Napabagsak naman nang balikat si Ysa dahil hindi niya kasama sila Marj at Aileen sa subject na ito.

"Ma'am, what is Trust walk?" tanong ni Bea.

"Trust Walk, this is a test to your trust for your partner. One of you will be blindfolded and the other will be the one who'll guide them,here is the mechanics, itatap nyo lang sila sa right and left shoulder, depende kung saan nyo sila gusto papuntahin, I-tap nyo sya sa likod pag forward at pag nagstop na ang tap bawal ang magsalita. Mula dito sa tapat ng room hanggang sa dulo ng hallway ang layo ng lalakarin nyo, pagkatapos ng isa, palit naman kayo, and afterwards, irarate nyo ang partner nyo based on their trust on you, Is that understood?" Paliwanag nang guro.

"YES MA'AM"

Agad napalunok si Ysa at lumingon sa paligid , Sino naman kaya sa kanila ang pwede kong pagkatiwalaan kung lahat sila ang tingin saakin ay aswang .. Mamaya i lead pa nila ako sa hagdan...

"Ysa, may partner ka na?" Biglang lapit ni Corine sa dalaga , nanlaki naman ang mata ni Ysa sa biglaang paglapit nito.

"Ha? Ah Eh.." Halos mapakamot pa ito sa ulo at hindi malaman ang isasagot.

"Gusto mo tayo nalang ang partner, mag partner na kasi si Bea at Mildred eh" Nakangiting wika nito.

Matagal bago sumagot si Ysa, wala nga syang tiwala kay Corine tas ito pa ang makaka-partner nya sa Trust walk.

"Silence means Yes.." Wika ni Corine at saka bumaling sa guro. "ma'am si Ysa po ang partner ko" paalam nito sa guro.

Wala naman nang nagawa si Ysa, wala naman syang ibang choice, ayaw na niyang maginarte at baka mamaya mas malala pa ang gawin ni Corine pag napahiya nya ito sa pagtanggi nya, hindi naman sya natatakot, gusto lang talaga nya ng tahimik na buhay sa school na ito.

Si Corine ang unang nagtakip ng mata, at sya ang nag guide rito. Mabilis silang natapos sapagkat sumusunod kaagad si Corine sa kanya.

Ngitngit na ngitngit naman ang dalawang kabarkada si Corine sa nakikita, kaya isang masamang ideya na naman ang pumasok sa isipan nila.

"Salamat at hindi mo ako pinahamak sis."nakangiting sabi ni Corine habang sinusuot nya kay Ysa ang pantakip sa mata.

"Class! You are not allowed to remove your blindfold hanggang sa hindi kayo nakakabalik dito!" narinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

Nakahanda na si Ysa ng biglang tawagin ni Bea si Corine.

"Wait lang Ysa, sandaling sandali lang." paalam nito sa kapartner.

"Ano ba yon? "Tanong ni Corine dito.

"Oily na face mo.."Bulong ni Bea kay Corine, bigla namang nagpanic si Corine sa narinig kaya nagmamadali itong pumunta sa restroom, nawala na sa loob nito ang kapareha at iyon ang hinhintay na pagkakataon ni Bea.

Pumunta si Bea sa likod ni Ysa at tinap na ito sa likod, sa pag aakala naman ni Ysa na si Corine yun ay lumakad na ito. Imbes na sa dulo ng hallway ay ginuide nya ito sa ibang daan. Huminto sila sa tapat ng pinaniniwalaang haunted restroom ng mga nandoon at pagkatapos noon ay dahan dahang tumakbo si Bea palayo,

Si Ysa naman ay takang taka dahil sa pagtigil nila.

"Bakit tayo tumigil? Nandito na ba tayo?"tanong nya sa akala nyang nandoon pa.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon