Chapter 72

3.1K 78 1
                                    

Chapter 72

+

"TAO PO! TAO PO! TAO PO!" Bumukas ang pinto at bumungad ang isang matanda na nasa 70 na ang edad.

"Sino sila?"

"Magandang Umaga po, dito po ba nakatira si Elvida Yango?" Tiningnan sila ng matanda at sinipat pagkatapos ay nagwika.

"Anong kailangan nyo sa kanya?"

"Galing po kasi kami sa Hacienda Fuentes, naghahanap kami ng dating tauhan doon pero wala na daw natira mula ng umalis yung dating may ari."paliwanag ng lalaki na nakasalamin at nakacap.

"May nakapagsabi sa amin na isang tiga doon na sa lugar na ito, nakatira si Elvida Yango, ang tiga pangalaga ng anak ng may ari ng hacienda dati."dagdag pa ng isa pang lalaki na naka jacket na may hood.

"Bakit naman kayo interesado sa mga Fuentes?"tanong ng matanda.

"May mga bagay lang po kaming gustong malaman tungkol sa pagkatao ng isa sa mga anak nyang si Lucia."sagot naman ng isang lalaking nakasalamin.

"Sino ba kayo?"

"Ako po si Carlo Sta. Ana, isa po akong inspector,"pakilala ng lalaking nakasalamin

"..at eto naman pong kasama ko ay si Axle, isang kaibigan." Imbes na magsalita ang matanda ay luminga linga sa paligid at saka binuksan ang pintuan ng mas malaki at inaya pumasok ang dalawa. Agad naman tumalima ang dalawa.

"Maupo kayo." Lilinga lingang naupo ang dalawa.

"Nagsikain na ba kayo?" Tanong pa ng matanda. Nagtinginan ang dalawa at wari'y tatanggi pero dinig na dinig naman ang pagkalam ng sikmura nila.

Malaki ang binawas sa timbang ng dalawa mula ng mangyari ang aksidente sa sasakyan. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noon. Bago mahulog sa bangin ang kotse ay nagawang tumalon palabas ng dalawa sa kotse pero kinailangan din nilang babain ang sasakyan para isakatuparan ang plano nila.

Kinailangan nilang hubarin lahat ng damit at sunugin kasama ang mga damit ni Charm na nakuha nila sa bahay nito upang hindi sila masundan ng babaeng nakaitim. Bago yun ay nagawang tawagan ni Carlo ang kasamahang pulis upang hingin ang tulong nito.

+

"Hello sir,. Si Carlo po ito, wag po kayong magsasalita tungkol saakin o kung nasaan ako, kailangan ko ng tulong nyo, may misyon ako ngayong ginagawa para matunton o malaman ang nasa likod ng patayan sa LAC. Mababalitaan nyo ang nangyaring aksidente sa kotse ko, wag kayo magalala sir at okay ako, kailangan ko lang ng mga damit at ilang personal na gamit para sa dalawang tao. Pagdating nyo dun sa pinangyarihan ng aksidente ay pasimple nyong ibaba ang mga pinapadala ko, at sa loob ng kotse ay kunin nyo ang box na nasa loob ng drawer ng kotse, at pakiusap, ibigay nyo to pagkatapos ng 20 days kay Ysabella Fajardo. Mawawala ako ng ilang linggo pero pag balik ko ay baon ko ang mga sagot sa lahat lahat."

Pagkatapos nun ay namatay na ang cellphone. Hindi na nagtanong pa si Bonker dahil malaki ang tiwala nya kay Carlo. Sila Carlo naman ay kinailangang kumubli sa mga tao dahil wala sila anumang saplot.

Sinunog kasi nila ang mga damit nila ni Axle. Ilang oras silang nasa ganong sitwasyon bago dumating si Bonker, pasimpleng binaba ni Bonker ang bag sa may damuhan na may lamang ilang damit at personal na gamit. May konting cash din syang natagpuan dito na pinagpapasalamat nya kay Bonker ng sobra dahil maski pera nila ay kinailangan nilang iwanan dun para di sila masundan, tanging mga gamit lang ni Axle ang tinira nila dahil maaring makatulong sa kanila ito at isa pa ay may binudbod ni Axle dito ang abo ng damit nilang sinunog. Matapos magbihis ay siniguro muna nilang makikita ng inspector ang biniling kahon at di naman sila namoblema dahil nakita din nila ito.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now