Chapter 48

5.1K 155 18
                                    

Chapter 48

~

"I'm sorry Ysa.. " Nasabi nalang ni Tristan.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka.." bulong nito at saka ito parang hanging nawala.

Dahan dahang napaluhod si Ysa habang bumubuhos ang luha nya, si Lexin ay iniwan na sya, panong ngayon naman ay pati si Tristan ay mawawala na din, sino na lang ang magiging kakampi nya.

"Ysa.." Isang kamay ang humawak sa kanyang balikat, alam nyang si Carlo iyon, nilingon nya ang inspector at doon bumuhos ang luha nya, kaya pala may pagkakahawig si Tristan at Carlo, pati sa ugali.

"Ysa.. anong problema?" Nakakunot noong tanong ni Carlo.

Umiling lang si Ysa at kapagdakay napaupo sa sahig. "Anong kinamatay ng pamangkin mo?"natanong na lang ni Ysa.

Napabugtong hininga si Carlo at kasunod noon ay ang pagtanaw nya sa paligid. "Dito.. Dito mismo sya sa rooftop na ito namatay.."

"Dito? Paanong?"

"Walang makapagsabi sa totoong nangyari Ysa, basta nahulog sya mula dito sa rooftop, may nagsasabing nagpakamatay daw si Tristan pero hindi ako naniniwala, mahal na mahal ni Tristan ang Mama nya para gawin yon,at isa pa.. Nakausap ko pa sya bago yung insidente na yun, at masayang masaya sya...."

~

"Hoy Tristan, ngingiti ngiti kang mag-isa dyan!?" Bati ko sa kanya ng minsang makita ko syang pangiti ngiti habang nag aagahan.

"Wala Uncle.. May iniisip lang..ikaw talaga.." Ngiting sagot nya. "Basta ganto pala ang feeling ng.... Ewan..!"

"Naks, mukhang inspired ka pamangkin ah.."kantyaw ko sa kanya noon.

"Basta Uncle, kung ano man ito, another reason to para mas maging masaya ang buhay ko, paano Uncle, pasok na ako at ng masilayan ko na sya.." Masayang paalam ni Tristan noon saka yumakap pa sya sa akin at wala akong kamalay malay na yun na pala ang huling pagkikita namin ni Tristan.

Alas diyes ng gabi noon ng tumawag sa akin si Ate Trini na iyak ng iyak.. Patay na daw si Tristan, tumalon sa rooftop ng school kung saan sya madalas nakatambay.

~

"Hindi mo man lang ba naisip na maaring may nangyaring hindi maganda noon na naging dahilan para gawin nya yon?" seyosong sabi ni Ysa.

"Maaari, pero talagang malabo, iba si Tristan, ang daming problemang dumaan sa kanya pero kahit kailan hindi sya nagisip ng masama, ngingiti lang yan.."kwento ni Carlo.

Napangiti si Ysa sa sinabi ni Carlo na yon, si Tristan nga ang tinutukoy nito, palaging nakangiti kahit anong problema.

"Alam mo ba na sya ang dahilan kung bakit mula sa pagiging NBI agent ay nagpalipat ako sa pagiging ordinaryong inspector sa bayan na to, gusto ko kasi maimbestigahan ang maaring koneksyon ng pagkamatay ni Tristan sa patayan 3 yrs ago at sa patayan ngayon."Pahayag ni Carlo, napatingin naman dito si Ysa.

"May kinalaman ang pagkamatay ni Tristan sa mga patayang nangyayari?"Naguguluhan nyang tanong.

"Maari, pakiramdam ko may kinalaman din ito dun sa sinasabi mong babaeng nakaitim.." makahulugang sabi ni Carlo.

Napatingin dito si Ysa at napanganga, si Carlo na ba ang maaring makatulong sa kanya, tanong nya sa isip nya, Pero natatakot sya na pati ito madamay sa kamalasan nya.

"Ysa.." Putol ni Carlo sa kanyang mga iniisip. "Alam mo bang mahilig magdrawing noon si Tristan?" Nakangiting biglang sabi ni Carlo.

"Talaga? Mahilig din ako magdrawing.."Sagot ni Ysa.

"Bago pa mangyari iyong sunod sunod na insidente noon, madalas may mapanaginipan si Tristan na babae, lagi nyang kinukwento sa akin, dinedescribe, at hindi pa sya nakatiis, dinrowing nya yung babae.." Kwento ni Carlo at saka kinuha ang wallet nya. "Nakatago pa sa akin yun, sabi nya kasi, kung sakali daw na may makulong na ganun ang itsura sa prisinto, sabihin ko daw sa kanya at pipyansahan nya.."natatawang sabi ni Carlo sa alaala ng pamangkin sabay kuha ng isang nakatiklop ng papel sa wallet nya at inabot kay Ysa.

Tila naman naguguluhan si Ysa kung bakit binigay sa kanya iyon, kinuha na lang nya ito at binuklat at nanlaki na lang ang mata ni Ysa sa pagkamangha.

"Paanong.."

"Kamukhang kamukha mo sya diba Ysa..kamukhang kamukha mo ang dream girl ni Tristan, alam mo ba na nagbiro pa sya sa akin noon, na kung sakaling patay na daw sya at saka pa lamang nya nakita ang babaeng yan, hindi pa din daw sya magdadalawang isip na magpakilala.."Wika ni Carlo, napatingin naman si Ysa sa inspector at saka tumitig muli sa drawing at saka nya yon niyakap at nagumpisang tumulo ang luha.

"Ysa..okay ka lang?"nagaalalang tanong ni Carlo.

"Alam mo ba, nung unang araw ko sa LAC ay may isang lalaki akong nakilala dito mismo sa rooftop na to, napakabait nya..ilang beses nya akong tinulungan, at hindi sya nagsawang patawanin ako sa mga oras na sobrang miserable ako, bago mamatay si Papa ay kasama ko pa sya, and you know what, yung moment na yun ang pinakasafe na pakiramdam ko.."tuluyan ng napaiyak si Ysa sa kwento at isang malakas na hangin ang umihip, kasabay noon ay ang biglang pagsulpot ni Tristan at pagupo sa tabi nya, walang nakakakita kay Tristan ng mga sandaling iyon maging si Ysa.

"Pero kanina lang.. "tuloy ni Ysa sa kwento nya. " Nalaman ko na yung taong iyon na nagbigay sa kin ng pinakakomportableng pakiramdam...ay matagal na pa lang w-wala.."at pagkasabi noon ay bumuhos ang luha ni Ysa.

Natulala si Carlo sa narinig at hindi makapaniwala. "Nagpapakita sayo si Tristan?.."

Tango na lamang ang sinagot ni Ysa at saka sya nagpatuloy sa pagtangis. "Ano ngayon Tristan! Masaya ka ba sa nakikita mo..? Masaya ka ba na nasasaktan ako, SUMAGOT KA!!"wika ni Ysa.

Nakatitig lang si Tristan kay Ysa noon at hindi nya napapansin ang pagpatak ng mga luha nya, hindi sya makapaniwala na ang babaeng importante sa kanya ay nasasaktan nya.

"Im sorry Ysa ... Patawarin mo ako.. I'm sorry.."Iyak ni Tristan at saka yumakap sa dalaga mula sa likuran nito.

Pakiramdam naman ni Ysa ng mga sandaling iyon ay may kung anong hangin ang yumakap sa kanya.

"Tristan.."nasambit na lang ni Ysa at saka niyakap nya ang sarili.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now