Chapter 47

5.5K 154 35
                                    

Chapter 47

~

Mag isang papasok si Ariann ng school nang umagang iyon, pinagtitinginan sya ng mga kaklase, at saka ito mga magbubulungan. Nakayukong nagpatuloy si Arianne sa paglalakad, maya maya pa ay makakasalubong nya ang grupo ng mga kababaihan kabilang na si Charm. Halatang inaway away ang dalaga at maya maya pa ay tinulak pa ito ni Charm, pero isang lalaki ang dumating.. Hindi malinaw kung sino, at pamaya maya pa ay humarap na ito at..
~
"AHH!!" Napadilat si Ysa matapos ang panaginip, nagulat pa sya ng makita nyang nasa hospital pala sya at ang mas kinagulat nya ay ng makita ang nakadukdok sa kama nya. Si Lexin...

Kitang kita nya ang pag aalala sa nakapikit na mga mata ng binata sa kunot palang nitong kilay ay masasabi mong nag aalala ito, pinagmasdan pa ni Ysa ang itsura ni Lexin na tila hindi na nakuha pang ayusin ang sarili. Tinutubuan na ito ng bigote at balbas pero hindi iyon nagpabawas sa kagwapuhan ng binata. Gustong gusto nya itong yakapin at magsumbong na parang bata dahil sa nangyari sa ama. Hahawakan na sana ni Ysa ang ulo ng binata ng bigla itong umungol na nagpapahiwatig ito na gising na, pumikit ulit si Ysa at nagpanggap na tulog pa din.

"Tulog ka pa din mine ... kailan ka ba magigising? alalang alala na ako sayo, ano bang ginagawa mo sa sarili mo, bakit inaabuso mo ang sarili mo ng ganyan.." Ani Lexin at saka hinawakan ang ulo ni Ysa at hinimas. "Masyado ng naging miserable ang buhay mo ng dahil sa akin, siguro mas mabuti pa nga na lumayo na lang ako sayo ng tuluyan.."Narinig ni Ysa'ng sabi ni Lexin na kinagulat nya at parang may kung anong sumundot sa kanyang puso pero hindi sya nagpahalata.

"Ysa...kung ikakasaya mo na wala ako sa buhay mo.. Gagawin ko, pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala ka sa puso ko..Mahal na mahal kita.." Bulong ni Lexin sa inaakalang natutulog na dalaga.

Cause you're all I want, You're all I need
You're everything,everything
You're all I want your all I need
You're everything, everything.
You're all I want you're all I need.
You're everything, everything
You're all I want you're all I need, you're everything, everything.

Mahinang kanta ng umiiyak na si Lexin at maya maya pa ay tumayo na ito at bumulong muli kay Ysa. " I Love You, Ysa.."at saka tumalikod.

"Lexin!!!.."Tawag ni Ysa na hindi na napigilan ang sarili, napalingon si Lexin at nakitang nakaupo na sa higaan si Ysa.

"Y-Ysa ..." Agad lumaki ang mata nang binata sa pag aakalang pipigilan siya nang dalaga..

"Wala.. Pakitawag na lang si Mama paglabas mo.."Napakagat labing sabi ni Ysa.

"A-Ah .. Sige.. "Ani Lexin at ngumiti nang mapait bago tuluyan ng lumabas.

Si Ysa naman ay tumulo na lang ang luha. "Mahal na mahal kita Lexin, mahal na mahal kita.." iyak ng iyak na sabi ni Ysa.

+

Pinalabas din si Ysa ng hospital matapos magbalik ang nawalang lakas, binigyan din si Ysa na pampaganang kumain. Ilang araw lang ang lumipas ay nakarecover na rin ang dalaga, nagpaalam na ito sa ina na babalik na sa dorm at kailangan na nyang pumasok, pumayag naman ang ina dahil ayaw nyang magmukmok pa ito lalo sa bahay. Ang balak ni Ysa ay magpaalam na sa caretaker na hindi na sya magdodorm, kukunin na lang nya ang gamit nya at sa bahay na nila muli tumira.

Dumiretso muna sa school si Ysa at nang papasok na sya ng classroom ay nakita nyang nakatayo at titig na titig sa kanya si Bea, walang kamalay malay si Ysa na pumanaw na ang dalaga. Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy pero hinawakan sya nito sa braso.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon