Chapter 24

6.4K 197 7
                                    

Chapter 24

* * *

~

"Bakit sinasabi mo sa akin lahat ng ito Tristan?"tanong ni Ysa ng medyo gumaan na ang pakiramdam ng binata.

"Dahil alam kong may nakikita ka ring hindi mo gusto.."sabi ni Tristan

Napatingin naman si Ysa kay Tristan. "Anong ibig mo sabihin?"tanong nya.

"Tuwing makikita kita, lagi ka na lang umiiyak at parang takot na takot, ganyan din ako nung una Ysa."nakangiting sabi ni Tristan.

Napayuko naman si Ysa at saka umupo ulit sa duyan. "Hindi ko alam Tristan, naguguluhan ako, akala ko mga ligaw na kaluluwa lang ng mga estudyante ang nakikita ko pero kagabi.. Kakaiba yung nakita namin ni Marj."kwento ni Ysa.

"Kakaiba? Anong nangyari kagabi?"tanong ni Tristan.

"May babaeng nagpakita kay Marj, ayon sa kanya, babaeng nakaitim daw.. Walang mata, ito rin yung nakita kong katabi nya nung pauwi na kami."pahayag ni Ysa.

Bigla namang lapit sa kanya si Tristan sa narinig. "Babaeng nakaitim? Na walang mata? Nagpakita ba kamo to sa kaibigan mo?"pagkukumpirma ni Tristan.

"Oo.."matipid na sagot ni Ysa.

"Nasa panganib ang kaibigan mo Ysa.."kinakabahang sabi ni Tristan at saka nito hinila ang dalaga.

"Anong sinasabi mo?"taranta ni Ysa na sumusunod lang kay Tristan.

"Lahat ng naposses at namatay dahil dito, puro yung babaeng nakaitim na yun ang nakikita, yun din ang nakita ko non bago mamatay si Papa at siguradong ito rin ang nakita ni Aileen kaya nagkaganon sya!"Sabi ni Tristan habang naglalakad.

Si Ysa naman ay kinabahan din kaya nang makakita ng Taxi ay agad nyang pinara ito at saka nagpahatid kila Marj.

Sa taxi ay walang tigil ang kabog ng dibdib nya, napansin naman yun ni Tristan kaya hinawakan nito ang kamay ni Ysa. "Wag ka na masyado magalala."sabi ng binata.

Pamaya maya ay isang malamig na hangin ang dumaan sa tenga ni Ysa.

"Bilisan mo Ysa.. Bilisan mo.." sabi ng tinig at ng mapatingin sya sa may bintana ay nakita nya ang kaibigang si Aileen.

"Manong!! Pakibilisan naman po, please.."pakiusap ng dalaga sa driver.

+

Palinga linga si Lexin sa paligid, sa likod nya ay may isang boquet of White roses na ibibigay sana nya kay Ysa. Napansin naman ito ni Bea kaya lumapit sya sa binata.

"Sinong hinahanap mo? Yung aswang..?"malanding tanong ni Bea.

Tumingin lang si Lexin kay Bea at saka ito inirapan.

"bakit ba nagpapakagago ka sa aswang na yon eh ang landi landi naman non!"inis na sabi ni Bea.

Nagpanting naman ang tenga ni Lexin kaya hinarap nito si Bea at saka piniga ang pisngi nito.

"Pwede ba, kung wala kang sasabihing matino, tumahimik ka na lang at baka samain ka sa akin lumipad ka sa bintana."gigil na sabi ni Lexin at saka ito patulak na binitawan at tinalikuran.

"Akala mo ba matino yang Ysa na yan, eh kanina lang nakita kong may kasamang lalaki!"sigaw ni Bea na nakahawak pa rin sa pisngi na piniga ni Lexin.

Nilingon ito ni Lexin at saka tinitigan sya ng masama, si Bea naman ay kumubli sa likod ni Mildred.

"Ano ka ba naman Lexin, wala ka na ba talagang respeto sa mga babae!"kinakabahang sabi ni Mildred.

Nangisi si Lexin at saka nagsalita"Bakit.. Babae ba yan?!"sabi nito at saka umalis.

Bungisngisan naman ang mga kaklase nito.

"Anong tinatawa tawa nyo diyan!"galit na sita ni Bea.

"Sis, totoo bang nakita mo si Ysa na may kasamang ibang lalaki?"usisa ni Mildred.

"Ano ka ba! Syempre gawa gawa ko lang yon!"mataray na sabi ni Bea at saka tinanaw ang malayo nang si Lexin.

+

"Marj! Marj.. Nandiyan ka ba?!"tawag ni Ysa sa bahay nila Marj pero kusa na tong bumukas. Pumasok sila at nakita nya kaagad ang Computer nila na bukas.

"Marj.. Marj.."tawag nya.

"Ysa ikaw ba yan.."narinig nyang tanong ni Marj.

Hinanap naman ni Ysa si Marj at nakita nya to sa ilalim ng sofa na nakasiksik.

"Marj! Anong ginagawa mo dyan?"tanong ni Ysa at saka nilapitan ang kaibigan.

"Y-Yung.. Y-Yung p-papel s-sa I-ibabaw ng C-computer, k-kunin mo, Y-Yung k-killer, m-meron sya N-noon."nagkakandautal sa takot na sabi ni Marj at saka lalong sumiksik sa ilalim ng sofa.

"Anong Papel? Anong killer?"takang tanong ni Ysa.

"Ysa.."tawag ni Tristan na nasa harapan ng computer. "Eto siguro yung sinasabi nya"sabi ni Tristan na hawak hawak ang papel na dinrawingan ni Marj.

Lumapit si Ysa kay Tristan para tingnan ang papel, nang makita ito ay nakita nya ang drawing nang isang paru paro. Takang taka sya sa hawak na papel. Lumapit ito ulit sa kaibigan pero wala na sa ilalim si Marj.

"Marj? Nasaan na yon.."taka nya.

"Ysa, tingnan mo to.."sabi ni Tristan na nakatitig sa Monitor ng computer, balik tingin naman si Ysa, at doon nakita nya si Marj, wala ng buhay, dilat na dilat ang mata at nakalawit ang dila, napahawak si Ysa sa bibig at naiiling, sa backrgound nito ay ang kusina,kaya lakas loob na tinungo ni Ysa ang kusina, pagbukas na pagbukas nya ng pinto ay bumulaga ang nakabitin na bangkay ni Marj na parehong pareho ng nasa Monitor ng computer at itsura nito.

" MARJ!!!!"


* * * * *

Next : Chapter 25

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now