Chapter 34

6.1K 189 14
                                    

Chapter 34

***

"Ate.. Ate.. "Tawag ni Lewis kay Ysa.

Napamulat naman ang dalaga at nakitang nandoon ang Papa nya, Mama nya, Ate nya at si Lewis na alalang alala ang itsura.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw sa banyo kanina?"Tanong ng ina na tila putlang putla sa pag-aalala.

Hindi malaman ni Ysa kung paano ang sasabihin nya sa mga mahal nya sa buhay, ayaw na ayaw pa naman niya itong bigyan ng sama ng loob kaya naman nagsinungling ang dalaga.

"W-Wala po, may nakita kasi akong malaking daga"Mapait na sagot ni Ysa.

"Ano ka ba naman Lina, dibat sinabi ko na sayo na tumawag ka na ng pest controller para sa mga daga na yan, ano hihintayin mo pang mabagok na naman yung anak mo??"Sita ni Javier sa asawa at saka tumalikod at pumunta ng kwarto.

Parang nasiyahan naman si Ysa sa reaksyon ng ama dahil tilaba nagaalala ito. Napansin naman ito ni Lina.

"Oh wag kang ngumiti diyan, natural lang na magalala sayo ang ama mo, hindi naman komo may nagawa kang mali ay titigil na kami sa pagmamahal sayo, o sya, gumayak ka na at kumaen, may pasok ka pa!"Utos ni Lina sa anak at saka dire diretso itong pumunta sa kusina.

Si Ysa naman ay papunta na sa kanyang kwarto para magbihis ng marinig ang balita sa telebisyon.

"Anim na kalalakihan ang natagpuang walang buhay sa science laboratory ng kilalang school na Lozada-Aruelo College, kinikilala ang mga biktima na sina Juanito De Guzman, aidredo Guanzon, Arcado Dixon, Mamer Lisank, florante Pacho at si Mario Guinto. Sinasabing wakwak ang dibdib ng mga biktima at wala ng puso, sa tabi kung saan sila nakaratay ay may isang garapon na may lamang puso na kapareho ang bilang sa mga namatay. At sa blackboard ay may nakalagay na "WALANG PUSO, WAG TULARAN, ayon pa sa imbestigasyon, hinulog muna sa Mataas na lugar ang mga kaawa awang biktima at saka hinila sa science laboratory at doon walang awang winakwak ang dibdib, Leigh Chavez nagbabalita sa GSMPMD NEWS"

Napanganga si Ysa sa narinig at agad agad itong tumakbo sa kwarto at nagbihis, maya maya pa ay lumabas na to at dire diretso sa pinto.

"Ysa? Papasok ka?"tanong ni Flor sa kapatid pero dire diretso lang ito sa labas.

"YSA! YSA! YSA!"Tawag ni Flor.

"Ano yon Flor? Bakit ba ang ingay ingay mo at tawag ka ng tawag sa kapatid mo?"Tanong ng ina nila ng marinig ang tawag ni Flor.

"MA.." Nanlaki ang matang umpisa ni Flor.

"Yung mga kasama ni Ysa sa video, natagpuang patay sa school, wakwak ang dibdib."Sabi ni Flor.

Napahawak sa bibig si Lina at saka napaupo

"Diyos ko! Anong nangyari? Teka, bakit nagmamadali si Ysa? Bakit dimo pigilan ang kapatid mo?"Nag aalalang wika ni Lina.

"Pinipigilan ko nga po kaso dirediretso sya .."Sagot ni Flor.
"Diyos ko.. Wag naman po sana.. Wag naman po sanang tama ang iniisip ko.."Nasambit na lang ni Lina.

+

Sa eskwelahan ay nagkakagulo ang mga teachers, estudyante at iba pang nakikiisyoso lang sa nangyari.

"Sa tingin nyo aswang ang may gawa?"tanong ng isang estudyante.

"Hindi ko alam pero sobrang karumal dumal naman ng ginawa sa kanila, parang ang laki ng galit."Sabi naman ng isa pang estudyante.

Sakto namang napadaan non si Bea kaya agad agad itong tumakbo sa room at doon nakita nyang nagiiyakan ang iba pang mga kaklase, sa isang sulok naman ay nakita nyang tulala si Corine habang katabi ang umiiyak na si Mildred.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now