Chapter 36

5.6K 162 6
                                    

Chapter 36

***


"Okay class, Next week we will be having our foundation week,  At gusto ko ngayon pa lang maghanda na kayo kung anong magagandang booth for this event."Wika ni Mrs.Del Mundo.

"Ma'am, why don't we have a mini concert? tutal madami naman tayong mga talented singers, dancers and musicians sa College natin."Suhestyon ng isa sa mga estudyante.

"That's a pretty good idea, pero what will be the contribution of those who cannot sing? dance and play the instruments?"Tanong ni Mrs. Del Mundo.

"Sila po yung bahala sa production, costume, stage, at pati na rin sa ibang gagamitin, ako po I'll volunteer for that part kasi wala naman akong talent."Sagot ng estudyante.

"And to make it more exciting Ma'am, sa may soccer field natin ganapin, para madami makapanood, at para mas interesting si Ysa po ang gawin nating host tutal sya naman po ang ating Campus Queen."Dagdag pa ng isa pang estudyante.

"Well, magandang ideya yan, okay lang ba sayo yun Miss Fajardo?"Baling ng guro kay Ysa.

Si Ysa naman ay walang kamalay malay na sya na pala ang kinakausap ng guro dahil tulala pa rin ito at nag-iisip ng malalim.

"Miss Fajardo? Miss Fajardo are you still with us?"Tawag pansin ng guro.

Para namang nagising si Ysa sa tawag ng guro.

"Ma'am?" Sagot nya.

"It seems like you are not listening to what we are discussing Miss Fajardo.."Sita sa kanya ng guro.

"I'm sorry Mrs. Del Mundo, Masama lang po ang pakiramdam ko."Sagot ni Ysa, bago pa man makasagot ang guro ay dumating ang dalawang pulis at nakiexcuse sa guro.

"Yes?"Tanong ng guro at lumapit dito, sandali lang ay may pinag-usapan ito at maya maya ay ...-

"Miss Fajardo, gusto ka makausap ng mga pulis."Sabi nito kay Ysa.

"Po?"Maang na tanong ni Ysa pero tumayo din ito, sa pinto sa likod sya dumaan at doon nakita nya ang nakangising si Bea.

"Lagot ka ngayong aswang ka! Pinatay mo sila Yuan!!"Inis na asar pa ni Bea.

"Miss Fajardo, ako si Inspector Carlo Sta. Ana at eto naman si Inspector Bonker Moral, narito kami para tanungin ka ng iilang katanungan, pwede ka bang maimbitahan sa presinto?"Magaling na wika ni Carlo pagkalapit na pagkalapit dito.

Para namang kinabahan si Ysa at hindi malaman ang gagawin.

"Bakit po? Ano po bang problema? Tungkol po ba saan to?"Sunod sunod na tanong ni Ysa.

Saktong kararating lang noon ni Lexin at nakita nyang kausap ni Ysa ang dalawang pulis, at naroon din si Bea na tuwang tuwa sa mga nangyayari.

"Boss, ano po bang problema dito?"Tanong ni Lexin at saka inakbayan ang kinakabahang si Ysa.

"Gusto lang namin makausap itong si Ms. Fajardo dahil may nakapagsabi sa amin na sya daw ang may ari ng kwintas na nakita namin sa Crime scene kung saan namatay sila Juanito De Guzman at ang mga kaibigan nito."paliwanag ni Bonker.

"Alin po bang kwintas yon?"Kinakabahang tanong ni Ysa.

Dali dali namang kinuha ni Bonker ang kwintas sa bulsa, nakaplastic ito pero nakilala agad ni Ysa at maging si Lexin.

"Yan yung bigay kong kwintas sayo diba?"tanong ni Lexin kay Ysa.

"Saan nyo po nakita yan?"Baling na tanong naman nya sa mga pulis.

"Sa rooftop ng school.."Sagot ni Carlo.

Napatingin si Lexin kay Ysa, Ramdam na ramdam niya ang kaba sa puso ni Ysa ng mga oras na yon.

"Ysa, paano napunta to sa rooftop??"Tanong ni Lexin.

Napatingin si Ysa kay Lexin at saka huminga ng malalim.

"Sa totoo lang po, hindi ko din po alam kung saan ko nahulog yan, kung mapapansin nyo po, kabang kaba po ako kasi hindi ko man lang napansin na wala na pala sa akin yung kwintas kung hindi nyo pa po pinakita."sagot ni Ysa at saka lumapit sa dalawang pulis.

"Halika na po.."Aya nya sa mga ito.

"Sandali lang--"Pigil ni Lexin at saka bumaling sa dalawang pulis.

"Sasama ako.."Sabi nya, Napatingin dito si Ysa.

"Pwede ba Lexin, hindi mo na kailangan sumama, hindi ako ang pumatay sa kaibigan mo kung yun ang gusto mong kumpirmahin."Aeryosong sabi ni Ysa.

"Ysa naman, sasama ako dahil gusto kitang suportahan.."Wika ni Lexin.

"Hindi kita kailangan!"Hindi tumitinging sabi ni Ysa at saka humarap sa dalawang pulis.

"Sir .. ayoko po syang kasama, wag nyo po syang pasamahin .. hindi ko po sya kilala."pagsisinungaling ni Ysa.

"Hay nako, pwede ba kayong dalawa, kung may LQ kayo, wag sa harap namin, mahiya naman kayo ng konti."singit ni Bonker.

"Mabuti pa, wag ka na lang sumama hijo.."Utos ni Carlo kay Lexin.

"Hindi!! Sasama ako sa ayaw nyo at sa gusto!"Diin na sabi ni Lexin.

"Abat sino ka ba sa tingin mo para kausapin kami ng ganyan!?"Asar na sabi ni Carlo.

"LEXIN APOSTOL! KAISA ISANG ANAK NI GOVERNOR ALBERTO APOSTOL AT APO NI FORMER MAYOR MARIETTA APOSTOL!!"Mayabang na sabi ni Lexin.

Para namang napahiya ang dalawang pulis sa tinuran ni Lexin, hindi na sila kumibo, kilala nila ang pamilya nito, masyadong makapangyarihan, hindi na sila kumibo at hinayaan na lang na sumunod ang binata, inis na inis namang inirapan ito ni Ysa.


+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now