Chapter 49

5K 142 11
                                    

Chapter 49
~

"WHAT!!? ANONG IBIG NYONG SABIHIN NA MAHINA ANG EBIDENSYA?"Nanlalaki ang matang sabi ni Inspector Bonker, kausap nya ang abogado ni Corine na si Atty. Editha Aurea.

"You heard it right? hindi nyo man lang siniguro na valid ang mga ebbidensya nyo at agad agad nyo ng kinulong ang kliyente ko, pwede namin kayong idemanda!!" Sopistikadong pahayag ng isa sa magagaling na lawyer.

"Pero..—"

"Hindi nyo gugustuhin na maiskandalo itong prisinto nyo dahil dyan Inspector, imagine, kinulong nyo si Corine for one week dahil lang sa isang tape recorder na maari namang hindi talaga sya, and for some reason, ginawa nyo pang non-available ang kaso nya."Mayabang pang wika ng attorney.

Napadiin naman nang labi si Bonker sa mga sandaling iyon at saka napahinga ng malalim, kapagdakay tinawag ang isang pulis at sinabing pakawalan si Corine.

Ilang saglit pa ay kasama na nito si Corine.

"YOU STUPID PIG!"Nanlilisik ang matang sabi ni Corine.

"Sisiguraduhin ko na magbabayad kayo sa ginawa nyo sa akin!!"

"Attorney Aurea, pagsabihan nyo yang kliyente nyo.."Banta ni Bonker habang masamang nakatingin sa dalaga.

"Corine, halika na, umuwi na tayo,"Awat ni Editha sa dalaga.

"No Attorney!! May sasabihin pa ako.."Ani Corine.

"Alam nyo!? napakatatanga nyong mga pulis kayo dahil nagpauto kayo kay Ysa at Lexin, bakit hindi nyo imbestigahan yang si Ysa, alam nyo bang dalawang kaibigan na nya ang magkasunod na namatay..!!"Sigaw ni Corine pero inawat na ito ni Editha at saka hinila palabas ng prisinto.

Naiwan namang napapaisip si Bonker sa mga binitawang salita ni Corine.

+

"Hindi ako makapaniwala na nakakausap mo pala ang pamangkin ko noon pa.."Putol ni Carlo sa mahabang katahimikang kanina pa nila pinagsasaluhan.

"At hindi rin ako makapaniwalang nakakausap ko sya.."Sagot naman ni Ysa na tumigil na sa kakaiyak.

"Nandito ba sya..??"Tanong ni Carlo.

Umiling si Ysa at tumingin kay Carlo. "Bakit?"

"Madami kasi akong gustong itanong, gustong sabihin.. At gustong liwanagin.."Malungkot na sabi ni Carlo.

"Kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay nya? Wala ba syang kaibigan man lang noong nabubuhay sya na pwede mo pagtanungan?"Tanong nang dalaga.

"Meron pero hindi ko kilala, nagtanong tanong ako nung nagiimbestiga kami pero wala na daw sa school na yun, ewan ko pero lahat sila tikom ang bibig."

Biglang naalala ni Ysa ang kwento ng kaibigan niyang si Aileen, na hindi daw inilabas ng school ang mga pangyayari dahil sa takot na walang magenrol doon.

"May isang lalaki lang kaming nahuli noon na umamin na sya daw ang pumapatay pero duda kami, at ang mas nakaduda pa ay nahatulan kaagad ang lalaking yon.."Kwento ni Carlo.

"Sinong lalaki?"Tanong ni Ysa.

"Si Alfonso Bautista, sya ang tatay nung isang estudyanteng napabalitang namatay dahil sa pagkaposses.."Sagot ni Carlo.

"Si Aileen? Tatay ni Aileen ang nanagot sa nangyari noon??"Gulat na sabi ni Ysa.

"Oo..bigla bigla syang umamin, sa totoo lang ay mahina ang ebidensya pero masyadong agresibo ang mga magulang ng mga namatay noon kaya nakulong pa din sya.." Malungkot na wika nito.

Napaisip ng mamalim si Ysa, sa totoo lang ay madami pa pala siyang hindi alam sa kaibigang pumanaw, at saka sya may naalala bigla..

+

"O ano? Iiyak ka na.. Kawawa ka naman.. Ano gagawin mo ngayon? Magsusumbong ka sa tatay mong kriminal? Whoa.. Papapatay mo kami ha Aileen!!" nang-aasar pang sabi ni Bea.

+

Agad napadiin nang labi ang dalaga nang maalala ang sinabi noon nang pumanaw narin na si Bea.

"Ysa?" Tawag pansin ni Carlo.

"Carlo.. Kailangan tulungan mo ako! Kailangan masagot natin lahat lahat ng mga katanungan natin, madami ng namatay at hindi na ako papayag na may sumunod pa! At lalong lalo na kung importanteng tao na naman sa buhay ko!" Matapang na pahayag ni Ysa.

Sa sinabing iyon nang dalaga ay agad na tinignan ito ni Carlo nang seryoso..

+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt