Chapter 51

5K 143 7
                                    

Chapter 51
"Aileen"
~

"Ysa?"Gulat na sabi ni Rebecca, ang ina ni Aileen.

"Tita Rebecca, kamusta na po?" Bati nang dalaga.

"Mabuti naman, halika tuloy ka.."Aya ni Rebecca sa kaibigan ng anak na pumanaw.

Pagkatapos ng klase ni Ysa ay dumiretso na sila ni Carlo sa bahay nila Aileen, nagpaiwan na lang si Carlo sa kotse nya at baka masamain ng ina ni Aileen pag nakita pa sya nito.

Napansin ni Ysa na hindi tulad ng huli nyang punta, medyo madalang na lang ang gamit ngayon sa bahay nila Aileen, karamihan ay nakakahon na.

"Pasensya ka na magulo Ysa, nag aayos na kasi ako ng gamit at balak na naming lumipat ng bahay, tutal kaming dalawa na lang ng bunso ko. " Nakangiti ngunit malungkot na wika nito.

Tango na lang ang sinagot ni Ysa at saka ginala nya ang mata, at doon nakita nya ang picture ni Aileen, ngiting ngiti ang kaibigan doon at buhay na buhay pa, napalapit si Ysa dito at hinawakan ang picture ng kaibigan.

"Namimiss mo na din ba si Aileen Ysa?"Narinig na lang nyang tanong ni Rebecca na kanina pa pala nasa tabi nya.

"Opo..miss na miss ko na sya, sila lang po kasi ni Marj ang kaibigan ko dito tapos pareho pa silang.."

"Shh, tama na, panahon na para magmove on Ysa, walang mangyayari kung magpapaapekto pa rin tayo sa nakaraan.."Nakangiting sambit ni Rebecca saka inakbayan si Ysa ay iginiya sa sofa para maupo.

"Pero paano naman po? kung yung nakaraan mismo ang humihila sayo pabalik sa kanya."Nasabi na lang ni Ysa pagkaupo.

"Anong ibig mong sabihin?"Usisa nang ginang.

"Tita, hindi nyo po ba nababalitaan ang nangyaring patayan sa LAC?"Ganting usisa ni Ysa.

"Patayan? Na naman? Paanong.. Wala akong nababalitaan dahil madalang na lang akong manood ng Tv.. "Nabiglang sabi ni Rebecca.

"Sunod sunod na naman pong brutal na patayan ang nangyari.."kwento ni Ysa.

Napatayo si Rebecca at napatingin sa picture ng anak. "Sino naman kaya ngayon ang pipilitin nilang umamin sa patayan na yan?"Parang may hinanakit sa tonong wika ng ina ni Aileen.

"Tita? Bakit nyo po nasabing pipilitin?"Tanong ni Ysa na tila nagkakaidea na tungkol sa sinasabi ni Rebecca.

"Alam ko hindi ko dapat ikwento sayo to Ysa dahil wala ka namang kinalaman, pero tutal kaibigan ka naman ni Aileen hindi nya siguro mamasamain kung ikwento ko man.."Umpisa ni Rebecca. "Ysa, hindi ka ba nagtataka o nagusisa man lang kay Aileen noon ng tungkol sa ama nya?"

"Hindi naman po.."

"3 taon ng makalipas nang magkasakit ang isa pa naming anak na wala na din ngayon, si Anthony, nagkaroon sya ng leukemia, masyadong madugo ang pagpapagamot namin sa kanya kaya napilitan kaming mangutang, at ang nautangan namin noon ay ang si Congressman Mariano na boss ni Alfonso, umabot sa isang milyon ang pagkakautang namin, akala ko noon kusang loob niyang ginagawa yon, walang wala sa loob na kasalukuyan na palang may patayang nangyayari sa LAC, pero siguro kalooban na rin ng diyos, namatay din si Anthony, at kasabay ng pagkamatay nya ay biglang paniningil ni Congressman, humingi ng palugit si Alfonso pero hindi sya pumayag, kung gusto daw nya, ako na lang ang ibayad o kaya si Aileen. Galit na galit noon ang asawa ko pero wala syang magawa sa kademonyohan ni Mariano, hanggang sa makilala nya si Mr. Rivera na isa sa board member ng LAC, nagalok sya ng tulong kay Alfonso, pagbabayad sa utang nya kapalit ng pagamin sa kasalanang hindi naman nya ginawa, noong una ayaw pumayag ni Alfonso pero nung sinabi nitong buwan buwan kaming magkakaroon ng sustento at libre ang pagaaral ni Aileen ay pumayag din sya. Kung alam mo lang ang sakit sa loob namin ng umamin sya sa krimen sa patayan ng LAC dahil sa pagmamahal nya sa amin.."Naiiyak na kwento ni Rebecca.

Tumayo si Ysa at niyakap si Rebecca, ayaw na nyang magtanong pa at malinaw na sa kanya ang lahat.

"Gusto ko sya makalaya.. Wala ng saysay ang pagsasakripisyo nya dahil patay na ang anak nya at hindi ako papayag na doon din magaral ang natitira kong anak!"Pahayag pa ni Rebecca.

"Hayaan nyo tita, tutulungan ko kayo.. para kay Aileen, tutulungan ko kayo.."Paniniguro ni Ysa, at matapos ang kanilang paguusap ay may binigay si Rebecca sa dalaga

"Ysa.. May sulat akong nakita sa desk ni Aileen nung nagliligpit ako, para ata sa inyo ni Marj.." Ani Rebecca at saka inabot ang isang puting sobre.

Hindi na muna binasa ni Ysa ang sulat at nagpaalam na kay Rebecca, pagkalabas at pagkalulan sa kotse ay binuksan nya ang sobre at nakita nya kaagad ang sulat at binasa.

Dear Ysa and Marj,

Ang daming kakaibang nangyayari sa akin mula ng mangyari yung sa CR, madalas kong nakikita ang babaeng nakaitim, nakakatakot sya pero tinatapangan ko na lang, katulad ngayon habang sinusulat ko to ay papatay patay ang ilaw at gumagalaw ang bintana na parang may nagpipilit pumasok.

Pakiramdam ko hinding hindi na tayo magkikita kaya gusto ko magpasalamat sa inyong dalawa sa pagiging totoong kaibigan. Kasama ng sulat na ito ay ang picture nating tatlo. Ingatan nyo ah.

Nagmamahal,

Aileen..

Agad ba tumulo ang luha nang dalaga at niyakap ang sulat nang kaibigan.

" A-Aileen .." Tangis nito.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now