Chapter 28

6.3K 159 14
                                    

Chapter 28


* * *

Dumating ang araw ng Awarding Ceremony para sa next Campus Queen. Magandang maganda si Ysa ng gabing iyon, nandoon lahat ng mahal nya sa buhay, ni wala sa hinagap nya na ang gabing iyon ay ang magbabago sa buhay nya sa school na yon.

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko, I'm sure.. Ikaw na ang mananalo!"Papuri ni Lina sa anak habang inaayusan ito ng baklang inupahan ni Corine.

"Syempre naman tita Lina, si Ysa ata ang pinakamagandang babae sa lahat."Dagdag ni Lexin.

"Asus, nagbolahan pa tong future magbiyenan!"Singit naman ni Flor na nandoon din sa dressing room.

"Okay, okay lahat ng di kailangan dito pwede ng lumabas!"sigaw ng baklang organizer ng pageant.

"O paano Mine, wag ka kakabahan ah? sigurado naman ako na ikaw ang magpapanalo eh."wika ni Lexin bago umalis pero pinigilan ito ni Ysa at niyakap.

"Thank you Lexin, thank you sa lahat sana wag kang magbabago."sabi ni Ysa habang nakayakap sa nobyo, napatingin sya sa salamin at nakita nya na may isang babaeng nakatayo doon at nakamasid sa kanila, nakasuot ito ng gown pero ang pinagkaiba nga lang ay sobrang putla nito at parang wala ng buhay.

Nilingon ito ni Ysa pero wala namang nakatayo doon.

"Bakit?"tanong ni Lexin.

"wala, wala.. Kinakabahan lang ako, pagsisinungaling ni Ysa at saka pasimpleng humarap muli sa salamin pero wala na ito.

Hinawakan ni Lexin ang magkabilang pisngi nang dalaga at saka ito hinalikan sa noo at saka nagwika. 

"Wag kang kakabahan, nandito lang ako lagi, kahit anong mangyari.." Ngumiti si Ysa at niyakap ang nobyo.

"Salamat Mine" At sa di kalayuan ay nakatanaw lang si Corine.

"Sige Ysa, lubus lubusin mo na yang moments mo with Lexin.. Dahil maya maya,ni hindi ka ni pagtingin sayo ay di nya masikmura."nakangising sabi ni Corine at saka tumalikod, pagtalikod na pagtalikod nya ay nandoon ang babaeng nakaitim at nakangisi din dito.

"Ladies and Gentlemen, Let me present to you the Candidates for Campus Queen 2012, Let's give them a round of applause!"bungad ng emcee.

At isang masiglang tugtog ang nakasalang habang rumarampa ang mga contestant, una ay casual wear, tapos ay sports wear at ang pinakahuli ay evening wear.

Sa tuwing lalabas si Ysa ay malakas na sigawan ang naririnig nya mula sa kapamilya at sa nobyo na panay ang kuha ng picture sa kanya.

Napatingin si Ysa sa gawi nila Lexin at doon ay nakita na naman nya ang babaeng nakita kanina sa salamin, malungkot itong nakatingin sa kanya.

Hindi sya nagpahalata sa pagkatakot, dire diretso pa rin sya sa pagrampa.

Natapos ang lahat ng bahagi ng contest at oras na para sa pagaaward, ang campus queen ay popularity contest, pinakamaraming nabentang ticket ang mananalo.

"Our 2nd runner up with 17, 825 worth of ticket that been sold, ladies and gentlemen MICHELLE DUZON.."Announce ng emcee, palakpakan naman ang mga tigasuporta nang natawag, lumapit ang natawag at sinuotan ng sash at maliit na korona at saka boquet of flowers,

"Our first runner up, with 20, 160 worth of ticket that been sold, ladies and gentlemen, LESLEY FLORES.."tawag muli ng emcee at katulad din ng naunang natawag, sigawan din ang mga supporters nito. Lumakad din ito sa harapan at inawardan.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon