Chapter 60

4.9K 135 1
                                    

Chapter 60.

+

"DEMONYO KA TALAGA ALBERTO APOSTOL!! WALA KANG GINAWA KUNDI SIRAIN ANG BUHAY KO!!"

Iyon ang mga katagang paulit ulit na sinisigaw ni Lexin habang nagwawala sa loob ng kwarto nya. Halos magpanic ang mga katulong sa mansyon ng mga Apostol sa pagwawala ni Lexin.

At sya namang dating ni Maita na kanina pa hinanahanap ang anak at nagulat pa ng malamang nasa bahay na ito at nagwawala.

"Anong nangyari? Bakit hindi nyo man lang sinabing nandito na pala si Lexin?" Sita ni Maita sa mga katulong.

"Eh Mam, kararating rating lang po nya, pinagbubugbog yung hardinero at driver tas nagbasag na ng kung ano ano, tas nagkulong sa kwarto at nagwawala po."kwento ng kasambahay.

Agad agad namang sumugod sa taas si Maita at saka kinatok ang nagwawalang anak.

"LEX..! ANAK! OPEN THE DOOR, SIGE NA,.."

"LUMAYO KAYO! LUMAYO KAYO! IWANAN NYO AKO MAGISA! UMALISS KAYO!!"Sigaw ni Lexin at saka isang malakas na kalabog ang narinig sa loob, maya maya pa ay dumating na rin si Marietta at si Albert, narinig nila ang pagwawala ni Lexin.

"Oh ano na naman ang drama ng anak mo Maita?? Hayaan mo syang mamatay dyan sa loob.."nakangising sabi ni Albert, isang malakas na sampal ang binigay ni Maita dito.

"Anak ka ng.."Nasabi na lang ni Albert ng sampalin ni Maita, agad nitong sinunggaban ang buhok ni Maita.

"Sumosobra ka na talaga!!"

"Bitiwan mo ang Mama ko!"napatingin lahat sila kay Lexin na nasa may pinto na ng kwarto nya at matalim na matalim ang mata.

"Oh, tingnan mo nga naman, ang magaling kong anak." Ngisi na sabi ni Albert pagkakita kay Lexin at saka sinenyasan ang dalawang body guard. Tumalima naman ang dalawang tauhan at pumunta Kay Lexin saka ito hinawakan sa magkabilang kamay.

"Anong gagawin mo sa anak ko!?"Galit na sita ni Maita na akmang aawat pero tinulak naman ito ni Albert.

Hinarap nito si Lexin na matalim pa din ang titig sa ama na parang hindi man lang natatakot sa kung ano mang kahihinatnan nya. Hinawakan ni Albert sa baba si Lexin at hinarap sa kanya.

"Ngayon ka magmagaling ha Lexin! Ano? Anong magagawa mo? Lalaban ka pa?"Sabi ni Albert saka sinampal si Lexin at sinundan ng pagsisikmura dito.

Hindi kumikibong nakatitig lang ng masama si Lexin kay Albert, nilapit ni Albert ang mukha dito at sya namang dura ni Lexin sa mukha nito.

"Putang.."nasabi ni Albert at saka binira sa mukha si Lexin.

Napayuko si Lexin at ng magbalik tingin dito ay isang tingin mula kay Lexin ang talagang nagpataas ng balahibo ni Albert na dahilan para mapaatras ito. Galit na galit ang tingin nito na parang wala na ito sa sarili.

Saglit na napatulala si Albert sa anak at ng makabawi ay sinenyasan na naman ang dalawang tauhan na may hawak kay Lexin na tila senyas na silang dalawa na bahala dito.

Pagtalikod ni Albert ay narining nitong nagsalita si Lexin.

"Sirang sira na ang buhay ko dahil sayo!"Malalim ang tinig na sabi ni Lexin, napalingon dito si Albert at kitang kita nyang nagbago ang ekpresyon ng mata ni Lexin, kung kanina ay madilim at galit na galit na parang may pagbabanta, ngayon ay parang isang bata na tila nagtatampo, sa puntong iyon ay may kung anong awa syang naramdaman para kay Lexin.

Pinagsusuntok si Lexin ng mga tauhan at nakatitig lang si Albert, kitang kita nya na walang emosyon ang mukha ni Lexin pero ang mga mata nito ay parang punong puno na hinanakit.

Si Maita naman non ay tila natauhan na sa pagkakatulak ni Albert at nakita nyang binubugbog ang anak ng mga tauhan ni Albert.

"Napakawalanghiya mo talaga Albert!"sugod ni Maita sa asawa pero si Albert ay napako ang paningin sa pambubugbog kay Lexin at di ininda ang ginawa ni Maita.

Iyon ang eksenang naabutan ni Marietta, binubugbog ng tauhan ng anak ang pinakamamahal na apo.

"ANONG GINAGAWA NYO SA APO KO??!"galit na galit na sita nito at saka napahawak sa dibdib. "Mga Hayop ka..."di na naituloy ni Marietta ang sasabihin dahil biglang tumirik ang mata nito at napahawak ng mahigpit sa dibdib at biglang natumba.

"MAMA!"Gimbal na sabi ni Albert na nagising mula sa pagkatulala ng makita ang ina na inatake. "ANO PANG GINAGAWA NYO DIYAN"sita ni Albert sa dalawang tauhan na bumubugbog kay Lexin.

"Kumilos kayo dyan mga GAG*!" dali dali namang binitawan ng dalawang body guard si Lexin at binuhat agad agad si Marietta, si Maita naman ay sumaklolo agad sa anak na hinang hina ng bitiwan.

"Anak ko.."yakap ni Maita kay Lexin samantalang si Lexin ay wala pa ring emosyon, nakatanaw lang ito sa Lola nyang buhat buhat ng tauhan ni Albert, tumulo na lang ang mga luha sa mata ni Lexin kasabay non ang mga katagang...

"Mamita..."

+ S

"Mam, gabi na po, baka po makagalitan ako ni sir Carlo pag nalamang pinalabas ko kayo."pigil ni Ana sa among si Trini.

"Ano ka ba nurse, hindi yun, kasama ko naman ang anak kong si Tristan kaya di magaalala si Carlo."mahinahong sabi ni Trini at saka ito tumingin sa kung saan at ngumiti na parang may tao don.

Kinilabutan naman ang nurse na si Ana sa inakto ng pasyente nya.

"Mam naman eh, tinatakot na naman ako, saan po ba tayo pupunta?"natanong na lang nya sa alaga.

"Diyan sa simbahan, diyan kami kinasal ni Crisanto, diyan din bininyagan si Tristan, tapos diyan din sya nagkumpil at.."napatigil na lang si Trini ng maalala kung ano pa ang ginanap sa simbahan na tinuturo.

"At ano po?"napansin ni Ana na napatigil si Trini pero hindi na sumagot ang kanyang pasyente at nagpatuloy nalang papuntang simbahan.

"Alam mo ba nurse, madalas kami magina dito, paano gumagaan ang loob namin pag nandito kami, madalas magvolunteer si Tristan ng pagpipiano dito para sa misa.."Iba ni Trini sa kwento at saka ito humarap sa kawalan na naman "diba Tristan?" wariy kausap nito sa kung saan.

Hindi na kumibo si Ana, sanay na sya sa alaga, mula ng mamasukan sya as private nurse ni Trini ay madalas nitong kausapin ang hangin at sinasabing anak daw nya iyon. Nung una ay binabalewala nya dahil alam nyang may problema ito sa pagiisip pero di makalaunan ay parang naniniwala na syang nasa paligid lang ang yumaong anak ng pasyente.

Naalala nya nung minsang nagwawala ito at ayaw uminom ng gamot, wala si Carlo noon pero biglang umihip ang malakas na hangin at maya maya ay huminahon na ang alaga nya na para bang may nakitang kanais nais. Pagkapainom dito ng gamot ay lumabas ang nurse para may kunin sa baba at pagbalik nya ay may narinig sya mula sa labas ng kwarto ni Trini na parang naghuhum, boses ito ng lalaki, akala nya ay si Carlo iyon pero ng pasukin nya ay walang ibang nandon kung hindi ang himbing na himbing na si Trini.

Pagpasok nila ng simbahan ay natanaw kaagad nila ang pari na syang dinadalaw ni Trini, doon ay maging ang pari ay dumadalaw din minsan dito, araw araw silang nagpupunta sa simbahang iyon pero non lang sila nagpunta ng gabi, naalala nya tuloy kanina ang eksena bago sya yayain ng alaga doon.

~~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now