Chapter 37

5.5K 160 17
                                    

Chapter 37

**

~

"What? Really? You did that???"Natatawang sabi ni Corine at saka tumawa ng tumawa, nasa cafeteria sila ng mga oras na yon.

"Oo, Saktong sakto naman kasi narinig ko usapan ng mga pulis at ni Dean Aruelo, kaya yon, super singit ako!"Mayabang naman na  sabi ni Bea, kakakwento lang kasi nya ang nangyari kay Ysa.

"Sira ka talaga! Mabuti nga sa aswang na yon!!"Nakangiting sabi ni Corine.

"Corine, Sa tingin mo ba, si Ysa talaga ang pumatay kila Yuan?"Seryoso namang tanong ni Mildred.

"Hindi ko alam, siguro!? I don't care kung sya nga o hindi, basta ang mahalaga sa akin eh magdusa sya!"Wika ni Corine sabay inom ng iced tea.

"Baka naman ikaw talaga ang pumatay sa dalawa Corine..?"Biglang nasabi ni Bea, nagulat naman si Mildred at Corine sa sinabi nito. Nakayuko lang ito ng mga oras na yon.

"Shut your mouth bitch! Ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan ako ng ganyan!"Asar na sabi ni Corine.

"Bakit Corine? Napahiya ba kita? Totoo naman diba? Pwedeng ikaw ang pumatay kila Yuan dahil mas madami kang motibo..."Tuloy tuloy na sabi ni Bea habang nakayuko.

"Bea!! Shut it, You're pissing her off.."Bulong na saway ni Mildred.

Bigla namang tumawa ng malakas si Bea dahilan para makatawag pansin ang mga nasa cafeteria.

"Hindi Mildred! SASABIHIN KO LAHAT NG GUSTO KONG SABIHIN!!!"Malakas na sabi ni Bea, kitang kita ang inis sa mukha ni Corine, tinakpan nya ang bibig nito pero hinawi lang ito ni Bea.

"SASABIHIN KO NA ANG TOTOONG NASA SEX SCANDAL NI YSA NA YON AY HINDI SI YSA KUNG HINDI IKAW AT DAHIL DOON PINATAY MO SI YUAN AT ANG MGA KABARKADA NYA!!"Sigaw ni Bea kaya rinig na rinig ng mga estudyante sa canteen, kanya kanya namang bulungan ang mga ito.

Isang malakas na sampal ang binigay ni Corine kay Bea at bigla namang parang natauhan si Bea.

"Ouch? Bakit mo ako sinampal?"Wala sa loob na tanong ni Bea.

"Bitch!! You'll pay for this!"Pagkasabi non ay umalis na galit na galit si Corine.

Takang taka naman ang istura ni Bea na bumaling kay Mildred.

"Anong nangyari??"Natanong na lang nya.

Naiiling na tumayo si Mildred.

"You're Dead!"Sabi nito at saka umalis.

Naiwang tulala si Bea at saka tumayo, pagtayong pagtayo nya ay nakaupo naman sa mismong kinauupuan nya ang babaeng nakaitim na nakangisi na para bang may kinalaman sa inasal ni Bea.

"So Miss Fajardo, maari mo bang sabihin sa amin kung papaano napunta ang kwintas na to sa rooftop kung saan hinihinalang tumalon o pinatalon ang mga biktima?"tanong ni Bonker.

"Sa totoo lang po wala talaga akong idea, siguro po nung tumambay ako doon nung araw na yon, masamang masama po kasi ang loob ko noon, nagpunta po ako sa rooftop para magpalipas ng sama ng loob, tutal doon naman po ako laging pumupunta."kwento ni Ysa.

"May makakapagpatunay ba ng statement mo Hija?"Usisa naman ni Carlo.

"Opo.. yung kaibigan ko pong si Tristan.."Matapat na sagot ni Ysa.

"Tristan!!?"Takang sabi ni Lexin na nandoon din ng oras na yon, hindi ito pinansin ni Ysa.

"Tristan? Sinong Tristan?"Tanong naman ni Carlo.

"Opo.. Kaibigan ko po sya, engineering student, hindi ko po alam ang apelido nya eh."sagot ni Ysa.

Magtatanong pa sana si Carlo ng mag ring ang cellphone nito, kinausap nya ito saglit at maya maya ay bumaling ito sa kaparner na si Bonker.

"Sir, kakatanggap ko lang ng tawag mula sa isang estudyante sa LAC, sa tingin daw nila kilala na nila ang isa sa maaring pumatay sa mga biktima."Sabi ni Carlo kay Bonker.

"Sino daw? May sinabi ba silang pangalan? Paano nila iyon nalaman?"Tanong naman ni Bonker.

"Narinig kasi sa buong Cafeteria na may nag aaway na magkakaibigan, Corine Rivera and Beatrice Joson, ito daw Beatrice ay sinisigaw na si Corine ang pumatay, nakunan daw nila ito ng video."kwento ni Carlo.

Nagkatinginan naman si Lexin at Ysa sa narinig, napansin naman ito ni Bonker.

"Kilala nyo sila?"usisa nya.

"Classmate po namin sila sir, si Beatrice po yung kasama nyong babae kanina at nagturo sa akin..."Paliwanag ni Ysa, napapatango naman si Bonker at para bang napagpatong patong ang mga pangyayari.

"Magkakasundo ba kayo?"Ulirat pa ni Bonker pero bago pa man sumagot si Ysa ay sumabat na si Lexin.

"Actually sir, I think I can help you with that matter."Sabi ni Lexin at saka kinwento ang lahat lahat, mula sa scandal na fake na pinalabas ay si Ysa hanggang sa nalaman ni Lexin ang totoo, pinakita pa nito ang mga pictures ng totoong video at pinarinig ang Audio ng usapan ni Corine at Yuan.

"Well, mukhang may lead na ang kasong ito.."Sabi ni Bonker matapos marinig ang kwento ni Lexin.

"Mukha nga sir, marahil sila rin ang may pakana ng paglalagay ng kwintas sa mas kitang lugar, at marahil ay nanggaling siya doon kung ganoon."conclusion ni Carlo.

"Well, mukhang kailangan nating imbestigahan si Corine Rivera pati ang mga kaibigan nya."sabi ni Bonker at saka bumaling kay Ysa At Lexin.

"Mabuti pa umuwi na kayong dalawa, papatawag ko na lang kayo kung kinakailangan."wika nito.

"Sir mabuti pa ihatid ko na sila.."Ani ni Carlo.

"No, Ako na lang po, may dala naman akong sasakyan eh."Matalim na sabi ni Lexin.

+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now