Chapter 42

6.1K 156 7
                                    

Chapter 42


***

Kung saan saan na dinala si Ysa ng mga paa niya ay masamang masama parin ang loob nya sa pangyayari, sa isip isip nya ay tama si Axle, sya dapat ang sisihin.

Sa paglakad lakad ni Ysa ay nakarating sya sa park kung saan inamin ni Tristan noon tungkol sa kakayahan nya.

Hindi nya alam kung bakit pero parang may nagudyok sa kanyang sumakay sa duyan, pagkaupo ay nagpaduyan siya ng nagpaduyan ng biglang may pumigil nito, paglingon nya ay nagulat pa sya ng makita ang kanina lang ay iniisip nya ay kaharap na nya ngayon.

"Tristan?"

"O bakit? May iba ka bang hinihintay?"Ngiting ngiting tanong ni Tristan.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Ysa.

"Teka teka, wag mong sabihing ikaw na ang may-ari ng playground na ito?"Tawa na tanong ni Tristan.

Hindi alam ni Ysa pero kahit lungkot na lungkot sya ay nagawa pa rin nyang ngumiti sa tinuran ng binata.

"Yan.. Ganyan Ysa, mas bagay sayo ang may ganyan.."Salita ni Tristan at saka hinila sa kamay si Ysa.

"Oh teka, saan mo ako dadalin?"Tanong ni Ysa.

"Do you trust me?.."Tanong ni Tristan.

Tinitigan naman ito ni Ysa bago magsalita at marahang tumango, maya maya pa ay narating na nila ang pupuntahan.

"S-Simbahan?"Tanong ni Ysa ng huminto sila sa harap nito.

"Bakit Ysa? Sa sobrang dami ng pinagdadaanan mo ngayon nakalimutan mo na sya?"Wika ni Tristan na hindi ata nangangawit kakangiti.

Para namang nag-guilty ang dalaga sa sinabing yun ni Tristan, hinila ulit sya ng binata at pumasok sa simbahan, pero imbes na sa may altar ay hinila sya ni Tristan sa may kampanaryo, takang taka namang sumunod si Ysa na sumunod na lang dito, ng makarating sila sa pinakataas ay binitiwan sya ni Tristan at sumilip sa may labas.

"Anong ginagawa natin dito?"Tanong ni Ysa.

"Dito.. sisigawan natin si Bro para tiyak rinig ka.."Sagot ni Tristan.

"Ha?"

"Ganto oh, "sabi ni Tristan at saka pumorma na sisigaw. "BRO! NADIDINIG MO BA AKO!!?"Sigaw ni Tristan.

Natawa naman si Ysa sa ginawa ng binata at nailing.

"Sige na gawin mo na.. go, para diretso langit dasal mo..hahaha"Pilit ni Tristan.

Pumunta si Ysa sa may bintana at saka huminga ng malalim at sumigaw.

"BAKIT PO BA NANGYAYARI SA AKIN TO! GULONG GULO NA PO AKO! TULUNGAN NYO PO AKO BROOOO!"

"Ysa.. "Sabi ni Tristan ng mapaupo ito at umiyak, imbes na lumapit dito ay pumwesto ito sa may bintana.

"BRO! WALA NAMANG GANYANAN! AKO NA LANG, AKO NA LANG ANG BIGYAN NYO NG PAGSUBOK, NASASAKTAN NA PO SI YSA!"Hiyaw ni Tristan "At nasasaktan ako pag nasasaktan sya."Mahinang sabi ni Tristan sa huling salita nya.

Napatingin dito si Ysa at ganon din naman si Tristan kay Ysa.

"Kung pwede ko lang isalin sa akin lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko.. Mas gugustuhin ko pa ang ganon kaysa naman nakikita kitang ganyan,"Seryosong sabi ni Tristan habang titig na titig sa dalaga

"Tristan.."Sambit ni Ysa.

"Ysa, wala akong Chopper para maimpress ka, hindi maganda ang boses ko para haranahin ka, at hindi ako mayaman para ibigay ang lahat ng gusto mo, pero Ysa..isa lang ang kaya kong ipangako sayo.. walang araw, o oras o minuto sa buhay mo na hindi kita pasasayahin.."Pahayag ni Tristan.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now