Chapter 13

7.6K 227 11
                                    

Chapter 13

* * *

~

"ANO BA LEXIN! NASASAKTAN AKO! BITIWAN MO KO!!"Sigaw ni Ysa ng magkandatapilok tapilok na ito dahil sa paghila sa kanya ni Lexin. Pero parang walang naririnig ang binata at tuloy tuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa dalaga.

Nainis naman si Ysa nang hindi siya pansinin nito,

"Sinabi ng bitawan mo ako eh!!"Galit na sabi ni Ysa kay Lexin at saka hinila ang kamay nito.

 "Ano bang nangyayari sayo!?" Sigaw nito sa binata.

"Ganyan ka na ba kadesperada magpapansin para ibandera mo yang katawan mo sa lahat ng lalaki dito!!!?" Galit na sigaw nang hinihingal na si Lexin.

"Anong--" Halos manlaki naman ang mata ni Ysa sa gulat dahil sa inakto nito.

"Yan ba ang gusto mo? Ang pagpantasyahan ka? Yung pagparausan ka? Ganyan ka ba kalandi?!" Masakit na wika nito dahilan para tumulo ang luha nang dalaga, Isang malakas na sampal mula kay Ysa ang dumapo kay Lexin.

Agad namang pinunasan ni Ysa ang luha at umiling ,

"A-Ang kapal ng mukha mo Lexin ... Bakit ? Kilala mo na ba ako? Alam mo ba ang pagkatao ko? Alam mo ba kung ano ang iniisip ko para pagsalitaan mo ako ng g-ganyan?" Nagsimula muling tumulo ang luha ni Ysa.

 "Wala kang alam tungkol sakin kaya wala kang ni katiting na karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan. Kung sa tingin mo kalandian na ang magsuot ng ganito, pwes! Problema na yun ng makitid mong utak!!" Nasasaktan na wika nito sa binata , Hindi naman nakakibo si Lexin at tinignan lang ang dalaga na pinunasan muli ang luha niya at saka naglakad palayo rito.

"S-Sandali --"Natauhang tawag ni Lexin, huminto naman si Ysa ngunit hindi ito lumingon.

"Kung ginagawa mo yan para mapansin, hindi mo na kailangan gawin yan, dahil kahit gaano kasimple o kapangit ang suot mo, mapapansin at mapapansin ... pa rin kita Ysa ... " Wika ni Lexin at saka ito umalis at iniwang tulala ang dalaga.

+

"Ayan na naman ang tatlong epal!"Dinig na dinig na sabi ni Corine sa isang estudyante, kararating lang nila noon sa cafeteria. Hinatak nya sa damit ang estudyante. "What did you just said? Epal? The 3 of us?" nakakatakot na sabi ni Corine.

"H-Hindi kayo Corine.. Hindi kayo ang sinasabi ko." takot na takot na sabi ng estudyante. "Yung tatlo na yon .." Sabay turo sa dalawang babae at isang lalaking parating.

"Sino? Yang tatlo na yan? At bakit nagkalat ang Undin dito.." Parang nandidiring sabi ni Bea.

"Yang tatlo na yan ang mga nagrereyna reynahan dito, mga kakalipat lang galing sa Jun Dungo Academy." kwento pa ng estudyante.

"Eiw!!! from that school ? As in !!"Maarteng sabi ni Mildred.

"Nagrereyna reynahan sila??" nakangising sabi ni Corine, "Anong pangalan nang mga yan ?"tanong pa nito.

"Si Ericka, yung kamukha ni Shrek, si Rommel Torralba, yung baklang kasama nila at si Janet yung mukhang pakawala .. " pakilala ng estudyante ,

"So .. mga filinggera pala ah, girls.." nakasmile na sabi ni Corine. "Alam nyo na ang ginagawa sa mga ganyan"

" Omg! Namiss ko to!!" excited na sabi ni Bea.

"Ang pangit talaga sa school na to, ang papangit ng mga estudyante." bungad ni Janet pagkapasok ng Cafeteria.

"Ay nako, sinabi mo pa Janet, ayoko dito, baka madaming mangrape sa akin dito, ang ganda ganda at ang sexy ko pa naman!"malanding sabi ni Ericka.

"Tama, wala man lang kasusyal susyal, pati ang pagkain, ang cheap! Dun na nga lang tayo sa labas magsnack, siguradong may kwekwek doon."reklamo ni Janet.

"Hay naku, mga malandi kayo, magnakaw na lang tayo ng pagkain dito, tutal naman gawain natin yon!" bulong ni Rommel.

"Well, well, well. Look who's here, a bunch of garbage in the cafeteria!"malakas na sabi ni Corine.

Napatingin naman ang tatlo dito at saka tumayo si Janet.

"Hoy! Sino ka namang bastos na bunganga na akala mo kung sino magsalita!?" sabi nito kay Corine.

"Oh my god Corine.. Those garbage are talking.."kunwaring gulat na sabi ni Mildred. Malakas na tawanan naman ang narinig mula sa mga estudyanteng nandoon.

"Ang kakapal ng mukha nyo, akala nyo kung sino kayong magsalita, bakit diyos ba kayo dito?"sabat pa ni Janet.

"Yes ... We are dear .. " Malambing na sabi ni Corine at saka lumapit sa tatlo. "Oh my, what is that smell?Oh god .. Are you eating shit?" Sabi ni Corine at saka kinuha ang pabango sa bag at inisprayan ang tatlo at saka inamoy ulit. " Aww .. There's no effect.."

"Corine.. Sila mismo yung dumi kaya hindi na sila babango." natatawang sabi ni Bea.

"Ganon ba? malay mo naman makuha sa paligo.."nakatawang sabi din ni Mildred.

"Naku! tumigil kayong tatlo at ang papangit nyo."sabi naman ni Ericka.

"Hm?  kausap mo ba yung sarili mo Dear?" malambing pero nakakaasar na sabi ni Mildred.

"LADIES AND GENTLEMEN.. SA LAHAT NG ESTUDYANTE NA NASA CAFETERIA NA TO, KUNIN NYO LAHAT NG GUSTO NYONG PAGKAIN AT INUMIN! DATING GAWI.. MY TREAT!!!" Malakas na sigaw ni Corine.

Sigawan naman ang mga estudyante na alam na ang ibig iparating ni Corine.

"Kami pwede kumuha?"singit naman ng timawang si Rommel, Pero hindi ito pinansin ni Corine

"IT'S PART TIME!!" sigaw nito.

Isa isang naglapitan ang mga estudyante sa tatlong baguhan at hinagisan sila ng pagkain, ang iba naman ay tinapunan sila ng sofdrinks. Hiyawan ang mga estudyante maging ang mga tauhan sa canteen ay sayang saya, nagmukha ng basura ang tatlo, si Rommel naman ay kinakain pa ang nasa mukha nya.

Walang nagawa ang tatlo, dahil sunod sunod na bato ang ginawa sa kanila. Pakiramdam nila ay pinagkaisahan sila.

"Okay guys! Kung sino man sa inyo ang makakapagtapon sa mga basurang ito sa tamang tapunan, invited sa paparty ko next week sa rooftop!"sigaw ni Corine at parang mga batang dinumog ng mga estudyante ang tatlong filinggera sa school, sigawan ang tatlo ng pinagtulungan silang buhatin ng mga tao sa cafeteria.

Nakangiti naman si Corine at saka umalis sa Cafeteria ,

" That's how you treat trash .. "

* * * * *

Next : Chapter 14

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin