Chapter 55

4.6K 123 6
                                    

Chapter 55
+

Napagitla si Ysa ng marinig nyang nagring ang cellphone, nakatulog pala sya ng hindi nya namamalayan, sumilip sya sa bintana at nakitang malakas ang ulan. Narinig muli nya ang cellphone na nagriring kaya agad nyang sinagot ito.

"Ysa.." Malambing na wika nang nasa kabilang linya.

"Lexin?"

"Nandito ako sa labas ng bahay nyo."sabi nito.

Agad sumilip si Ysa sa bintana at doon lang nya napansin ang basang basang si Lexin.

"Bakit nagpapaulan ka?"Ani Ysa.

"Kahit bagyuhin pa ako, hindi ako mapipigilan nito para puntahan ka.."Sabi ni Lexin sa phone.

"S-Sira ka talaga.. Eh kung masira ang phone mo!"Iba ni Ysa sa usapan at hinawakan ang kanyang bibig sa nagpipigil na iyak.

"Kita mo to, basang basa na nga ako cellphone pa ang inalala mo."Nadinig ni Ysa'ng natatawang sabi ni Lexin.

Sinilip muli ni Ysa sa bintana ang nobyo at saka sinenyasan na sandali lang.

Nagmamadaling bumaba si Ysa at lumabas ng bahay upang humanap ng payong at pagkatapos ay saka lumabas, dun nya nakitang nakaupo si Lexin sa may gate.

Pinuntahan nya ito at saka agad na niyakap.

" Ysa!" Gulat na wika ni Lexin.

" Teka basang basa ak—."

"Hoy Mister Apostol, napakayabang mo talaga! Kagagaling mo lang sa hospital at nagpaulan ka na! saka mahiya ka naman sa suot mo napakanipis! Kita ko na lahat lahat sayo.."sabi ni Ysa na natatawa. Napangiti nalang si Lexin rito.

"Asus, kunwari ka pa, eh alam ko namang gustong gusto mo yung nakikita mo.."biro ni Lexin saka tumayo at hinubad ang tshirt na basa.

Napanganga si Ysa ng makita ang katawan ni Lexin.

" Sarap mo namang makatitig." Kagat labing wika ni Lexin, na ikinapula ni Ysa.

"Sira! Bakit ba nandito ka! Imbes na mamahinga ka eh dito ka pa nanggugulo at nagpapaulan, naku! Wanted ka na kay Mama at.."hindi na natuloy ni Ysa ang sasabihin dahil niyakap sya bigla ni Lexin.

"Walang makakapagpahiwalay sa atin Ysa.. Hindi man umayon sa atin ang buong mundo.. Isigaw man nila ang sampung libong dahilan kung bakit hindi tayo pwede.. Wala akong pakialam.. Dahil sa ngayon.. Isa lang ang pinaniniwalaan ko.. Ikaw at ako ay para sa isat isa.. At lalabanan natin ang buong mundo ng magkasama.."pahayag ni Lexin.

Kusang napayakap si Ysa kay Lexin at kapagdakay umiiyak na sinabi.

"hindi mapapantayan ng isang libong dahilan na yan ang nagiisang rason ko para lumaban.. At ikaw yun Lexin.. Ikaw!"sabi ni Ysa.

Nakangiting bumitiw si Lexin kay Ysa at saka sumigaw sa ulan.

"YSABELLA FAJARDO! MAHAL NA MAHAL KITAAAA! WALANG MAKAKAPAGPAHIWALAY SATIN!!" Sigaw ni Lexin.

"Ano ka ba! nakakahiya!"sita ni Ysa pero parang walang naririnig si Lexin, hinila pa ito ni Lexin at saka inalis ang payong ni Ysa at saka sila parang batang naglaro sa ulan at nagyakap, maya maya pa ay huminto si Lexin at isang matamis na halik ang pinagsaluhan nila sa ilalim ng ulan. 

" Kahit kamatayan .. walang makapaghihiwalay saatin.."
+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now