Chapter 27

7.6K 193 9
                                    

Chapter 27

* * *


"Hi Corine! Halika, sabay na tayo maglunch, sabay ka sa amin ni Lexin."Nakangiting aya ni Ysa kay Corine.

"Kayo na lang busog ako.."Matipid na sagot ni Corine na timping timpi.

"Sure ka? Sige na.. Halika na, mas masaya kung kasama ka.."Pilit ni Ysa.

"SINABI NG BUSOG AKO EH!"Sigaw ni Corine sabay tayo at hampas sa desk, hindi na mapigil ni Corine ang galit.

Hindi naman nakakibo si Ysa sa gulat at saka tumango. "Okay.." tugon nito at saka tumalikod.

Para namang natauhan si Corine sa inasal. "Ah Ysa.."tawag nito sa Dalaga.

"Hm?"tanong ni Ysa.

"Pasensya na.. Hindi lang talaga maganda mood ko, ibili mo na lang ako ng kahit anong pwede ko kainin sa Canteen."pagdadrama ni Corine.

"Sige.."maikling sagot ni Ysa at saka nagtuloy na sa Canteen.

"So.. Hindi mo na ba mapigilan ang pagpapanggap Corine?"Biglang salita ni Mildred na nakikinig pala.

"What do you mean??"taka kunwaring sabi ni Corine.

"Will you stop that nonsense Corine? I can't believe you're doing this to me! Kung si Bea mauuto mo ako hindi! I'm your bestfriend.. Pre-school pa lang tayo magkaibigan na tayo!! that's why I know you're just scheming!"inis na sabi ni Mildred.

"Nasaan si Bea?"biglang seryosong tanong ni Corine.

"Nasa Cafeteria, bumalik lang ako kasi naalala kita."sagot ni Mildred.

Nang marinig ni Corine iyon ay parang bumigay sya sa pagiging matatag. Lumapit naman dito ang kaibigan.

"A-All my life wala akong ibang ginawa kung hindi mahalin sya, and now there's this girl na kakarating lang sa buhay nya tapos mahal na nya!? That is so unfair Mildred! That is so unfair! I was with him all the time.. Kung meron man syang dapat mahalin ako yon! Hindi ang Ysa'ng yon!"daing ni Corine.

Awang awa naman si Mildred sa kaibigan, alam na alam nya ang mga pinagdaanan nito kaya ramdam na ramdam nya ang pighati ng kaibigan.

+

"YSA.. YSA.."tawag kay Ysa ng isang tinig. "YSA.. MAG-IINGAT KA.. MAG-IINGAT KA YSA.. MAG-IINGAT KA..!" paulit ulit na sabi ng tinig.

Nagising bigla si Ysa, at saka naiiling, ilang gabi na nya napapanaginipan iyon, siguro mula ng namatay si Marj. Nakaramdam tuloy sya ng pagkauhaw, kaya bumaba sya sa kusina.

Kumuha sya ng baso at nilagyan ng tubig na malamig, maya maya ay may napansin sya sa ibabaw ng Ref, isang papel, nilapag nya ang inumin sa lamesa at tiningnan nya ang papel, ito pala ang papel na tinuro ni Marj bago ito mamatay.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Marj dito? May ganto daw ang killer,sino kaya ang killer?

Kinuha nito muli ang basong iinumin, tutunggain na sana nya ito ng makita nyang iba na ang kulay nito, kulay dugo at amoy dugo, nabitiwan tuloy nang dalaga ang baso at nabasag ito, pero ang mas nakakapangilabot pa ay ng kumalat ang dugo, maya maya pa ay para itong baha na tumataas, nagpanic na ito ng mapansin na hanggang sa tuhod na ang tinataas nito.

"Ma! Pa! Ate Flor!"tawag nya sa kasama sa bahay pero walang sumagot, tumaas ng tumaas ang dugo hanggang sa umabot ito hanggang sa dibdib nya, halos lumubog na ang mga gamit nila at narinig na lang nya na may pumapalo sa malabahang dugo. Tiningnan nya ito at sindak na sindak sya ng makitang ang babaeng nakaitim ito, palapit ng palapit sa kanya.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें