Chapter 38

6.3K 169 2
                                    

Chapter 38

***

"Ysa.."Tawag ni Lexin kay Ysa habang nasa sasakyan sila, nakumbinsi kasi nya si Ysa na ihatid ito sa dorm nya, buong byaheng walang kibo ang dalaga.

Hindi kumibo si Ysa at nagpanggap na natutulog. Tinapik ito ni Lexin sa balikat pero hindi man lang ito gumalaw, nagpatuloy na lang sa pagdadrive si Lexin at nagsalita.

"Alam ko, masama ang loob mo sa akin, pati sa mga magulang mo, naiintindihan kita, alam kong nasaktan ka namin ng sobra sobra, pero Ysa, sana maintindihan mo din kung gaano kasakit sa akin nung inakala kong ikaw yon, galit na galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko kasalan ko kung bakit nasa ganong sitwasyon ka."Madamdaming pahayag ni Lexin, dinig na dinig ni Ysa lahat yon pero hindi man lang sya kumilos.

"Kung alam mo lang kung gaanong nadudurog ang puso ko sa pag-iwas sayo, na makita kang nasa ganong estado.."Dagdag pa ni Lexin.

Sa puntong iyon ay dumilat si Ysa at nagsalita,

"Noong una, sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako napunta sa ganong sitwasyon, galit na galit ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko kayo.."Naiiyak na sabi ni Ysa dahilan para mapahinto si Lexin sa pagmamaneho.

"Ysa..."Tanging nasambit ni Lexin.

"Pero ako ba talaga ang dapat sisihin? usigin at husgahan ng mga panahon na yon.. Hindi.. Hindi ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako yon.. Kung may dapat mang nagdurusa, kayo yon, kayo yon Lexin, iniwan nyo ako sa ere sa pagkakataong kailangang kailangan ko ng makakapitan.."Naluluhang pahayag ni Ysa at saka umayos sa pagkakaupo at akmang lalabas na sa kotse pero pinigilan ito ni Lexin.

"Sige.. Kamuhian mo ako, magalit ka sa akin, kasuklaman mo ako at hindi ako magrereklamo, I deserve it .. pero p-please Ysa.. Hayaan mo akong alagaan ka.. Hayaan mo akong ipagtanggol ka.. Hayaan mo akong patuloy na mahalin ka.."Umiiyak na sabi ni Lexin at napatingin dito si Ysa, pakiramdam niya ay madudurog ang puso nya ng makita ang mga luha sa mga mata ni Lexin, gustong gusto nya itong yakapin at sabihing okay lang, pero pinigil nya ang sarili, dali dali syang bumaba ng kotse at nagpasalamat kay Lexin at saka dire diretsong naglakad at pumara ng taxi at doon sa loob ng taxi itinuloy nya ang pagtangis.

+

Isang sapak ang sumalubong kay Lexin pagpasok na pagpasok nya sa bahay nila.

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG MONG TARA*TAD* KA!"Galit na galit na bungad sa kanya ng amang si Albert.

"BAKIT NA NAMAN?!!"Galit na tanong ni Lexin habang hawak ang pisngi.

"NAGTATANONG KA PA! ANO TONG NABABALITAAN KO NA IPINANGANGALANDAKAN MO ANG PANGALAN KO AT PANGALAN NG LOLA MO PARA LANG PAGTAKPAN ANG ISANG KRIMINAL!!??"Sagot na sigaw ni Albert.

Napatingin dito si Lexin ng matalim, tumayo ito at hindi pinansin ang ama, lalakad na sana ito papanik ng hagdan pero hinila ito sa likod ni Albert.

"Wag na wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita hayop ka!!"Gigil na sabi ni Albert.

"Ikaw pinagbibigyan na lang kita dahil sa nakikiusap ang lola mo pero sumusobra ka na! Bakit ginagamit mo ang pangalan namin ni Mama para lang paburan ka ng mga pulis! Sino ba yang Ysabella Fajardo na yan at pati pangalan ng pamilya natin kinakaladkad mo!!?"Mataas ang boses pa ring wika ni Albert sa anak.

"Walang kinalaman si Ysa dito kaya pwede ba, wag na wag mo syang idadamay sa usapang ito, hindi ko kinaladkad ang pangalan mo sa kahihiyan, nagpakilala lang ako at sinabi kung kanino akong anak at apo pero alam mo sising sisi nga ako sa sinabi ko eh, dapat sinabi ko na lang na apo ako ng Ex Mayor Marietta Apostol, dahil kung ako tatanungin mo, hindi ko dapat ipagmalaki na anak mo ako dahil nakakasukang maging anak mo!!"Salita pa ni Lexin.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora