Chapter 53

5K 133 5
                                    

Chapter 53

~

"Bakit hindi mo itanong sa walang hiya mong ama!"pagkawika non ay walang pakundangan itong umalis.

Naiwang tulala si Albert, lalong lalo na si Lexin na gulong gulo, galit na galit itong binalingan ang ama.

"O masaya ka na? Nasaktan mo na naman ako, pero this time hindi physical, dito mo ako sinaktan!!!"ani Lexin sabay turo sa dibdib nito.

"Pwede ba Lexin! Tigilan mo ako sa pagdadrama mo!"nakabawing sabi ni Albert.

"Umalis ka na!"mahina pero may diing sabi ni Lexin.

"Umalis ka na bago ko pa makalimutang ama kita."

"Bastos ka talagang bata ka!"Mabagsik na sabi ni Albert.

"UMALIS KA NA! AYAW NA KITANG MAKITA! UMALIS KA NA! UMALIS KA NA!"pagwawala ni Lexin at saka pinagkakabig lahat ng makita sa paligid.

Sakto namang naabutan ni Maita kasama si Marieta ang nangyayari sa loob.

"Anong nangyayari dito?"Tanong ni Maita saka pinuntahan ang anak na nagwawala.

"Ano na naman ang ginawa mo sa anak ko Albert! At talagang hindi mo hinintay na makauwi sa bahay at makapagpahinga si Lexin bago mo gawan ng kawalang hiyaan!"sita ni Maita sa asawa.

"Hoy Maita! Wag ako ang sisihin mo sa kawirduhan ng anak mo! Ayusin mo yan.. Wag kayong magkalat dito magina na parehong sira ulo!"galaiting sagot ni Albert.

"ALBERT!"Sigaw ni Marrieta, pero bago pa man makahuma si Albert ay isang suntok ang tumama sa mukha nito galing kay Lexin na mabilis na nakapunta sa harap nya.

"Punyeta kang.."magsasalita pa sana ulit si Albert pero isa na namang suntok ang sa kanya'y tumama dahilan para matumba ito, dali dali itong pinaibabawan ni Lexin at saka pinitsarahan.

"TARANTAD* KANG BATA KA! NAPAKAWALANG KWENTA MO TALAGA!!"galit na sabi ni Albert pero si Lexin ay parang wala sa sariling pinagsususuntok ito.

"Lexin tama na!"awat ni Maita pero ayaw tumigil ni Lexin, sunod sunod na suntok na ang pinakawalan ni Lexin, nilapitan na ito ni Maita at umiiyak na inawat ang anak kapagdakay niyakap ito.

"Anak.. Listen to Mama.. Tama na.. Tama na.. Sshhh.. "sabi ni Maita sa nagwawala pa ring si Lexin, hinawakan pa nya ito sa mukha at saka niyakap.

Tulala pa din si Lexin at hinihingal na nakatitig sa ama, maya maya ay tumayo ito at mabilis na tumakbo palabas ng pinto.

"Lexin!"Sigaw ni Maita.

+

Buong byahe ay walang kibo si Lina kaya hindi ito magawang tanungin ng gulong gulong si Ysa, sa isip isip nya, bakit sa tuwing abot abot na nya ang kasiyahan ay panibagong problema na naman ang dumarating.

Nang makarating ng bahay ay dali daling pumunta si Lina sa kawarto at maya maya ay lumabas ito na may dalang maleta.

"Bilisan nyo! Aalis na tayo.. Magimpake na kayo! Flor, tulungan mo mag-ayos ng gamit si Lewis.. Ikaw Ysa, mag-ayos ayos ka na rin.."tarantang sabi nito.

"Ma.. Bakit po ba? Ano po bang problema?"nagtataka na ring tanong ni Flor.

"Basta! Hindi na tayo pwede magtagal dito! Dalian mo.."wika nito habang kinukuha ang mga gamit sa aparador.

"Ma ano ba talaga ang koneksyon mo sa papa ni Lexin?? Bakit nagkakaganyan ka!"hindi na nakatiis na tanong ni Ysa.

"Basta ayoko na makikipagkita ka pa sa lalaki na yon! Ayokong magkaroon ka ng kaugnayan sa lalaki na yon maliwanag ba! Kaya kumilos ka na diyan..!"utos ni Lina.

"A-Ayoko!!"matigas na sabi ni Ysa.

"ANONG AYAW MO! PAG SINABING AALIS TAYO! AALIS TAYO..!"nanagagalaiting sabi ni Lina.

"Ma ano bang nangyayari sayo?!"takang tanong ni Flor at pinigil sa pag-iimpake ang ina.

Pero naghysterical si Lina at inagaw kay Flor ang gamit ngunit malakas na di hamak si Flor kaya nagawa nitong bawiin sa ina ang mga damit. Walang nagawa si Lina kung hindi ang maupo sa sahig at magiiyak.

"Hindi nyo ako naiintindihan, hindi nyo kilala si Albert, hindi nyo siya kilala!"tangis ni Lina.

"Ma ano bang kinalaman nyo sa Papa ni Lexin..??"tanong muli ni Ysa.

Napatingin lang si Lina kay Ysa at saka umiyak.

"Ma, ano ba? Anak mo kami, sabihin mo sa amin ang problema?!"kumbinsi ni Flor sa ina pero hindi pa rin ito kumibo.

"Ma, hindi tayo basta basta pwede umalis, wala na tayong babalikan sa Siquijor.. Isa pa, paano si Ysa, may kasunduan sa LAC na hindi nya basta basta pwede balewalain, at yung trabaho ko ma, nandito.. Nandito ang kabuhayan natin, ang business mo, ang pagaaral ni Lewis.."paliwanag ni Flor.

Maya maya ay nahimasmasan na si Lina at saka nakapagisip isip. Bumaling agad to kay Ysa.

"Ysa, wag na wag ka na magpapakita kay Lexin, naiintindihan mo.."wika nito.

"Pero Ma! Bakit kailangang madamay pa kami ni Lexin diyan! Alam naman natin na hindi talaga magkasundo si Lexin at ang papa nya.."

"KAHIT NA! WAG KA NA MAGPAPAKITA SA KANYA! AYOKONG MAGKAKAROON KA PA NG KAHIT ANONG KONEKSYON SA ALBERTO APOSTOL NA YAN!"sigaw ni Lina.

Sa puntong iyon ay parang nagpanting na rin ang tenga ni Ysa.

"Ma! Hindi pwede.. Mahal ko si Lexin.. Alam nyo yun.. At para sabihin ko sa inyo.. Inaya na nya akong magpakasal..."pagtatapat ni Ysa. "At pumayag na ako.."

"Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag!"nagwawalang wika ni Lina at saka biglang sinugod si Ysa at pinagsasampal, mabilis namang umawat si Flor.

"MA ANO BA?! BAKIT NAGKAKAGANYAN KA!!"naguguluhan na ring wika ni Flor habang akap akap ang ina.

Kumawala si Lina at saka nagtatakabo sa kwarto.

Nagkatinginan sila Ysa at Flor sa inakto nang Ina at agad namang Inalalayan ni Flor si Ysa na hawak hawak ang kanyang pisngi.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon