Chapter 12

8.1K 231 1
                                    

Chapter 12

* * *

~

Si Aileen naman ay iyak ng iyak habang tumatakbo. Pakiramdam nya ay aping api sya. Wala syang ibang mapuntahan at dahil sa bugso ng damdamin ay sa Haunted restroom sya biglang pumasok.

Tinungo nya ang pinakadulong cubicle at doon sya ay nagkulong. Maya maya pa ay napansin nya na hindi lang sya ang umiiyak, isang iyak din ng babae ang kanyang narinig. At doon tila natauhan na ang emosyonal na si Aileen, saka nya naalala kung saang restroom sya naroon. Dinig na dinig nya ang iyak na palakas ng palakas at palapit ng palapit sa kung nasaan sya. Bigla bigla ay narinig nyang bumubukas ang cubicle isa isa. Dali daling tumayo si Aileen at saka binuksan ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan nya pero hindi nya iyon mabuksan.

Nanlaki ang mata nang dalaga at agad na ginapangan nang kaba at takot.

"Tulong! Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako! Marj! Ysa! Tulungan nyo ako!!" Sigaw ni Aileen habang pilit binubuksan ang pintuan. 

Sa sobrang desperado nya ay tumuntong sya sa toilet at balak nya ay akyatan ang pintuan, ngunit hindi pa man din nya nagagawa ang plano ay bumukas na ang pintuan ng cubicle at isang malakas na hangin ang biglang umihip. Sa tapat ng cubicle na iyon ay kita nya ang sarili sa salamin pero laking pagkagimbal nang dalaga ng makita na sa likod nya ay may isang babae na mahaba ang buhok, duguan at sira sira ang damit. Nakatingin din ito sa salamin tulad nya. 

Nilingon nya ito dahan dahan at....

+

"Sigurado ka ba Ysa na dito tumakbo si Aileen??" Nag aalalang tanong ni Marj.

"Oo, sigurado ako, dito!" Pilit ni Ysa, naroon sila sa tapat ng Haunted restroom.

"Pero imposibleng pumunta si Aileen diyan, iniiwasan nya yang lugar na yan." Sabi naman ni Marj ng isang malakas na sigaw ang narinig nila.

"AHHHH!!!!!!" Nagkatinginan naman sila Ysa at Marj.

"Si Aileen!!" Sabay na sabi nang dalawa.

Dali dali nilang binuksan ang pintuan pero hindi nila iyon mabuksan.

"Marj, tumawag ka ng pwedeng tumulong sa atin!" Utos ni Ysa dito.

Tarantang tumakbo naman si Marj, pinilit naman buksan ni Ysa ang pintuan at hindi sya nabigo dahil kusa naman itong bumukas, dahan dahan pumasok si Ysa at sa bungad pa lang ay naririnig nya ang boses ni Aileen na umiiyak at nagsasalita.

"Ayoko na .. Wag mo gawin sa akin to.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal kita." Naririnig nyang sabi ni Aileen kasabay ng iyak nito.

"Aileen.." Tawag nya dito. Binuksan nya isa isa ang cubicle, at ng makarating sa dulo ay nakita nyang nakalabas ang paa ni Aileen sa cubicle, tinungo nya kaagad ito, nakita nya ito na nakadukdok sa may toilet at kinakawkaw ang tubig dito.

"Aileen.. Aileen.. " Tawag nya dito pero parang wala ito naririnig.

"Ysa.. Ysa.." Narinig nyang sigaw nang parating na si Marj kaya naman bumalik ito sa may pinto, sakto naman na nakapasok na sila Marj at isang teacher.

"Marj, si Aileen.. " Pero hindi na nya naituloy ang sasabihin ng makita nya na natulala si Marj at napatingala, maging ang teacher na kasama nito.

"A-Aileen...."Nanginginig ang labing turo ni Marj sa may likuran ni Ysa.

Unti unting lumingon si Ysa at doon ay bumungad sa kanya ang isang paa na nakalutang, tiningala nya ito at doon ay nakita nya si Aileen na nasa ere at bumubuga ng kulay dilaw na likido.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now