Chapter 43

5.2K 147 9
                                    

Chapter 43

~

"Anong totoong pangalan mo Tristan?"natanong na lang ni Ysa habang palabas sila ng simbahan. Katatapos lang nilang magdasal kaya naman napagdesisyunan nilang umuwi na.

"Mark Tristan S. Pangilinan, yung Mark nakuha sa bible tas yung Tristan pinaghalong pangalan ng parents ko, Trini at Crisanto."Sagot ni Tristan.

"Eh ikaw bakit Ysabella?"

"Ay naku, bitter kasi nanay ko sa mga pangalan, paano, sya Celerina kaya pinangalanan kami ng pangit para hindi sya maOP"Naiiling na sabi ni Ysa.

Isang malutong na tawa ang narinig ni Ysa kay Tristan na sya namang kinagalak nya.

"Ano bang gayuma meron tong lalaki na to at para akong ginagayuma.."Tanong ni Ysa sa isip niya.

"Ysa.." Biglang seryosong sabi ni Tristan at saka huminto sa paglalakad at tinitigan sya.

" H-Hmm?"Imik nang dalaga na napatigil na din sa paglalakad.

"Kung ano man ang malaman mo, ano man ang matuklasan mo, tatagan mo sana ang loob mo.."Makahulugang sabi ni Tristan at saka nito tinapik si Ysa sa balikat at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Anong ibig mong sabihin Tristan? Anong ibig mong sabihin?"Habol ni Ysa kay Tristan.

Tumigil muli si Tristan at hinarap si Ysa at saka hinawakan ito sa parehong balikat.

"Ysa.. Hindi ko pa maaring sabihin sayo at ayoko masaktan ka.. basta ang isipin mo lagi akong nasa tabi mo."

"Tristan..natatakot ako, sa totoo lang natatakot ako, pero pag kasama kita, nakakalimutan ko lahat ng takot ko, kaya please.. Wag mo kong iiwan.."nasabi na lang ni Ysa at saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

+

"Anong ginagawa mo dito?"Mahinang tanong ni Lexin kay Carlo habang nakaupo sila sa sala, nasa di kalayuan lang si Javier.

"May bibigay ako kay Ysa, pinakiusap nya sa akin to.."Simpleng sagot ni Carlo.

"Ano yon? Bakit hindi mo na lang paabot sa magulang nya o kaya sa akin."Sabi pa ni Lexin na nakatingin sa tv.

"Tulad nga ng sinabi ko, pinakiusap sa akin to ni Ysa, at gusto ko, ako mismo magbibigay.."Madiing pahayag ni Carlo.

"Hoy inspector, wag ka masyado mayabang, hindi komo pulis ka pagbibigyan kita,"seryosong sagot ni Lexin.

"Hindi rin komo anak ka ng gobernador hindi kita papatulan, kaya kung maari lang, wag mo pairalin dito ang ugaling minana mo sa ama mo!"Naasar na sagot ni Carlo na kinainit ng ulo ni Lexin, Agad napatayo ang binata para sana bigyan nang suntok ang pulis ng biglang bumukas ang pinto.

"YSA!, butit dumating kana.. may mga bisita ka."bati ng ama ng mapagtantong si Ysa ang dumating.

"Anong ginagawa nyo dito?"Nasabi ni Ysa ng makita ang dalawang lalaki na tumayo at tila nagkakainitan.

"Ah Ysa, naalala mo yung pinakuha mo sa akin.."

"Ysa kamusta ka na? "Singit ni Lexin sa usapan ng dalawa pero si Carlo ay lumapit kay Ysa na hindi naman kinatuwa ni Lexin at tinabig si Carlo.

"Pare, nakakalalaki ka na ah!"Banta ni Carlo kay Lexin na kinaalarma naman ni Ysa at ni Javier na nandoon din.

"Ikaw ang nakakalalaki, bigla bigla ka na lang susulpot sa bahay ng girlfriend ko at aaktong akala mo kung sinong magaling!"Nanlilisik na sabi ni Lexin.

"Mga Hijo, pwede naman tayo magusap na hindi nagtataasan ng boses.."pakiusap ni Javier, napahawak naman si Ysa sa sintido at umiling.

"Wag po kayo magaalala sir, hindi man po ako anak mayaman, pero maganda po ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko," Sa sinabing iyon ni Carlo ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ni Lexin dahilan para sugurin nya ng suntok si Carlo, bago pa makaganti si Carlo ay naawat na ito ni Ysa at Javier.

"PWEDE BA KUNG HINDI NYO AKO KAYANG IRESPETO! IRESPETO NYO NAMAN ANG PAMAMAHAY KO!"dumadagundong na sigaw ni Javier at saka ito napahawak sa dibdib.

"Pa.."Saklolo agad ni Ysa sa ama at saka tinawag ang ina "Mama, si Papa!"

Nagmamadali namang lumabas si Lina kasama si Flor at saka inalalayan ang ama.

"Okay lang ako, okay lang ako, ipasok nyo na lang ako sa kwarto."utos ni Javier.

Nang maipasok si Javier sa kwarto ay hinarap ni Ysa ang dalawang lalaki.

"Ysa, Im sorry.." Umpisa ni Carlo.

"Kasalanan mo to eh!"Putol ni Lexin sa mga sasabihin pa ni Carlo.

"Hindi ka na dapat nagpunta pa dito sa bahay ng girlfriend ko!"

"PWEDE BA LEXIN! TUMAHIMIK KA! Kung may isa mang taong hindi dapat nandito eh ikaw yon! Dahil mula ng sinaktan mo ako at pinagbintangan ng kung ano ano ay natapos na ang relasyon natin!"galit na sabi ni Ysa.

"Y-Ysa...."nasambit na lang ni Lexin.

"UMALIS KA NA LEXIN, UMALIS KA NA SA PAMAMAHAY NAMIN, WALA KA NG KARAPATAN PANG PUMUNTA DITO.."pigil na iyak na sabi ni Ysa at saka binuksan ang pinto.

Si Lexin naman ay tulala lang at wala sa sarili na lumabas ng pinto, pagkalabas na pagkalabas ng binata ay sinara nito ang pinto at saka sumandal at doon ay iniyak ang kanina pang pinipigil na luha.

"Ysa pasensya ka na, "nasabi na lang ni Carlo pero bago pa man makasagot si Ysa sa ay isang malakas na hiyaw ang narinig nila.

"PAPAAAAAAA!!"Dinig nilang sigaw ni Flor, dali daling pumasok si Carlo at Ysa sa kwarto at doon bumungad sa kanila ang nakalutang na si Javier at dilat na dilat ang mga mata.

Takot na takot naman si Lina na nasa isang sulok lang at sa likod nito ay si Lewis na iyak ng iyak.

"PAPA!!"tawag ni Ysa at saka buong tapang itong lumapit sa ama pero isang malakas na pwersa ang tila tumulak sa kanya ng pagkalakas lakas.

"WALA AKONG ITITIRA SA INYO .. WALA!!!!!!!"sigaw ni Javier na ang boses ay parang babae pero isang lalaki ang biglang pumasok sa kwarto na nakilala ni Ysa na si Axle at isang parang buhangin ang sinaboy nito kay Javier.

"AHH!!!!!!"sigaw ng babaeng nasa loob ng katawan ni Javier at saka ito bumagsak mula sa ere, agad naman itong tinakbo nila Ysa at Flor.

"Humihinga pa si Papa, dalin natin sya sa hospital!!!"sigaw ni Ysa, agad naman itong binuhat ni Carlo at dali daling sinakay sa kotse nya, sa loob ay kasama si Ysa at Flor at maging si Axle.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now