Chapter 33

5.7K 169 13
                                    

Chapter 33

~

" Haha!! Pare, natatawa talaga ako doon kay aswang, lalo na nung binugbog nya yung dalawa, hahaha fuck!"Tawa ng tawang sabi ni Yuan, alas onse na ng gabi ay nandoon pa rin sila sa rooftop kasama ang kabarkada at nag-iinuman.

Tawanan ng tawanan ang magkakabarkada ng biglang may marinig silang kumalabog sa may labas ng pinto papuntang rooftop.

"Yung Janitor siguro, tarantadong yon! Sandali nga at sisitahin ko."Lasing na sabi ni Yuan.

Pagiling giling na pinuntahan ni Yuan ang pintuan at tsaka binuksan.

"Hoy Janitor!! Ano bang---"Napatigil si Yuan at parang nagising ng makita nya kung sino ang nandoon.

"I-Ikaw! Anong--" Hindi na naituloy ni Yuan ang sasabihin dahil bigla sya nitong pinalo ng kung anong bagay tapos ay binalingan nito ang mga kabarkada ni Yuan at hinagisan ng tear gas dahilan para ubuhin sila at unti unting mawalan ng malay.

+

Unang namulat si Yuan at pagmulat nya ay parang malamig ang pakiramdam nya at hindi makakilos, at saka nya lang napansin na nakatali pala sya at walang damit at saka sya luminga linga sa paligid kung saan nakita nya ang mga kabarkada na kapareho ng ayos nya at unti unti na ring nagigising ang mga ito.

"Mga tol!!"Tawag nya.

"Y-Yuan .. s-sinong may gawa sa atin nito?!"Tanong ng isang kabarkada na naihi na sa takot.

"Pare si---" Hindi na nasabi ni Yuan ang nais sabihin dahil biglang may dumating, at hinampas ang ulo ni Yuan.

"Anong pakiramdam ng binababoy?"Wika ng bagong dating.

"H-Hayop ka!!! Pakawalan mo kami dito!"Sigaw ni Yuan.

Pero hindi ito sumagot, bagkos ay may kinuha ito sa dalang kahon, nanlaki ang mga mata nila Yuan ng makita iyon, mga linta iyon, isa isang sinugatan ng tao ang maselang bahagi nila Yuan, at ng may lumabas ng dugo ay saka niya nilagay ang mga linta dito.

"HAYOP KA! HAYOP KA! PAKAWALAN MO KO!!!"Nagsisigaw na sabi ni Yuan gayon din ang mga kabarkada nito.

Halos panawan ng ulirat ang mga lalaki sa kakasigaw.

"Kulang pa yan .. Kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon .."Wika ng tao at saka isa isang pinatayo ang mga lalaki at vinideohan ang mga ito, tinapat pa ito sa bahagi kung saan ay sinisipsip ng mga linta ang pagkalalaki nila.

Maya maya ay kinuha ng tao ang isa sa kaibigan ni Yuan at dinala sa may edge ng rooftop.

"Talon!"Utos nito.

"A-Ayoko! Ayoko pang mamatay .. P-Parang awa mo n-na .."Naiiyak na sabi ng lalaki.

"Oh bakit ka umiiyak? Kanina lang tawa ka ng tawa."Sabi ng tao at saka kinuha ang baril na nakasuksok sa bewang.

"Tatalon ka o pasasabugin ko ang ulo mo?"Tanong nito habang nakatutok ang baril sa sentido ng kabarkada ni Yuan.

Kahit nag aalanganin ay tumalon ang lalaki sa rooftop, at ganon din ang ginawa nya sa iba at saka hinuli nito si Yuan.

"Oh nalulungkot ka ba kasi mag-isa ka na lang?"Tanong ng tao habang tinututukan ng baril si Yuan.

"P-Parang awa mo na .. W-Wala akong k-kasalanan, si Corine ang may pakana ng lahat .. W-Wag mo ako p-patayin, parang awa mo na! A-Anong gusto mo pera? M-Madami ako non, wag mo lang akong papatayin p-parang awa mo na."Pagmamakaawa ni Yuan na nagkandatulo na ang uhog.

Tumawa ng malutong ang tao at saka hinatak si Yuan at inakmang ihuhulog.

"Sige, pagbibigyan kita."Sabi nito at saka tinali ang paa ni Yuan at saka tinayo sa pinakadulo ng rooftop, isang galaw lang ni Yuan ay tiyak na hulog sya.

"Hintayin mo ako at babalikan ko lang yung mga kaibigan mo sa baba, hihintayin ba kita?"Tanong ng tao at saka lumabas sa pinto.

Si Yuan naman ay nakatore sa pinaka edge ng rooftop, palinga linga siya, ni hindi nya makuhang sumigaw dahil baka yun pa ang maging sanhi ng tuluyang pagkahulog. Ilang minuto ng nasa ganong posisyon si Yuan ng biglang humangin sa likod nya, dahan dahan nyang nilingon ang nasa likod at doon tumambad sa kanya ang isang babaeng nakaitim at dahil sa pagkabigla ay tuluyan na syang nahulog sa school building.

Bagamat patayo na at basag ang ulo ay hinila hila pa rin ng tao isa isa ang mga bangkay nila Yuan at pinasok sa room na malapit doon at isa isang biniyak ang dibdib nila Yuan at saka kinuha ang puso at nilagay sa isang garapon at nagsulat sa blackboard.

"MGA WALANG PUSO! WAG TULARAN!"

+

"Natagpuang patay si Juanito De Guzman o mas kilala sa tawag na Yuan sa loob mismo ng eskwelahan nila, sinasabing wakwak ang dibdib nito ng matagpuan kasama ng mga kaibigan nya na kinilalang sila--"

+

"Anong oras ka na umuwi kagabi?"Sita ni Lina sa anak na si Ysa pagkalabas na pagkalabas nito sa kwarto.

"Ah eh.."Para namang kinakabahang sabi ni Ysa at saka ito namutla.

"Ysa!! Tinatanong kita!!"Sigaw muli ni Lina.

"Ma, maagang umuwi si Ysa, maaga ka kaya nakatulog.."Pagdedepensa ni Flor sa kapatid.

"Hoy Ysa, kung maari lang, wag kang umuuwi ng gabi at baka mamaya.. Hay, baka mamatay na ako sa susunod na may mabalitaan na namang masama sayo!"Sabi ng ina ni Ysa habang nagpipirito ng itlog.

"Wala naman po akong ginagawang masama eh, at kahit kailan naman po wala akong ginawang masama."Tahimik na sabi ni Ysa at saka ito nagtuloy sa banyo para maligo.

Sa loob ng banyo ay naririnig pa rin nya ang galit na ina.

"Sinasabi ko lang sayo Ysa, tama na yung isang kahihiyan na dinala mo sa pamilya natin ah!"Dinig nyang sabi nito.

"Ma, tama na.. Kay aga aga.. Baka magising si Papa.."Narinig pa nyang pigil ni Flor sa ina.

Napaluha na lang si Ysa sa mga nangyayari, habang nagshoshower sya ay kasabay din nito ang pagtulo sa kanyang mga luha.

Habang nagsasabon ng mukha kung saan ay nakapikit sya ay naramdaman ni Ysa na parang masikip ang galaw nya, parang may mga nakapaligid sa kanya.

Agad agad nyang binuksan muli ang gripo pero napabawi ang kamay nya bigla ng maramdamang may kung anong malamig dito, parang may kamay din.

Kinusot nya ang matang may sabon at dahan dahang dumilat, wala naman syang nakita kaya binuksan nya ang shower, nakapikit pa sya habang nagbabanlaw ng may parang malansa syang naamoy, tumingala sya sa tubig at sinalubong ang buhos nito at saka pinunas ang kamay sa mukha, napansin nya na iba ang amoy ng tubig at parang kakaiba ang pakiramdam nya.

Kaya naman iniwas nya ang mata sa tubig at dumilat at halos panawan sya ng ulirat ng makitang imbes na tubig ay dugo ang umaagos dito.

"AHHH!!!" Malakas na sigaw ni Ysa at saka hinawi ang shower curtain at doon tumambad sa kanya ang anim na kalalakihan na parang mga duguan, wakwak ang dibdib, at ang mas nakapangilabot pa sa kanya ay ng makilala kung sino ang mga ito.

Sila Yuan at ang mga kabarkada nya.

"AHHH!!!"Sigaw muli nya at saka napaatras dahilan para madulas sya at tumama ang ulo nya sa semento at nawalan ng malay.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin