Chapter 74

2.7K 141 2
                                    

Chapter 74

"May Tama ka? Bakit nandito ka? Bakit hindi ka dinala sa hospital? Baka lumala yan!!"Nanlalaking matang sabi ni Lexin at saka nanlilisik ang matang binalingan ang pulis na hindi pa rin nakakarecover sa ginawang pananakot ni Lexin.

"MGA HAYOP KAYO!!"Sigaw ng binata rito at saka isang malakas na suntok ang binigay dito, huli na bago nakaawat ang abogado.

"PAPATAYIN NYO BA SYA!? BAKIT NANDITO SYA AT WALA SA HOSPITAL!! ANO!!"Susuntukin pa sana ni Lexin ang pulis ng pumasok si Bonker at Adrian.

"BITIWAN MO SYA!"Sigaw ni Bonker habang nakatutok kay Lexin ang baril. Napahinto si Lexin at tinitigan sila.

"Anong klaseng mga pulis kayo? Paano nyo nagawang ikulong kaagad ang taong may tama ng baril? tapos ayaw nyo pa papyansahan.."Galit na sabi ni Lexin.

"Mr. Apostol, utos po sa taas yon at hindi pwedeng..--"Wika ni Adrian na hindi na natapos,

"WALA BA KAYONG SARILING PANININDIGAN?!!" Sigaw ni Lexin sa mga sasabihin pa ni Adrian. "MGA PULIS PA MAN DIN KAYO.!"Pagkasabi non ay dumura si Lexin at binitiwan ang pulis.

"Gusto nyo ng palakasan? Pwes, pakisabi diyan sa nasa taas nyo na namnamin na nya kung nasaan man sya dahil huling araw na nya.."Mayabang na wika ni Lexin at saka lumingon kay Atty. Moncada.

"Attorney, alam mo na siguro ang dapat mo kausapin.."Wika ni Lexin at saka humarap sa dalawa pang pulis.

"At pakisabi kay Daniel Rivera na hindi palalampasin ni Lexin Apostol itong pagpapahirap nya kay Ysa. Sisiguraduhin ko yan!" Ang abogado naman ay may tinawagan sa Cellphone, si Lexin ay lumapit ulit kay Ysa na nakahawak sa rehas, hinawakan ni Lexin ang kamay nito.

"Pinapangako ko na ilalabas kita dito.."Pangako nito at hinalikan ang mga kamay ni Ysa.

"H-Hindi ako ang pumatay kay Corine.."Ani Ysa na tumutulo na ang luha.

"Alam ko...."Tipid at makahulugang wika ni Lexin at muling hinalikan ang mga kamay nito.

"Lexin, kakausapin ka daw ni Genaral.."Tawag ng abogado, lumapit naman kaagad si Lexin at lumabas kasunod ang abogado. Si Bonker naman ay lumapit kay Ysa dala ang paper bag, inabot nya iyon kay Ysa.

"Ano to?"Takang tanong ni Ysa. "Pinabibigay ni Carlo.."Sagot ni Bonker.

"Buhay sya? Buhay si Carlo?"Parang nabuhayang tanong ni Ysa

"Nasaan sya..?"

"Hindi ko din alam, basta ang alam ko, kung nasaan man sya ngayon, may kinalaman ito sa mga pinagdadaanan mo.."Sagot ni Bonker, kinuha ni Ysa ang paper bag, uusisain na sana nya ang laman pero pumasok muli si Lexin, si Atty. Moncada kasunod ang dalawang pulis dala ang susi. Dire diretso sila sa kulungan at binuksan ito.

"Anong nangyari at pinakakawalan nyo na?"Tanong ni Adrian.

"Tumawag si General, galit na galit, pag daw hindi pa nakalabas si Miss Fajardo ay tatanggalin tayo lahat.."Sagot ng pulis at saka sinusian ang padlock. Sinalubong ni Lexin ang papalabas na si Ysa pero bago pa ito makalapit sa dalaga ay nawalan na ng malay ang dalaga.

"YSA!!" Agad na salo ni Lexin rito.

+

"Wala na?Paanong wala na?"Wika ni Flor, kakarating lang nila sa presinto, kinailangan muna nilang isugod si Lina sa hospital dahil hinimatay ito pero ng umayos ito ay dali daling nagaya sa anak na si Ysa, pero eto nga at huli na sila.

"Sinong kasama?"Usisa ni Flor.

"Yung anak ni Gov, sinugod nila sa hospital dahil nawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa hita.."Kwento ng pulis.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now