Chapter 69

4.4K 105 4
                                    

Chapter 69

~

"Bago ko ituloy ang kasalang ito ay mayroon bang tumututol?.." Wika ng pari.

Isang magarbong palakpak ang narinig nang buong tao sa simbahan at sabay sabay napawi ang mga ngiti nang mga bisita sa palakpak na iyon dahilan para lumingon ang lahat sa pinto nang simbahan pati narin sila Trini at Crisanto.

"Tingnan mo nga naman! Ang dalawa kong matalik na kaibigan, ang dalawa kong ahas na mga kaibigan na matapos kong tulungan ay tinuklaw naman ako pagkatalikod, mga hayop kayo! Hindi kayo magiging masaya tandaan nyo yan!" Banta ni Lucia na kanina lang ay pumapalakpak at ngayon ay nakakuyom na ang mga kamao, Tumayo ang ilan sa mga lalaking kaanak ni Trini at Crisanto para pigilan ang babae.

"Hindi niyo ako mapipigilan!!! Malalaman din niya Crisanto! MALALAMAN DIN NYA!!" Sigaw nito kasabay ang pagtulo nang luha ni Lucia at saka ito tuluyang nailabas ng simbahan.

"Father Miguel, pasensya na po, ituloy nyo na po ang kasal.." Pakiusap ni Crisanto at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Trini.

+

"Ano yung sinasabi ni Lucia na kailangan kong malaman?" Tanong ni Trini ng matapos ang reception at nasa kwarto na sila nang isang resort.

Hindi kumibo si Crisanto, bagkos ay hinawakan nito ang kamay ni Trini at hinalikan.

"Mahal na Mahal kita, noon ... hanggang ngayon yun ang importante.." Wika ni Crisanto

+

"Hi Crisanto,Hi Trini.. Kamusta na kayong mag-asawa?" Bati ni Lucia sa mag asawang kararating lang.

"Mabuti naman Lucia, nasaan ang asawa mo?" Ganting bati naman ni Trini pero si Crisanto ay tila hindi kumportable sa presensya ni Lucia.

"Ayun, busy sa trabaho... Kamusta na ang anak nyo Crisanto?" Baling ni Lucia sa asawa ni Trini.

"Ah eh.. Ah.. Okay naman..ang anak mo kamusta na?" Naiilang na sabi ni Crisanto kay Lucia.

"Ang anak ko? Hm, okay naman sya..mabuti naman si —"

"MOMMY..!" Biglang tawag ng isang batang babae.

"Oh Hi baby!" Masiglang bati ni Lucia sa batang nasa 6 na taong gulang.

"Ang ganda naman ng anak nyo ni Daniel, Lucia anong pangalan niya?" Tanong ni Trini.

"Ah, Her name is Crisanta Corine Rivera.." Sagot nito at siya namang dating ng asawa nito.

"Oh hi Honey, Have you met Trini and Crisanto? They're my friends.." Malambing na wika nito.

"Hi.." Maikling tugon ni Daniel Rivera at saka binuhat ang batang si Corine. "Uuwi na tayo."

+

"Crisanto.. Nabalitaan mo na ba?" Tanong ni Trini, kagagaling lang ni Crisanto sa trabaho nang tanungin ito ng asawa.

"Ano yun?" Sagot nito matapos halikan ang asawa sa noo.

"Patay na si Lucia.." Malungkot na balita ni Trini.

Napatikom ang mga labi ni Crisanto sa narinig, at napailing.

"Last time na nakita natin sya was 10 years ago pa doon sa party.." Ani pa ni Trini.

"Ano daw kinamatay nya?" Natanong na lang ni Crisanto.

"Hindi pa alam, basta daw natagpuan na lang ito na wala nang buhay doon sa school na pinagtuturuan nya.." Sagot ni Trini.

"Hi Pa!" Bati ni Tristan sa ama na kararating lang.

"Oh Tristan, masayang masaya ka ata?" Nasiglahang wika ni Crisanto sa anak.

"Tama Pa! Kasi ako ang magiging representative ng school para sa art contest.." Proud na proud na sabi ni Tristan.

"WOW! I'm so proud of you anak!" Masayang sabi ni Crisanto. "Narinig mo yun Trini? manang mana talaga sa akin ang anak ko."

"Naku, kayo talagang mag-ama, saan naman gaganapin yang contest na yan Tristan?" Tanong ni Trini.

"Sa Baguio po Ma, at gusto ko po sana samahan niyo ako ni Papa pag akyat doon!"

+

"Misis, gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na, dakong alas diyes ng gabi ay natagpuan naming patay si Crisanto Pangilinan." Balita ng pulis kay Trini.

"H-Hindi.... H-Hin—di.... HINDI!!!!!"

+

"HINDI!" Biglang bangon ni Trini.

"Mam, bakit po?" Nagising naman ang nurse na si Anna sa sigaw nang pasyente nito. Nanaginip na naman ang kanyang alaga. Paulit ulit lang naman ang panaginip nito, pero ang laki pa rin ng epekto kay Trini dahil gigising ito na sumisigaw at umiiyak.

"Tahan na po Mam.. " Wika ni Ana sa pagiyak ng alaga.

"Si Crisanto, iniwan nya ako.. Namatay sya.. Bakit ganon? bakit namatay siya ilang araw matapos mamatay ni Lucia.. B-Bakit..?" Tangis nito.

+

"So Ysa, napatunayan mo na ba sa sarili mo kung gaano ka kamalas!?" Bungad ni Corine kay Ysa na kakapasok lang, balitang balita na kasi na patay na rin si Maita Apostol, sari saring tsismisan ang lumabas, paano naman ay sunod sunod ang naging pagkamatay ng pamilya Apostol, unang una si Marietta, sumunod naman ay si Alberto, at kakalibing lang ni Alberto ay sumunod naman si Maita. At syempre, sa eskwelahan ay si Ysa ang naging tampulan ng sisi dahil halos konektado sa kanya lagi ang mga sunod sunod na pagkamatay.

"Pwede ba Corine, wala ako sa mood makipa asaran sayo.."Seryosong sabi ni Ysa at saka nagtangkang pumasok sa room. Humarang naman si Corine sa daanan.

"And where do you think you're going? Papasok ka? Eh kung isa naman sa aming mga classmate mo ang biglang mamatay ng sunod sunod? Damn.. Mas nagiging nakakatakot ka na day by day Ysa.. Una, magkasunod na namatay ang kaibigan mo, then ang kaibigan ko, then ang pamilya ni Lexin.. Isn't it funny? na lahat yon may kinalaman sayo.. " Pang aasar pa ni Corine.

"Pwede ba Corine.." Masikip ang dibdib na sabi ni Ysa.

"At sa sobrang kamalasan mo, pati Tatay mo dinamay mo.. Oopps, I was talking about your not real father ah, not the real one.." Ngisi pa ni Corine.

Sa puntong iyon ay di na nakapagtimpi si Ysa. Bigla nyang hinila ang buhok ni Corine.

"ANONG GUSTO MONG MARINIG CORINE!!? NA PINATAY KO SILA? HA? YUN BA? GUSTO MONG MARINIG NA AMININ KONG MALAS AKO O MAMATAY TAO AKO?" Sigaw ni Ysa.

"BAKIT!? TALAGA NAMAN DIBA !?BECAUSE YOUR A GODDAMN FREAK!" Isinandal ni Ysa si Corine sa may pinto, at saka ito sinakal.

"GUSTO MONG MAKITA HA CORINE!? GUSTO MO MAPATUNAYAN KUNG MAMATAY TAO TALAGA AKO? GUSTO MONG IKAW MISMO ANG MAKARANAS? HA!" Galit na galit na sabi ni Ysa. Nagpumiglas naman si Corine at nakawala sa pagkasakal ni Ysa.

" Tapusin nanatin to Corine..." Malamig na wika ni Ysa na tanging si Corine lang ang nakarinig.

" I like that." Ngisi naman ni Corine.
+

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now