Chapter 57

5K 123 0
                                    

Chapter 57

+

Isang katok ang pumutol sa pagbabalik tanaw ni Lina ng mga sandaling iyon, kumpara kanina ay mahinahon na sya at nakakapagisip nang mabuti.

"Sino yan??"Tanong nya.

"Ma, si Ysa po ito.. May gusto po sanang kumausap sa inyo.. "Medyo alangning sabi ni Ysa.

"Sino!?"Tanong ni Lina pero alam na nitong si Lexin iyon, nakita nya ito sa bintana kanina sa harap ng gate.

"Si Lexin po.."

"Lalabas na ako.."Wika nito.

+

Nakabawi na si Carlo mula sa pagkabigla, nakaupo na sya at pinagkape ng mga kaanak ni Charm.

"Hijo, kung hindi mo sana mamasamain, bakit ba naparito ka sa anak ko? May kaso ba sya?"Nagaalalang tanong ni Berta at sa likod naman nito ay ang nakaalalay na si Adonis.

"Oo nga hijo, kasi kung hindi ako nagkakamali, tiga maynila ka at dalawang taon ng umuwi si Charmaine mula maynila, magkakilala ba kayo?"Tanong ni Adonis.

"Hindi po, sa totoo lang po, naparito po ako dahil sa isang kaibigan.. Medyo hindi kapani paniwala kung paano namin nakilala si Charm, basta ang alam namin nasa kanya ang sagot, pero mukhang huli na ang lahat dahil wala na sya.. Kung hindi nyo ho mamasamain, Ano ho ba ang kinamatay nya?"Tanong ni Carlo matapos ang paliwanag.

Kitang kita nya ang pagtitinginan ng magasawa, maging ang pagtitinginan ng ibang nandon sa lamay na tila ba natatakot.

"Sa totoo lang ho sir, hindi ho namin maipaliwanag.."sagot ni Adonis.

"Paanong hindi nyo po maipaliwanag..??"tanong ni Carlo.

"Isang hapon kasi, galing kami sa bayan, hinahanap namin sya pero hindi namin sya makita, akala namin nasa kapitbahay lang pero nung sasalok na ako ng tubig sa balon. Dun na bumalaga sa akin ang bangkay ng anak ko.."pigil na pigil ang iyak ni Mang Adonis.

"Narinig ko na lang sumigaw si Adonis kaya naman nung nilabas ko, kitang kita ko ang takot sa mata nya habang tinuturo ang balon, pagkahila ko sa pangkuha ng tubig, nagulat pa ako at mabigat, at pagkataas non ay nandoon si Charmaine, dilat na dilat ang mata na para bang takot na takot at nakalawit ang dila."humihikbi ng kwento ni Aling Berta.

Napaisip ng malalim si Carlo at tila ba nahuhulaan na ang nangyari.

"Akala ko hindi totoo ang sinasabi ni Charmaine noon, nung umuwi sya, may kasama siyang dalawang sanggol na anak daw nang yumao niyang kaibigan at kakaiba na sya, dati kasi masiyahin sya pero biglang nagbago.. Naging matatakutin na sya, sarado daw namin ang pinto at bintana dahil may babaeng nakaitim, uwi uwi pa nya yung pinaghubarang damit ng namatay nyang kaibigan kasi daw hindi sya masusundan nito, maliban na lang daw kung may magsabi kung nasaan sya.."kwento pa ni Berta.

Naisip ni Carlo na marahil natunton ito nung ibigay ng nanay ni Grace ang address nito dito, yun din siguro ang isa sa dahilan kung bakit ayaw daw itong ibigay nung una.

Madaling pinasadahan ni Carlo nang tingin ang dalawang batang naka upo parin malapit sa kabao ni Charm, Ito marahil ang dalawang sanggol na inuwi nito ngunit hindi ito kasama sa imbestigasyon na pinunta niya rito, naisip nalang ni Carlo na galing ito sa ibang kaibigan ni Charm bukod sa tatlo, kaya naman binalik niya ang atensyon sa mga magulang ni Charm.

"Nung umuwi ho sya, wala ho ba sya ibang nabanggit tungkol sa mga naging kaibigan nya sa Maynila?"naalalang itanong ni Carlo, nabanggit kasi ni Ysa sa kanya minsan ang kwento ng tatlong magkakaibigan.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now