Chapter 20

7.7K 197 5
                                    

Chapter 20

 * * *

~

Dumiretso sa library si Ysa at Marj, dun sila pumwesto sa pinakadulong table kung saan walang nakaupo kundi sila. Unang tumayo si Marj para kumuha ng libro samantalang si Ysa naman ay naiwan sa table kung saan sa may dulong upuan sya nakapwesto.

Maya maya ay umihip ang malakas na hangin. Hindi nya iyon pinansin sa halip ay tiniloy nya lamang ang pagbabasa. 

Maya maya ay napansin ng dalaga na umuuga ang mesa. Napatingin sya sa kabilang dulo ng inuupuan nya at doon ay nanlaki bigla ang mata nya ng makita ang isang babae na gulo gulo ang buhok pati mga damit, naka sabog ang buhok nito sa muka halos manginig naman ang dalaga at hindi muna nakagalaw sa gulat, umaakyat ito sa mesa at dahang dahang gumapang palapit sa kanya, hindi sya makasigaw sa sobrang takot.

Palapit na ito ng palapit sa kanya,ilang hakbang na lang ang natitira ay bigla syang kinalabit ni Marj kaya naman halos mapatalon ito sa gulat.

"Eto na yung book na ina-out ko, wait lang." Paalam ni Marj napatango naman ang dalaga at pagharap nya ay wala na ang babae, napahinga naman sya ng maluwag, sa isip isip nya ay marahil  guni guni lang nya iyon, tinuloy nya muli ang pagbabasa pero hindi pa man din sya nagtatagal sa pagbabasa ng maramdaman niya na may nasa harap nya. Dahan dahan nyang iniangat ang ulo at nanlalaki ang mata dahil sa harap nya ay ang babaeng gumagapang, titig na titig ito sa mukha nya.

Napaatras si Ysa dahilan para mabaliktad ang inuupuan, Nag sitayuan ang mga estudyante ng makitang nahulog si Ysa, ang iba ay nagbungisngisan, ang iba naman ay nag-alala at agad syang nilapitan, dali dali namang lumapit si Marj ng makitang nakatembwang ang kaibigan.

"Ysa! Ano ba ginagawa mo diyan!? Bakit dito ka pa nanghuli ng palaka!"Alalang sabi ni Marj at saka tinayo ang tulalang si Ysa.

"Sis, anong problema? Anong nangyari sayo?"Tanong ni Marj pero imbes na sagutin ay nagtatakbo si Ysa palabas ng library.

"Ysa!"Tawag ni Marj ngunit tuloy tuloy lamang ang dalaga, hindi na nya ito nagawang sundan dahil tinawag na sya ng librarian para sa Librong hihiramin nya.

Si Ysa naman ay takot at naguguluhang tumakbo kung saan, ni hindi na nya tiningnan ang dinadaanan kaya hindi nya na rin napansin ang makakasalubong.

"I'm sorry!"Sabi ni Ysa na hindi man lang tinitingnan kung sino ang nabunggo at saka umalis ulit, kung nagtaas lang sana ito ng ulo ay makikita nya na ang nabunggo nya ay isang lalaking wala ng ulo.

Litong lito si Ysa, ayaw na nya ng gantong kababalaghan, kailangan kausapin nya ang Mama at Papa nya at magpapalipat na sya. Mas gugustuhin pa nyang bumalik sa Siquijor at magpalaprobinsyana doon kaysa naman dito.

+

"Pa.."Bungad ni Ysa sa ama, kasalukuyan silang naghahapunan maganak, desidido na talaga syang sabihin sa ama't ina ang plano.

"Ano yun anak?"Malungkot na tugon ni Javier.

Napansin naman ni Ysa na malungkot ang ama kaya imbes na sabihin ang gusto ay inusisa nya ito.

"Bakit parang ang lungkot mo Pa?"tanong ni Ysa.

"Wala to anak, kumain ka na lang ng kumain."matamlay na sagot ni Javier.

"Naku.. Anong wala, pwede ba Javier, matanda na yang si Ysa kaya kung ano man ang problema mo ibahagi mo sa kanila."sabat ni Lina.

"Pwede ba Celerina, hayaan mo na ako, ayokong maapektuhan ang mga anak ko sa kung ano man ang problema ko!"reklamo ni Javier.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now