Chapter 29

6K 193 6
                                    

Chapter 29

* * *


"CHEERSS!!" Masayang sabi ni Corine, nasa bar sila nila Mildred, Bea, at Yuan at ang mga kabarkada nito.

"Para sa pagbagsak ni Ysabella Fajardo!"sigaw ni Corine at nakipag tose kay Mildred.

"CHEERS!"Sabay sabay nilang sigaw.

"Ang galing galing mo talaga Corine, all this time, umaarte ka lang pala, pati kami naloko mo, lalong lalo na ako!"bulalas ni Bea.

"Excuse me, ikaw lang ang naloko, I've known Corine since Pre-school and I know what is acting and what is not!"Nakangiting wika ni Mildred at kinindatan ang kaibigan.

"Lets drink to that!"ganting sabi ni Corine at saka nakipagtose muli.

"So Corine, ano ang susunod na plano?"tanong ni Yuan at saka tumabi sa dalaga.

"Relax.. Hinay hinay lang.. Sa ngayon, pakalat muna natin yung edited na video and then we will spread it all over the town, at dahil sa kahihiyan, ikikick out sya sa school, and you know what is more exciting? iiyak iyak syang babalik sa Lugar ng mga aswang !"sabi ni Corine na tuwang tuwa at saka nilagok ang hawak bote ng alak..

"Paano si Lexin? Baka mag-imbestiga yon?"Nag aalalang sabi ni Yuan.

"I doubt it, didn't you just see his face when he saw the video? damn, he is so convinced, at saka isa pa, bago pa lumabas ang totoo, Ysa and her family is out of here!"malanding sabi ni Corine.

 "Tingnan natin ngayon ang galing ni Ysa.. You want to be famous.. I Just made you sooo famous!"tawa ni Corine habang iniikot ikot ang hawak na bote

+

Tulala si Ysa habang nakaupo sa taxi, hindi na nya nakita ang mga magulang, kaya kahit walang pera ay sumakay na lang ito ng taxi.

Nagkalat na ang eyeliner at mascara sa mukha ng dalaga dahil sa kakaiyak kaya hindi na sya nagtaka kung bakit tingin ng tingin sa kanya ang driver. Nang makarating sa bahay ay saka pa lang narealize ni Ysa na wala syang pera kaya binayad na lang nya ang bracelet na bigay sa kanya ni Lexin, tinanggap naman ito ng driver dahil alam nya siguro na magandang klase iyon. Pero bago pa man sya bumaba ay nagsalita ang driver.

"Miss.. Mag-iingat ka.. Kanina pagsakay mo ay may kasama kang dalawang babae.."babala nito.

Para namang kinilabutan si Ysa sa narinig pero dahil mas mabigat ang nararamdaman ay hindi na nya iyon masyadong binigyan ng pansin.


"Wala kang kwentang anak! Napakalandi mo!"galit na galit na sabi ni Javier kay Ysa at saka ito sinampal.

Kakapasok pa lang nya ng pintuan ay iyon na kaagad ang bumungad sa kanya. Napahawak sya sa pisngi at tumulo muli ang mga luha nito.

"Ano ka ba naman Javier, maghunusdili ka, nakakahiya sa mga kapitbahay!"awat ni Lina.

"Nakakahiya!? Nakakahiya tong batang to!! Wala ng mas nakakahiya pa sa ginawa ng anak mo Lina! Sirang sira na tayo dahil sa kalandian nyang anak mo na yan!"gigil na gigil si Javier.

"Hindi ka na nahiya, pati yung kapatid mong walang kamuwang muwang nakikita yung kababuyang pinagagagawa mo!"galit pa na sabi nito at saka napahawak sa dibdib nya at biglang tumirik ang mga mata nito at inatake.

"P-Pa.. Pa.. Pa!!"sigaw ni Flor at agad na tumawag ng tulong sa kapitbahay.

"Tulungan nyo po kami!! Tulong!! Si papa.. Inatake"sigaw nito sa labas samantalang si Lina ay agad na tumabi sa asawa, tarantang taranta naman si Ysa at hindi malaman ang gagawin.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon