Chapter 63

4.5K 119 1
                                    

Chapter 63

~

Hindi na inabutan ni Lexin sa hospital ang kanyang mamita, nasa morgue na daw ito wika nang nurse na naglilinis na sa kwarto, pero imbes na magtuloy sa morgue ay nagtuloy ito sa malapit na bar.

Nagpakalango ito sa alak at dun ay pinagluksa nya ang pagkawala ng kanyang Lola na naging kakampi nya sa lahat. Habang nagpapakalunod sa alak ay isang kamay ang humawak sa kanyang balikat.

"Lexin.." Napatingin si Lexin sa may ari ng kamay at doon ay nakita nya si Corine. Kanina pa pala ito nakamasid sa lalaki at nakita nyang tila may dinadamdam ang binatang hanggang ngayon ay iniirog parin niya kaya di nya natiis na magmasid nalang at nilapitan na ito.

"Anong ginagawa mo dito?"Mahinhin na tanong ni Corine, kahit may sama sya ng loob sa binata ay hindi nya pwedeng palampasin ang pagkakataong damayan ito sa kung ano man ang iniinda nito.

"Anong ginagawa mo dito?"lasing na tanong ni Lexin.

"Nandito ako para samahan ka..."Wika ni Corine at pinadulas ang daliri sa balikat nang binata at piniikot ikot iyon doon.

"Iwan mo ako, ayoko ng kasama, gusto ko mapagisa.."taboy ni Lexin sa dalaga pero imbes na umalis ay umupo ito sa tabi ng binata.

Tinignan ni Lexin si Corine at saka nailing na tumayo at nagbayad.

"Oh saan ka pupunta?" Agad ba tumayo si Corine at sinundan ito.

"Kung ayaw mo umalis, ako ang aalis."sabi ni Lexin at saka nag-iwan ng pera sa lamesa.

"Lexin wait!"habol ni Corine. Nakita nyang sumakay ng kotse si Lexin at dali dali ring sumakay si Corine dito.

"Baba!" Utos ni Lexin kay Corine pero parang walang narinig ang dalaga, kaya walang nagawa si Lexin kung hindi paharurutin ang sasakyan.

"Lexin! Ano ba magpapakamatay ka ba!?"takot na takot na sabi ni Corine na parang wala sa sarili ng nagmamaneho si Lexin, nakipagkarerahan ito sa malalaking truck at maya maya ay isang ten wheeler ang kanilang mabubunggo pero dire diretso pa rin si Lexin.

"LEXIN!!"Sa sigaw na iyon ni Corine ay tila natauhan si Lexin at tinapakan nito ang preno.

Gulat na gulat at hinihingal si Corine sa kanyang inuupuan at si Lexin naman ay hingal na hingal rin, at matapos makabawi sa pagkabigla ay yumukyok ito sa may manibela.

"Lola."Mahinang wika nito at parang batang tumulo ang luha ni Lexin, nahabag ang puso ni Corine, lumabas ito sa kotse at tumungo sa kabilang side kung nasaan si Lexin, binuksan nya ang pinto at doon ay niyakap ang binata.

"Tahan na Lex.. Tahan na."Alo ni Corine.

"Wala na ang Lola, Corine, wala na sya, iniwan na nya ako.."At saka ito tumingin sa dalaga at kusang yumakap kay Corine.

Nasa ganong eksena sila ng isang sigaw ang narinig nila.

"HOY MGA TANGA! MAGPAPAKAMATAY BA KAYO!"Sigaw ng isang lalaki na driver ng van na nasa likod nila. Napatingin dito si Lexin at isang matalim na titig ang binigay nito sa lalaki.

"ANONG TINITINGIN TINGIN MO HA GUNGGONG!" Sigaw pa nito sa tingin ni Lexin.

"Sakay na Corine,"utos ni Lexin kay Corine.

"Lexin, wag mo na patulan.."

"SAKAY NA!"walang nagawa si Corine kung hindi ang bumalik sa pwesto, pagkaupong pagkaupo ni Corine ay pinaharurot na naman ni Lexin ang kotse, binaling nya ito at hinarap sa van kung nasan ang lalaking sumisigaw sa kanila, umatras ito at maya maya ay mabilis at dire diretsong binangga ang van, kinagulat ito ng lalaki, pero di pa man nakakabawi sa gulat ay sunod sunod na bangga pa ang binigay ni Lexin dito.

+

Si Ysa ay abala sa Funeraria na kasama si Fr. Miguel, hindi na kasi sila umabot sa hospital.

Palinga linga sya ng tingin kakahanap kay Lexin pero hindi nya ito makita, kaya naupo na lang sya sa may labas para maghintay. Magisa syang nakaupo dun ng may mapansin syang naupo sa tabi nya, hindi na lang nya iyon tiningnan dahil sa kakaisip kay Lexin.

Maya maya ay nagsalita ang nasa tabi nya.

"Kung ano man at ano man ang kahahantungan nyo ni Lexin, magpakatatag ka Hija.. Magpakatatag ka, may dahilan ang lahat.."

Napalingon bigla si Ysa sa katabi at dun ay nakita nya ang lola ni Lexin na nakaupo at nakangiti sa kanya.

"Ysa.."napalingon si Ysa sa tumawag sa kanya at pagbalik ng tingin nya sa matanda ay wala na to.

Si Maita pala na ina ni Lexin ang tumawag sa kanya.

"Mabuti naman napunta ka, kailangan ka ni Lexin.."malungkot na wika nito.

"Opo.. Alam ko kung gano nya kamahal ang lola mommy nya.."sagot ni Ysa.

Maya maya pa ay natanaw na ni Ysa si Lexin, nakita nyang puro ito pasa at hinang hina.

Si Lexin naman ay nakita na rin si Ysa, gustong gusto nyang tumakbo dito para yakapin ito at ibuhos ang sama ng loob nya. Pero paulit ulit na sinisigaw ng utak nya na hindi pwede dahil iba na ang sitwasyon ngayon.

"Lexin, anong nangyari sayo? Sinong may gawa nyan?"alalang tanong ni Ysa.

"Anong ginagawa mo dito?"pagalit na tanong nito.

"Nabalitaan ko ang nangyari at.."hindi naituloy ni Ysa ang sasabihin dahil nakita nya si Corine."Anong ginagwa mo dito?"

"Buti pa Ysa, umalis ka na.. At wag na wag ka ng babalik"narinig nyang malamig na sabi ni Lexin.

"Lexin.."

"Narinig mo yun Ysa, umalis ka na daw, hindi ka kailangan dito, kaya ano pang hinhintay mo?l
"nakangising sabi ni Corine.

Napatingin si Ysa kay Lexin at paulit ulit na tanong ang tumatakbo sa isipan nya, anong nagawa nya, bakit nagkaganto.

"Lexin, Bakit??"Tila basag ang tinig na sabi ni Ysa.

Masakit man sa damdamin ni Lexin ay humarap sya dito at hinanda na ang mga sasabihing alam nya ay makakasakit sa damdamin ni Ysa. Pero kailangan para ito na mismo ang kusang lumayo sa kanya.

"Bakit? Dahil malas ka sa buhay ko!"umpisa ni Lexin. "Mula ng dumating ka ay puro kasakitan na lang ang nararanasan ko!! Alam mo ba yun?! Kaya ayoko ng lalapit ka pa sa akin kahit kailan." pagkasabi nito ay tumalikod ang nagpipigil na si Lexin.

"Heard it bitch? Alis.. Alis na.."Gatong pa ni Corine.

Napadiin nalang ang labi ni Ysa sa sinabi ni Lexin, hindi talaga nya maintindihan ang mga nangyayari, walang kahit ano mang salita ang makawala sa bibig nya.

Maglalakad na sana si Lexin papasok ng magkalakas ng loob na magsalita si Ysa.

"Kahit pagtabuyan mo pa ako.. Kahit pa sabihin mong wag na wag akong lalapit sayo.. Hindi mo ako mapigigilan para damayan ka.. Kung sinasabi mong malas ako.. Wala akong pakialam, dahil pipilitin kong gawing tama lahat ng sa tingin mo ay naging mali mula ng maging parte ako ng buhay mo."pahayag ni Ysa at saka tumakbo palayo.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Lexin ng mga oras na yun, hindi nya kayang mapalayo kay Ysa.. Pero mali, magkapatid sila. Ilang sandaling napako si Lexin sa kinatatayuan at nanginginig ang labi at kamay nito pero hindi na ito nag alinlangan at kumilos ito at sumunod kay Ysa.

"Ysa!!!"

Si Ysa noon ay umaagos ang luha habang tumatakbo, ilang beses na syang minsang pinagtabuyan ni Lexin dahil sa nangyari noon sa school pero bakit ang nangyari kanina ay mas masakit.

Napahinto na lang si Ysa sa may hagdan ng gusali kung nasaan ang funeraria at doon ay napaupo sya at tahimik na umiyak.

Wala syang kamalay malay na may nakamasid sa likod nya na punong puno ng hinanakit na si Lexin dahil sa mga pangyayari.

"Ysa.... Ysa ko..." Wika nito at mahinang sinuntok ang kanyang dibdib sa sobrang sakit.

~

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن