FINALE

7.6K 164 45
                                    

Final Chapter

"Ate F-Flor.."

"Ysa! Ysa.. Carlo si Ysa..!" Narinig nyang sabi ng ate nya, maya maya ay hindi na si Flor ang kausap kung hindi si Carlo.

"Ysa nasaan ka?"

"N-Nandito sa Tagaytay, sa bahay nila Lexin dito.."

"Mabuti na lamang pala at tama ang pinuntahan namin, nagbakasakali lang kami pero sa awa ng diyos, diyan kami dadalin ng mga paa namin, malapit na kami dyan Ysa, pero ang gusto ko ay umalis ka na diyan habang may panahon pa.. Ysa, delikado si Lexin, sya ang killer, sya ang pumapatay, sila ng nanay nya, ang kaluluwa ng nanay nya..ng tunay nyang ina.." Mabilis na kwento ni Carlo.

"Si Lucia ay kapatid ng kinilalang ina ni Lexin na si Maita, isang kahihiyan ang pagbubuntis ni Lucia noon dahil kasal na si Crisanto kaya naman ng ipanganak ito ay pinalabas nilang patay na ang bata at binigay na lang kay Maita, si Lucia naman ay hindi makapaniwala, labis labis ang hinagpis nya, ang anak nya na lamang ang pinanghahawakan para bumalik si Crisanto sa buhay nya kaya umampon siya, si Corine at pinalabas nyang yun ang anak nya kay Crisanto, pero hindi kinilala ni Crisanto ang bata kaya naman napilitan na lang syang magpakasal kay Daniel, Ysa kailangan mong umalis diyan, delikado si Lexin, kagabi ay pinatay nya si Daniel.!!"

"Sino yan." Agad na nanigas sa kinauupuan si Ysa nang marinig ang malamig na boses ni Lexin, dahan dahan itong lumingon at doon ay agad nanubig ang mga mata ni Ysa nang makita si Lexin na nakatayo sa likod niya.

"Ang sabi ko.. SINO YANG KAUSAP MO!" Tanong ni Lexin na parang nanguusig. Pinatay ni Ysa ang cellphone at matapang na hinarap si Lexin.

Dahan dahang tumayo si Ysa at pinigilan ang nag babadyang luha, tinignan niya ang lalaking minamahal na mabilis na humihinga at lumalabas na ang ugat sa leeg. Tila ba'y galit na galit ito.

"I-Ikaw ba ... Ikaw ba Lexin." Hindi napigilan ni Ysa ang mga luha niya at sunod sunod itong pumatak, agad niya itong pinunasan at agad namang kumirot ang dibdib ni Lexin sa nakita, akmang lalapitan niya ito nang tinuloy ni Ysa ang sasabihin.

" Ikaw ba ang pumatay kay .. Tristan.." Puno nang sakit na tanong nang dalaga, agad nanlaki ang mga mata ni Lexin.

"T-Tris.. p-paano, Anong.. Ibig mong sabi—." Naguguluhang tanong ni Lexin dahilan para mapapikit si Ysa at nagpalamon na sa galit sa kanyang dibdib.

Minahal kita.. minahal kita Lexin..

"Wag ka nang mag maang-maangan Lexin! Alam ko na! Alam ko na, na ikaw ang Killer! Ikaw ang nasa likod nang lahat nang patayan!!" Nanginginig man sa takot ay pinilit ni Ysang magpakatatag. Agad na nanginig sa kaba si Lexin at agad itong lumapit sa dalaga.

"Y-Ysa..Listen, let me explain! Kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil sinasaktan ka nila.." Akmang hahawakan na niya si Ysa sa balikat nang agad iyong hinawi ni Ysa at umatras.

"H-Huwag! Huwag mo akong hawakan at wag kang lalapit! Bakit Lexin.. bakit pati mga kaibigan ko at ang papa ko, pati si ate Alexa! Dinamay nang ina mo!!" Takot na takot na si Ysa pero hindi siya nagpasindak.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ysa, hindi ko pinatay sila Aileen.. M-May sakit ako.. Pag may nanakit sa akin at sa taong mahal ko hindi ko mapigilang patayin sila.. Pinilit kong baguhin yun mula ng makilala kita, kaya nacocontrol ko na ang sarili ko pero yung ginawa nila Yuan, hindi ko mapapalampas yon!" Pagpapaliwanag ni Lexin.

"At si Tristan! Anong kasalanan nya sayo!" Tanong ni Ysa. Agad napakuyom ang kamao ni Lexin.

"Paano mo sya.."

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now