Chapter 35

6.4K 159 12
                                    

Chapter 35

***

"Magdodorm? Anong kalokohan yan Ysa? Bakit ka magdodorm?"Galit na tanong ni Lina sa anak, nasa sala sila noon at pinag-uusapan ang mga pictures at audio tape na galing kay Lexin, natuklasan na nila na inosente si Ysa.

Tahimik lang si Ysa habang pinaguusapan nila yon, nang bigla nang siningit na magdodorm na lang sya sa school.

"Opo Ma, magdodorm na lang ako, tutal kasama naman yun sa benefits ng scholarship ko ko."Tahimik na sabi ni Ysa.

"Nasisiraan ka na ba Ysa? Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa iyo--"

"Nangyaring ano? Nangyari pong panghuhusga? Wala na po akong pakialam Ma, labis labis na pong panghuhusga ang tinanggap ko Ma, mula sa mga kaklase ko, mula sa boyfriend ko, mula po sa inyo.."Nakatingin sa inang sabi ni Ysa.

"Ysa.. "

"Hayaan mo sya Lina."Sabat ni Javier sa usapan ng mag-ina.

"Javier!!"Pasigaw na sabi ni Lina.

"Siguro nga dapat ibigay na natin ito kay Ysa, kulang pa nga ito kumpara sa sakit na binigay natin sa kanya, dahil hinusgahan natin syang pamilya nya na dapat ay nagtatanggol sa kanya,anak kung sa tingin mo anak eto ang makakabuti sayo, sige, pumapayag na kami ng Mama mo,basta ingatan mo na lang sana ang sarili mo."Madamdaming sabi ni Javier at saka tumayo at pumasok sa kwarto.

Si Ysa naman ay napayuko at pigil pigil ang pagluha, sa isip nya, sa mga pagkakataong ito, kailangan mas maging matapang sya.

"DORM 203" Basa ni Ysa sa numerong nasa pintuan.

Ito kasi ang dorm na nakaassigned sa kanya. Hindi na sya nagpahatid sa mga magulang bagkos ay kumuha na lang sya ng taxi para mapagkargahan ng mga gamit nya.

Sa totoo lang, mula ng malaman ng pamilya nya ang totoo ay parang lumayo ang loob nya dito.

Binigay ng Caretaker ang susi sa kanya at agad agad syang pumunta doon dala ang dalawang malaking bag.

Bubuksan na sana nya ang pintuan ng bigla itong bumukas, at doon niluwa ang isang babaeng mahaba ang buhok, maputi, at chinita, naka uniform ito ng katulad ng uniform ng sa nursing student ng LAC kaya alam niya kaagad na schoolmate nya to.

"Hi.."Bati nya pero ngiti lang ang sinagot nito. "Dito ka rin? Ako nga pala si Ysabella Fajardo, Ysa na lang for short, ikaw?"nakangiting pagpapakilala ni Ysa.

Ngumiti lang ulit ang babae at saka tinuro ang name plate nya.

"Arianne Liu, hm .. Chinese ka?"Tanong ni Ysa at tumango ang babae, parang hiyang hiya ang babae sa kanya.

Napansin ni Ysa na dumudugo ang ilong ng babae, kinuha nya ang panyo pero hinawi nito ang kamay nya at doon ay kinilabutan si Ysa dahil napakalamig ng kamay na dumampi sa kanya, napatingin sya dito at nakita nyang dumudugo pa rin ang ilong nito.

"M-Miss, dumudugo yung ilong mo ..?"Kinikilabutang sabi ni Ysa dahil biglang lumamig ang pakiramdam nya, napatingin sya sa paa nito at doon ay gimbal na gimbal si Ysa sa nakita dahil bukod sa nakaapak ito ay puro galos ang paa nito at madusing, naramdaman na lang ni Ysa na humawak ito sa braso nya, tiningnan nya ito muli at nakita nyang malakas ang daloy ng dugo nito sa ilong .

"T-Tulungan mo ako .. Tulungan mo ako, hirap na hirap na ako.. A-Ayoko na.."Wika ni Arianne na ang boses ay parang galing sa hukay at pagkasalita nito at bumuga ng dugo sa bibig nya.

Nanlaki ang mata ni Ysa dahil dito, gustong gusto nyang tumakbo pero nakahawak ito sa braso nya at maya maya ay isang eksena ang tila pinapakita ng babae sa isip nya.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin