Chapter 70

5.2K 126 8
                                    

Chapter 70

"Mommy!Mommy! look oh, ang cute cute ng doll na binili sa akin ni Daddy!" Sigaw ng batang si Corine na noon ay anim na taong gulang pa lang. Kasalukuyang nagbabasa ng magazine si Lucia sa sofa noon ng biglang kumandong sa kanya si Corine dahilan para matapon ang Juice na nasa lamesita.

"Ano ka bang bata ka! napakakulit mo! tingnan mo ang ginawa mo!" Bulyaw ni Lucia kay Corine saka napatayo at tinulak ang batang si Corine.

"Yaya! Linisin mo nga to, at utang na loob, ilayo mo sa akin yang batang yan!" Ang tinutukoy ay ang humihikbing si Corine dahil sa pagsigaw ng ina.

"M-Mommy, I'm s-sorry, I just want to sit on your lap lang naman eh.." Paliwanag nito habang umiiyak. Pero imbes na maawa ay piniga ni Lucia ang dalawang pisngi ni Corine.

"And who the hell told you that I want you to sit on my lap?" Gigil na gigil na sabi nito at saka ito patulak na binitawan. "YAYA! AYUSIN MO ANG BASO DITO! AT YUNG ALAGA MO AYUSIN MO! BWISET!" Sigaw pa muli nito at saka naglakad paalis.

Naiwan namang umiiyak si Corine dahil sa ginawa ng ina.

+

"I cant understand, bakit kailangan pa nating isama si Corine sa party na yan, gabing gabi na, dapat sa bata tulog na.." Ani Daniel na nagbibihis at naghahanda sa pupuntahang party.

"Bakit? Masama ba na ipagmalaki ko ang anak ko?" Wika ni Lucia habang naglalagay ng hikaw.

"Come on Lucia, at kailan ka pa naging proud kay Corine?" Sarkastikong sabi ni Daniel.

"Pwede ba Daniel? wag mong kukwestyunin ang pagiging ina ko kay Corine.. " Galit na sagot ni Lucia.

"Alam ko naman na sa tuwing wala ako dito ay minamaltrato mo si Corine." Sagot ni Daniel na nakatingin na ngayon sa asawa.

"Of course not! At sino ang nagsabi sayo niyan? Ang mga katulong?" Napatayonh sabi ni Lucia.

"Hindi na nila kailangang isumbong dahil nakikita ko ang mga pasa ni Corine!" Napatayo naring wika ni Daniel.

"Bakit hindi mo tanungin mismo si Corine kung ano ang totoo! My god Daniel, of all people, sayo ko pa maririnig ang mga akusasyon na yan.." Kunwang naiiyak na sabi ni Lucia. "Ako pa ba Daniel, ako pa ang magmamaltrato sa anak ko? Sa kaisa isa kong anak.." Para namang naguilty si Daniel sa nakitang reaksyon ng asawa, nilapitan nya ito at sinuyo suyo.

"I'm sorry Sweetheart, I didnt mean to hurt you.." Niyakap nito si Lucia at nilambing lambing.

"Ikaw ang mas unang dapat nakakaalam how much I love Corine," Dagdag pang litanya ni Lucia at yumakap din sa asawa pero pagkayakap na pagkayakap kay Daniel ay isang matalim na ngisi ang pinakawalan nito na lingid sa asawa.

"I'm sorry, I'm really really Sorry, I shouldn't have listen to those maid, I'm sorry.."Mas hinigpitan pa ni Daniel ang yakap sa asawa.

"I knew it, those maids want to destroy me.. Siguro dahil mas gusto nila yung yumao mong asawa, ano nga naman ang laban ko sa kanila, mas matagal mo na silang nakilala, samantalang ako ay kakapasok lang sa buhay mo, sino nga naman ang paniniwalaan mo.."humihikbi kunong wika ni Lucia.

"Of course not, ikaw ang asawa ko.. Ikaw ang dapat kong paniwalaan.. Don't worry, bukas na bukas pagsasabihan ko sila.." Paninigurado ni Daniel sa asawang si Lucia.

"Para ano? Para mabigyan mo na naman sila ng pagkakataon na siraan ako? Wag na Daniel, nakapagdecide na ako na aalis na lang kami ni Corine dito, doon na lang kami kila Papa makikituloy or kila Maita.." Wika ni Lucia at saka bumitiw sa pagkakayakap sa asawa at humarap muli sa salamin para magayos.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now