Chapter 58

5.2K 119 3
                                    

Chapter 58

+

"Good Evening po Tita.. "Magalang na bati ni Lexin kay Lina.

"Good Evening din Hijo.. "Casual na sagot ni Lina na bago sa pandinig ni Lexin dahil kadalasan, pagkain kaagad ang alok nito sa kanya.

"Maupo ka.."pagpapaupo ni Lina kay Lexin. Nakapagbihis na si Lexin mula sa pagpapaulan, mabuti na lamang ay may damit itong naiwan kila Ysa kaya nakapagpalit din sya.

"Ysa" baling ni Lina Sa anak.

"Ano yun Ma?"

"Pwede ba ibili mo ako ng gamot ko sa sakit ng ulo dun sa kanto.. Habang maaga pa.. Sige na anak,"utos ni Lina kay Ysa.

Agad namang sumunod si Ysa, pero bago lumabas ang dalaga ay tumingin muna ito kay Lexin at ngumiti.

Nang makaalis na si Ysa ay nagumpisa ng magsalita si Lexin.

"Tita.. Alam nyo naman po kung gano ko kamahal si Ysa, alam na alam nyo po yan.. Kaya naman po sana kung may ano mang galit kayo sa ama ko, wag nyo na po idamay ang kung ano mang meron kami ni Ysa, gusto na po namin magpakasal.."titig na titig kay Lina'ng sabi ni Lexin.

"Hindi pwede..."

Napatingin si Lexin kay Lina at nakita nito ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Lina na para bang gulong gulo.

"Pero tita..!"

"Sana nga yung sama lang ng loob ko kay Albert ang problema, pero hindi.."Emosyonl na wika ni Lina.

"Kung ganon tita.. Ano po?"natanong ni Lexin.

"Bakit bigla biglang tinatanggihan nyo ako para kay Ysa.."

"Dalawamput apat na taon na ang nakakaraan.."Umpisa ng kwento ni Lina habang nakamasid sa malayo.

"Nakilala ko si Albert sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko nun, undergrad ako ng college nun kaya naman wala akong makitang magandang trabaho kaya napilitan akong mamasukan para makatulong at makaipon sa kasal namin ni Javier, at hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ko ang Papa mo dahil naging sanhi yun ng sapilitang pagreresign ko sa restaurant na yun, at akala ko, kapag umalis na ako dun ay mawawala na sya sa buhay ko pero nagkamali ako..."

+

"CELERINA! CELRINA!"Gising sa akin ng nanay ko nun, pansin ko sa boses nya nun ang pagkaexcited kaya nagtataka akong napalabas ng kwarto non.

"CELERINA ANAK! NANDITO YUNG ANAK NI MAYORA MARIETTA.. ! ANG DAMING DALANG PAGKAIN.."tuwang tuwa na sabi ni Nanay.

Kahit gulo gulo pa ang ayos ko ay nilabas ko ng di oras ang sinasabi ni nanay at dun nga tumambad sa akin si Albert, at sa kusina namin ay punong puno ng pagkain, maging sa labas ng bahay namin ay punong puno din, ng usisero at usisera.

"Magandang Umaga Cely.."Bati nya.

"Anong ginagawa mo dito? At saka ano yang mga yan?? Wala kaming ibabayad diyan!"Iritang sabi ko.

"Regalo ko sayo yan.."malaking ngiti ni Albert nun.

"Regalo?? Hindi ko birthday.."

"Ano ka bang bata ka! Ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita at sa anak ng mayora"saway ng nanay sa akin. "Ay naku sir, wag nyo po pansinin yang si Lina, mangyari po kasi eh kakagising lang kaya masungit."paliwang ni Nanay noon.

"Tiago! Tiago! Halika nga dito at may bisita tayo! Lubayan mo muna yang lintek na mga manok na yan! Madali ka!"sigaw ni Nanay kung nasan si Tatay, maya maya ay humahangos na pumanik ang tatay at tila ba iritable dahil sa pagbubunganga ni nanay.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now