Chapter 17

7.3K 212 1
                                    

Chapter 17

* * *

~

Nasa isang bar si Lexin, mag-isang umiinom at halos nakakadami na rin ito kaya naman lungayngay na ito sa kanya inuupuan at sya namang dating ni Corine kasama si Bea at Mildred.

"Is that Lexin?"Sabi ni Mildred, napalingon naman si Corine sa lugar na yon at doon ay nakita nga nya si Lexin, agad itong napangiti at nilapitan ang binata.

"Lexin!! Anong ginagawa mo dito?"Nakangiting tanong ni Corine at tsaka lumingon sa paligid para tignan kung may kasama ang binata.

Pero hindi nagsalita ang binata, tumayo ito at tinalikuran si Corine pero nabuwal ito.

"Lexin!!!!"Sigaw ni Corine.

Tinayo nya ang binata at saka inalalayan, maya maya ay nagsalita ito.

 "Ysa.." sambit nito.

Nagpanting naman ang tenga ni Corine, binitiwan nya si Lexin at saka umalis.

"Bakit iniwan mo si Lexin?"Tanong ni Bea.

"Pumunta syang mag-isa diyan, umuwi syang mag-isa."Asar na sabi ni Corine.

+

"Marj! Sige na, samahan mo na ako dun sa party? Sige na please.."Pilit ni Ysa kay Marj na kausap nito sa cellphone.

"Sabi ko naman sayo Ysa lumayo ka sa barkada ni Corine eh, problema yan!"sabi ni Marj.

"Kaya nga isasama kita eh, ikaw ang aking bodyguard.."Pilit pa rin ni Ysa.

"Ay naku Ysa, ewan ko sayo, bodyguard ka diyan, ganda kong to?!"Mataray na sagot ni Marj.

"Sige na sis, please.."Pagmamakaawa ni Ysa. Sandaling tumahimik si Marj.

"Sige na nga, sige na nga..ikaw talaga!"

"Yey.. Promise ko sandali lang tayo doon, as in.. Aiyeee..."Masayang tugon naman ni Ysa sa kaibigan nang ... Bigla nalang naputol ang linya at isang nakakatakot na boses ang bilang narinig nila Ysa.

"Y-Ysa ..." Biglang nabitiwan ni Ysa ang cellphone.

"Anak bakit?"takang tanong ng ina.

Nanginginig na pinulot ni Ysa ang cellphone. "Wala po Ma, nabitawan ko lang po.."Pagsisinungaling nya.

"Ganon ba.. O sya, tawagin mo na nga sila Papa mo at maghahapunan na tayo."Utos ng ina ni Ysa.

Agad naman itong tumalima. Kinikilabutan pa rin ito sa boses na narinig, pamilyar ang boses pero hindi nya maalala kung saan iyon narinig.

Masayang naghahapunan ang mag-anak ng biglang may dumagundong sa may pintuan, napasigaw silang lahat, ang ama naman ni Ysa ay agad kinuha ang batuta nito at pumunta sa pintuan.

"Sino yan? Kung sino ka man magpakilala ka kung hindi magkakatamaan tayo dito!"banta ni Javier.

Pero walang sumagot sa labas, dahan dahang binuksan ni Javier ang pinto at kasunod nya ang kanyang mga anak pagkabukas nito ay..

"AHHH!!!"Sigaw ng mga babae, pero bigla silang nakabawi ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan. Agad naman naglakad si Ysa sa harapan nang Ama.

"Lexin! Anong ginagawa mo dito!?"Sita ni Ysa ng makilala nya ito.

Pero wala syang narinig na sagot mula kay Lexin dahil wala na itong malay.

"Naku, Sweetheart alalayan mo yung bata sa loob, mukhang lasing na lasing."wika ng ina ni Ysa na si Lina. Sumunod nama kaagad si Javier, binuhat nito si Lexin papunta sa sala.

"Ano ba nangyari diyan? Nagbreak ba kayo Ysa?"tanong ng ate nyang si Flor.

"Sira ulo ka talaga ate! Ni hindi nga kami close nyan tas break? breakin ko pa face ng mayabang na yan eh."pagtataray ni Ysa.

"Ysa, kahit na mag-ano kayo, kaklase mo pa rin ito, kaya asikasuhin mo, siguro may mabigat na problema yan kaya nag-iinom."sabi ng Mama ni Ysa.

"Pero Ma.. "maktol naman ni Ysa.

"Tama na reklamo Ysa, tama ang mama mo, kaya asikasuhin mo yang si Lexin ah.."utos naman ng ama nito.

Wala namang nagawa si Ysa kung hindi sumunod, kumuha ito ng planggana at pamunas at saka bumalik kay Lexin. Tulog na tulog ang binata. Umupo ito sa tabi ni Lexin at saka sinimulan itong punasan. Habang pinupunasan ay pinagmasdang mabuti ng dalaga ang mukha ni Lexin.

"Hm, pasalamat ka gwapo ka, kung hindi kanina pa kita sinipa palabas, napakayabang mo pa, akala mo kung sino ka.."Salita ni Ysa dito at saka pinunasan ito sa pisngi.

Umungol naman bigla ang binata kaya naman biglang napahinto ang palad ni Ysa sa pisngi nito.

"Ysa...."Maikling sabi ni Lexin.

"Bakit?"sagot ni Ysa sa pagaakalang tinawag sya ng binata.

Pero hindi na nagsalita si Lexin, takang taka naman si Ysa na tinuloy na ang pagpupunas dito.

Pagkatapos punasan ay nagpatulong ito sa ina na bihisan si Lexin, pinahiram ito ng damit ng Papa nya pagkatapos ay nilabhan nito ang pinagbihisan. Madaling araw na ng makatulog si Ysa sa sala malapit kay Lexin.


* * * * *

Next : Chapter 18

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon