Chapter 31

5.7K 160 4
                                    

Chapter 31 

+


"Dad .. Can I ask you a very big favor?"Lambing ni Corine sa ama at sinamahan pa ng masahe sa likod.

"What can I do for my little brat?"Nakangiting wika nang ama at saka sumandal sa upuan. Napangisi naman si Corine.

"Diba sabi mo noon na you'll do anything for your princess?"Mas malambing pa na sabi ni Corine.

"Of course baby girl, what do you want?" Tanong ng ama.

"Dad .. About kasi dun sa sex scandal na kumakalat ngayon.."Umpisa ni Corine.

"Oh .. What about that? Gusto mo gawan natin ng paraan para wag na kumalat? Or do you want me to investigate if the video is fake?"Sabi ni Mr. Rivera.

"No Dad .. It's the opposite .. I want that video in the whole campus, same with the pictures, and hihilingin ko sana na wag ipatanggal at ipagbawal, and most of all, Dad .. Can you announce to the school na you have investigated the video and you found out that the video is not fake, at wag nyo sya hahayaan mag quit sa school, gusto ko maramdaman nya lahat ng kahihiyan kung maari lang." Madilim ang mukang wika ni Corine.

"WHAT!!? Why would I do that? It will bring shame to our school, and besides I thought that girl on the video is your friend!?"Mataas na boses na sabi ni Mr. Rivera.

"Gagawin mo yun kasi love mo ang only daughter mo, and all you want for me is my happiness and putting that girl in vein will make me very very happy, kaya Dad .. please, Sige ka, magtatampo ako sayo, and ayaw mo yun diba?"Paglalambing ni Corine sa ama ay niyakap pa ito.

Wala namang magawa si Mr. Rivera kung hindi huminga ng malalim at marahang tumango, mahal na mahal nya ang anak nya at ayaw nyang magdamdam ito sa kanya, at isa pa, hindi ito ang unang beses na humiling sya ng ganito, madaming beses na, ikick out ang kaklase dahil sa tinititigan sya ng masama, ipatanggal ang teacher dahil pinagtaasan sya ng boses at sa sobrang dami ay hindi na nya mabilang pa.

"Oh sya, oh sya.. Sige na.. " Wika ng ama nito. Para namang batang binigyan ng manika si Corine sa sobrang katuwaan, halik ito ng halik sa ama at niyakap pa ito ng mahigpit.

"Asus!! Wag ka ng manguto at pumayag na nga ako, magpahinga ka na at maaga pa pasok mo."Utos ng ama ni Corine.

Tumalima naman kaagad si Corine pero bago pa ito tuluyang lumabas sa kwarto ng ama ay lumingon ito.

"By the way Dad, that girl is not my friend, I don't like bitches."Sabi nito at saka tuluyan ng lumabas.

Maaga pa lang ay handa ng pumasok si Ysa sa school, Pinagilan siya nang kapatid na si Flor ngunit hindi na nakinig ang dalaga dahil sa paniniwala na maayos na ang lahat gaya ng sabi ni Corine.

Kahit kinakabahan ay dire diretso sya sa gate nang hindi yumuyuko, kitang kita nya ang tingin sa kanya ng guard, kung dati rati ay magiliw ito ngayon ay parang punong puno ng pagnanasa ang mga tingin nito.

Pumikit ang dalaga dahil inaasahan na niya ito, madaming matang nakatingin, madaming nagbubulungan, at yung iba ay garapal na talaga dahil sadyang nagpaparinig.

"Napakalandi talaga ng babae na yan, pavirgin effect pa, baboy naman pala!"Dinig na dinig ni Ysa habang naglalakad papasok sa room..

Sa pagpasok sa room ay parang nakakita ng multo ang mga kaklase, at saka ito mga nagbulungan. Hindi pinansin ni Ysa ang mga iyon, Sa isip isip niya ay maya maya ay lalabas narin ang totoo.

Campus Queen : Undying Love ( Book 1 )Where stories live. Discover now