The other way around (1)

40K 546 80
                                    

CUT!!

Narinig nilang sigaw ni Direk Dom kaya mabilis na lumapit ang staffs kung san sila nakatayo at nag-ayos na para sa next scene.

Sinulyapan ni Glaiza si Rhian na kasalukuyang nakapikit at minamasahe ang ulo na parang stress na stress. Hindi niya ito pinansin nung una pero nabigla nalang siya nang tumayo si Rhian at nagpaalam na magccr lang daw.

Parang may iba. Naisip ni Glaiza. Hindi na siya nagpaalam kay Direk Dom at sinundan nalang si Rhian.

Pumasok siya sa Cr pero walang Rhian. Nagtaka naman bigla siya. Pero hindi rin yun nagtagal dahil may kutob siya kung san ito pwedeng pumunta.

Tiningnan niya ang babaeng nakatingin sa malayo. Alas-7 na ng gabi kaya ang tanging nakikita mula sa rooftop kung san sila naroon ngayon e mga ilaw na nanggagaling sa malayo. Mga puti at dilaw na ilaw. Malamig na simoy ng hangin din ang naramdaman niya bago niya nilapitan si Rhian.

Natawa pa siya sa kanyang naisip habang papalapit kay Rhian. "Parang dito lang namin ginagawa yung ibang scene ah. Hehe"

Nabigla si Rhian nang maramdamang nasa tabi na pala niya si Glaiza at nakatingin sa kanya.

"Anong nangyare?" tanong ni Glaiza.

Well, hindi na siguro tatalab kung magsisinungaling pa siya dahil mismong mga mata niya sinasabing di siya okay.

"Umiiyak ka Rhian. Anong nangyare?"

Sasagot na sana siya pero nauna yung nginig at mga luha niyang sunud sunod na bumagsak mula sa mga mata niya.

"Wala na Glaiza.... Wala na.." Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng labi niya. Hindi niya to kaya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit ganito?

Lumapit si Glaiza sa kanya.. Naramdaman ni Glaiza na masyadong nanginginig si Rhian sa iyak kaya di na siya nagdalwang isip na yakapin ito. "Shhhhhh... Rhian.. Hindi ko maintindihan. Anong nawala?" Hinahagod niya ang likod nito, nagbabakasakaling makatulong para umayos yung pakiramdam ni Rhian.

Hindi alam ni Rhian kung bakit medyo naiilang na siya kapag niyayakap siya ni Glaiza. Kahit sa mga scenes nila na yakap lang naiilang na siya. Paano pa kaya ngayon na totoo na. Walang Camera. Walang direktor na nagsasabeng magyayakapan sila. Totoo na to. Naiilang siya pero alam niyang ito ang kailangan niya ngayon.

"W-wala na... Wala na kami... Break na kami Glaiza..." And there, nagbreak down nanaman siya. Nawala na sa isip niya na nakakahiya kay Glaiza dahil grabe siya umiyak.

Napalunok si Glaiza pagkatapos marinig yun. May alam naman siya na medyo nagaaway na nga ang dalawa pero hindi niya pa rin ineexpect na hahantong sa ganito. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Inayos nalang niya ang posisyon nila at tsaka niyakap ulit ito nang mahigpit.

"Sorry... Sorry Rhian... Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Sorry.." Hinahagod pa din niya ang likod nito. "I'm so sorry..."

"Bakit ka nagsosorry.. Wala ka namang ginagawa... Ako. Ako yung may kasalanan..." Gustung gusto ni Rhian na sabihin yun pero masyado pa siyang pagod sa kakaiyak. Instead na sabihin yun, niyakap nalang niya ulit si Glaiza. Kasinghigpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

Mahigit 15 minutes silang nakaganun. Nakayakap sa isat isa. Walang nagsasalita pero alam nila sa sarili nila kung anong nararamdaman nila. Tahimik ang buong rooftop. Well, tanging singhot nalang ni Rhian ang maririnig galing sa pagkakaiyak. Nakayakap pa rin siya kay Glaiza. Ganun din ito sa kanya. Hindi nga nila maintindihan kung bakit di sila nangalay man lang sa ganung posisyon. Ewan nila kung bakit pero parang walang gustong bumitaw.

After a looooooooooong silence, nagsalita rin si Rhian out of the blue.

"He said, di ko na daw siya mahal. Nanlalamig na daw ako. I don't know... Hindi niya maintindihan na busy ako. Busy kami pareho so nawawalan talaga kami ng time sa isat isa. Siya nga pag busy di ako nagrereklamo e. Tapos ako, sasabihan niya na ayaw na niya kasi di ko na siya mahal? Ang labo din no? Sometimes, di ko din siya magets e. Pero alam mo, ang sakit. I don't know kung bakit ganito yung feeling ko. Wala pa naman kaming one year pero may kurot pa rin sa puso ko e. Simula nung makipagbreak siya sakin yesterday lagi kong sinasabe sa sarili ko, okay lang yan Rhian. Hindi kana bago sa ganyan. Pero ewan, siguro kaya lang ako nasasaktan kasi di maganda yung naging break up namin and para niya kong inakusahan sa isang bagay na maski ako, sa sarili ko, hindi ko alam kung totoo ba."

Nagiisip palang ng isasagot si Glaiza pero nabigla siya nang biglang bumitaw sa pagkakayakap si Rhian and tumingin sakanya.

"Ikaw Glaiza, sa tingin mo ba nanlalamig na ko sa kanya?"

Glaiza exhaled, "Well, Ewan ko. I don't know. Sa tingin ko ikaw lang makakasagot niyan kasi--"

"Sayo ba? Cold ba ko makitungo sayo?" hindi pa tapos si Glaiza magsalita but Rhian asked that.

Nabigla si Glaiza, "Uhm.. Rhian wag mong i-compare yung relationship natin sa relationship niyo. I mean.. Look, magkaibigan tayo. Syempre iba yung pakikitungo mo sakin diba? But.. Well...." Naglook away siya, "Sakin... Sweet ka."

Tumingin ulit siya kay Rhian at sinubukang dagdagan ang sinabi niya, "What I mean is, Yun yung naffeel ko. Well siguro dahil lagi naman tayong magkasama and sweet ka naman talaga sa lahat pati--"

"Bakit ako ganito?"

Natahimik si Glaiza and nakinig nalang ng susunod na sasabihin ni Rhian.

"Bakit ako ganito? Sayo. Sa boyfriend ko. Glaiza baliw naba ko kung sasabihin kong Yung number mo yung naiisip kong tawagan in case na nasa isang emergency ako? Yung pangalan mo yung unang papasok sa utak ko everytime na kailangan ko ng kausap. And I don't know why kung bakit parang nawawala sa isip ko na may boyfriend ako na pwede kong tawagan, kausapin... Ewan koooo.. Can you please tell me kung anong nangyayare sakin?" Tiningnan ni Rhian si Glaiza as if kailangang kailangan talaga nito ng sagot ASAP.

Hindi naman makasagot si Glaiza dahil hindi niya pa alam kung paano maggrereact at kung ano ang irereact. Huminga siya ng malalim at pinilit maging cool. Yung kunware wala lang sa kanya yung mga sinabi ni Rhian.

"Uhmm.. Rhian.. Baka kaya ganun kasi lagi nga tayong magkasama sa taping.. Baka kaya ganun kasi, loveteam tayo. Close tayo. Alam mo yun? Baka... Baka.. Dahil lang sa lagi mokong nakikita di katulad ng boyfriend mo. Baka ganun lang." Pinipilit niyang pakalmahin ang di maintindihang puso niyang nagwawala na ata ngayon. Kinakabahan ba siya? Sana nga ganun lang. Sana nga kinakabahan lang siya.

"No. No Glaiza.. I think... I'm--"

"Ma'am Rhian! Ma'am Glaiza!"

Napalingon silang dalawa sa isang taong tumawag sa kanila. "Magiistart na daw po ulit! Kanina pa po kayo inaantay sa baba."

Napatingin si Glaiza kay Rhian. Napabuntong hininga siya. "Lagot. Patay tayo neto kay Direk." Medyo napangiti siya nang tingnan siya ni Rhian and nagtanong,

"Maga pa ba yung mata ko? Madungis na ba ko tingnan?"

Napangiti si Glaiza tsaka lumapit kay Rhian at inayos ang buhok na medyo humaharang sa mukha nito tsaka nilagay sa likod ng tenga nito. "Mag-Smile ka."

Nag-smile naman si Rhian.

"Ayan. Okay na okay na ulit."

Parehas silang ngumiti at sabay na bumaba para ituloy ang shooting.

//

AN: WAAAHHH!! SORRY NA TALAGA GUYS :( FIRST TIME KO TO HUHU SANA NAGUSTUHAN NIYO. HIHI ✌

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now