Unbreakable (5)

8K 204 44
                                    

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Inend niya ulit yung call tapos dinial ulit yung number..

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Katulad ng ginawa niya kanina, inend niya ulit tapos dinial nanaman yung number..

The number you have dialled is either unattended--

This time. Sumuko na siya. Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita yung operator na sinasabi lang naman na wala talagang sasagot sa kanina niya pa gustong tawagan.

Hindi na niya mabilang kung nakailang try na siyang tawagan yung phone number ni Rhian.

Kanina pa niya pinapaulit ulit. Naghintay na siya tapos dinial ulit pero yung operator lang din na yun yung sumasagot.

Gabi na. Nagiisa siya sa condo niya. Inabot na siya ng gabi sa kakadial ng number ni Rhian pero nagtataka siya dahil hindi nga ito macontact. Parang iba kasi e. Kaya pala hindi na nagreply si Rhian sa mga texts niya kanina.

Nag-aalala siya. Nagiisip siya. Bakit ganun? Kanina lang okay sila ah? Inabot nanaman ng gabi yung pagiisip niya. Kanina niya pa tinatanong yung sarili niya kung anong nangyayare..

Kanina niya pa gustong puntahan si Rhian sa bahay nito pero naisip niyang hindi nga pala maganda yung pakikitungo sa kanya ng Ate nito. At sigurado siya na pag pumunta siya sa bahay ni Rhian, malamang nandun din yung Ate nito dahil sa iisa namang bahay nakatira ang mga ito.

Napabuntong hininga siya.

Ano bang ginawa niya at parang galit yung ate ni Rhian sa kanya? Syempre naman magagalit yun dahil may dahilan. Pero hindi niya maintindihan kung ano.

Dinial nanaman niya ang number ni Rhian.. Pero walang bago. Operator pa rin ang sumasagot...

//

Nakatulugan na ni Glaiza ang pagiisip ng mga bagay bagay na gumugulo sa kanya.

Kakamulat palang ng mga mata niya, si Rhian agad ang pumasok sa isip niya.

Kinuha niya agad ang phone niya at iddial sana ulit yung number ni Rhian pero nagulat siya kasi sobrang daming missed calls. At texts.

Napabangon tuloy siya bigla para icheck kung kanino galing ang mga yun.

From: BesprenChynna

" HOY GLAIZA ANO YUNG NASA NEWS?! "

From: BesprenChynna

" GLAIZA ANONG NANGYARI KAY RHIAN? Bakit?! Anong problema niyong dalawa?! "

From: BesprenChynna

" Bakit niya yun ginawa Glaiza?! Sagutin mo tawag ko. Nagaalala ako sa inyong dalawa. Cannot be reach na yung number ni Rhian. Sagutin mo tawag ko. "

From: BesprenChynna

" Glaiza kung pwede lang ako pumunta diyan ng ganitong oras ginawa ko na. Ano bang nangyayare?! Pakisagot naman ng tawag. "

From: BesprenChynna

" Glaiza ano ba! Nagwworry na ko. Itext mo naman ako. "

Nabasa niya pa ang ibang messages ni Chynna. Pati messages ng iba pa nilang co-stars sa TRMD. Lahat sila, siya ang tinatanong kung anong nangyare at kung bakit ginawa yun ni Rhian.

Napamasahe siya sa ulo niya dahil nawiwindang siya.

UGHHHH!! ANO BANG MERON?! MASKI AKO HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI!!

Tinawagan niya agad si Chynna.

Wala pang 2 rings e sinagot na nito agad.

"JUSKO GLAIZA DE CASTRO ANO BA!! KAGABI KO PA HINIHINTAY TONG TAWAG MO!! ANO BANG NANGYAYARE HA?! ANONG NANGYAYARI SA INYO? BAKIT GINAWA YUN NI RHIAN?!" Mataas ang boses ni Chynna nung sinagot nito yung tawag niya.

"Sobrang clueless ako kung anong nangyayari!! Ano ba yun? Bakit kayong lahat tinatanong niyo kung bakit ginawa ni Rhian yun? Eh bakit? Ano bang ginawa ni Rhian?!!"

Napahinto naman si Chynna sandali sa kabilang linya.

"Hindi mo alam?" Mahinahon ito.

"Please. Sabihin mo naman sakin Chynna kung anong nangyayari kasi nagpapanic na rin ako." Gusto na agad niyang maiyak kahit hindi niya pa alam yung tunay na reason..

"Glaiza sa tingin ko sasabihin ko nalang sayo sa personal--"

"NO!!! NGAYON NA!! Please Chynna. I'm begging you. Anong nangyari kay Rhian?!"

.

.

"Nag-quit siya sa showbiz."

.

Nung narinig niya yun parang nabingi ata siya.

"Chynna hindi ito oras ng biruan. Wag mokong bibiruin ngayon kasi wala ako sa mood. Please sabihin mo sakin yung toto--"

"Read the link na ipapasa ko sayo. Itetext ko nalang sayo yung link para ikaw mismo makabasa. Siguro pag open mo ng social media ayun din yung bubungad sayo. Sige na. Tetext ko sayo yung link ng news. And pupunta ko diyan. Pagbuksan mo ko ng pinto. I know, Kailangan mo ko ngayon." Chynna ended the call.

Nawala sa loob na naibaba niya yung phone. Nagvibrate ang phone niya at nakita niya nga ang text ni Chynna. Tinext nga nito ang link.

Nagdalawang isip siya kung bubuksan niya ba yun o hindi... Pero dahil gusto niyang malaman kung totoo, binuksan niya ito.

//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!

SORRY HUHU :(

COMMENT COMMENT :D

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now