The other way around (2)

16.7K 438 53
                                    

Pagkatapos ng "true to life" na eksenang yun sa rooftop e naging mas open ang dalawa sa isat isa. Maski sila hindi nila maintindihan kung bakit pati mga weird na bagay e nasheshare na nila sa isat isa. Mas naging close sila. Naging komportable sa isat isa at syempre sa taping, imposibleng walang makakapansin nun. Sobrang nagtataka na nga ang mga kasama nila dahil alam naman nilang galing sa break up si Rhian pero pag kasama nito si Glaiza, parang wala lang nangyare.

Lumapit si Chynna sa dalawa na kasalukuyang nagtatawanan habang nagppraktis ng kani-kanilang script.

"Eh anong ginawa mo nun? Hahahahahaha"

"Wala. Di nalang ako nagpahalata. Hahaha"

"Excuse me. Excuse me lang guys. Mawalang galang na." Umupo si Chnnna sa pagitan ng dalawa kaya naman nabigla ang mga ito at natigil sa pagtawa.

"Ano ba Chyns. Nag-uusap kami." Sabi ni Rhian kay Chynna.

"Oo nga. Diba scene niyo na ni Kat? Dun ka na.." Natatawang sabi naman ni Glaiza.

"Pwede ba guys? Maging totoo nalang tayo dito. Ano ba to? Bat ba kayo ganyan ha? Halos araw araw gabi gabi na kayong magkasama pero parang di pa rin kayo nauubusan ng kwento. Ano ba talaga ha? Hindi ba ko nainform na true to life na ang Jathea?"

Nabigla naman ang dalawa sa sinabing yun ni Chynna at nagkatingin saglit tapos naglook away na na parang walang narinig.

Napansin naman yun ni Chynna.

"So ano to? Ganyanan nalang? Walang magsasalita?" Wala pa ring pumapansin kay Chynna dahil nasa script na nga ang mga mata ng dalawa na parang walang taong kumakausap sa kanila ngayon. "Ah ganyanan talaga? Sige lang. Wag niyo kong pansinin dito." Nagcrossed arm ito na parang naiinis na.

Di rin naman natiis ng dalawa si Chynna kaya nilingon na nila ito.

"Ano kaba. Syempre ineenjoy lang namin ni Rhian yung pagiging loveteam namin. Sabi kaya ni Direk kailangan daw yun. Yung... kailangan maging close kami para daw pag scene na wala ng ilangan. Ganun. Ikaw napaka ano din ng utak mo e!" Natawa naman si Rhian nang marinig yun mula kay Glaiza.

"Oo nga! Tsaka ano kaba! Ang impossible kaya. Loveteam lang yung Jathea or Rastro no. Pareho kaming girl baliw! Wala tayo sa scene. Hahaha. Besides, closefriends slash bestfriends lang kami nito ni Glai." Sabi naman ni Rhian pagkatapos ay tumawa.

Napatingin naman si Glaiza sa kanya at para itong nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya alam pero parang bigla siyang nawala sa mood sa sinabing yun ni Rhian.

Magsasalita pa sana si Rhian pero may lumapit ng staff sa kaniya, "Ma'am Rhian. Excuse me po. Tanchingco Scenes na daw po sabi ni Direk."

"Oh okay okay. Sige guys. Mamaya nalang ulit. Bye muna." Then umalis na siya.

She left the two hanging especially Glaiza na secretly, ay parang nawala nga sa mood.

"Sooo, Closefriends slash bestfriends lang kayo? Muntik na kong mapaisip na baka ganun nga lang pero... Sorry kasi di talaga ako naniniwala." Basag ni Chynna sa katahimikan after umalis ni Rhian.

Nag-exhale si Glaiza and looked at Chynna, "Closefriends slash Bestfriends nga LANG daw kami diba? Tumigil kana nga diyan Chynna. Magkabisa ka nalang ng script mo." Umirap naman si Glaiza tsaka tinuon na ulit ang atensyon sa script na binabasa niya.

"Wag mo kong anohin diyan Glaiza De Castro. Artista ka, oo. Pero bespren din kita. Hindi ako si Batchi ngayon ng The Rich Man's Daughter. Ako to, si Chynna Ortaleza na kausap mo. Tapatin mo na ko dahil kilala moko. Hindi kita titigilan."

Napatingin ulit si Glaiza sa kanya at napa-exhaled nanaman. "Ano bang ipagtatapat ko e wala naman? Girl to Girl? Ano to The Rich Man's Daughter? Hindi to The Rich Man's Daughter Chynna. Totoong buhay to. Hindi kami pwede ni Rhian. Nasa showbiz kami at alam kong alam mo kahahantungan pag naging totoo to. Hindi kami pwede."

Nanahimik ng 3 seconds si Chynna bago ulit nagsalita. "Oh sige. Ipaliwanag mo nga sakin isa isa kung anong meaning nung Movie Marathon ng 11 pm hanggang 3 am pag walang shooting? Yung halos araw araw pag tapos na yung shooting sa Condo mo siya sumasama at doon nagsstay. Sabay kayong pupunta sa set na tawa ng tawa na parang kayo lang dalawa yung tao sa mundo. Yung tatawag ka sakin para sabihing patahimikin si Rhian dahil kanta siya ng kanta sa condo mo. Yung walang kamatayang kwentuhan, tawanan... Ano yun Glaiza? Ha? Wala kang boyfriend. Wala din siyang boyfriend. Nakakapagtaka nga minsan na kapag kami kami lang naguusap nun kahit napakalayo ng topic di mawawala na mabanggit niya yung pangalan mo. AT!! Ganun ka din. Kahit sobrang layo na ng topic naipapasok mo pa din pangalan niya. Tapos parang wala pang nangyaring break up dito kay Rhian dahil ang saya saya. Ano to Glaiza? Sabihin mo nga sakin."

Nakailang buntong hininga naman si Glaiza sa mga narinig niya kay Chynna. Hindi nakakapagtaka na alam nito dahil saksi nga ito sa kanila ni Rhian. Napahawak siya sa noo niya at minasahe ito saglit tsaka nagsalita, "Hindi nga kami pwede." Tumingin siya kay Chynna. "Babae siya. Babae din ako. Hindi kami pwede okay? Hindi."

"Pwede kayo. Pwede kayo alam mo yun? Pwede kayo pero komplikado. Yun yun e."

Buntong hininga naman ang isinagot ni Glaiza kaya nagtanong nanaman si Chynna. "Ikaw ba? Anong nararamdaman mo? Sa kanya? Sa inyo? Anong feel mo? Maging honest ka naman sakin Glaiza."

Tiningnan ni Glaiza si Chynna at nang maramdaman niyang seryoso itong nagtatanong sa kanya, naisip niya na kailangan na rin siguro niyang sabihin kung anong tunay na gumugulo sa kanya.

"Crush ko lang ba si Rhian? Girl crush ko lang ba siya kung sasabihin kong everytime na lumalapit lang siya kinukutuban na ko. Kahit maliliit na haplos, may malisya na agad para sakin. Yung ang saya saya ko kahit di siya nagsasalita basta lang nakikita ko siya. Yung wala namn siyang ginagawa pero feeling ko buo na araw ko pag nandiyan lang siya. Feeling ko blurd yung paligid pag nagssmile siya sakin. Yung pag magkausap kami gusto ko hindi na matapos. Ano to Chynna? Gay na ba ko? O baka girl crush ko lang si Rhian? Naguguluhan na rin ako sa sarili ko e." 

Gustong matawa ni Chynna sa reaksyon ng kaibigan pero naisip niya na seryosong usapan nga pala to. Obvious na confused na nga si Glaiza.

"Alam mo bestfriend, sa tingin ko lang... Inlove ka na. Inlove kana kay Rhian Glaiza! Pero alam mo, wag mong pigilan yan. Feel ko din may ibang feeling to si Rhian e. Baka natatakot lang siyang sabihin dahil hindi niya alam na yan ang nararamdaman mo para sa kanya. Baka masyado siyang natatakot."

Napa-face palm naman si Glaiza. "Sa kanya na nga nanggaling. Closefriends slash bestfriends lang kami. Tsaka impossible."

Tumayo naman si Chynna at tinap si Glaiza. "Sa buhay walang impossible. Tsaka uulitin ko, baka masyado lang natatakot si Rhian kaya di niya maadmit na baka gusto kana din niya. Basta lang wag mo yang pigilan. Tutulungan kita para mapaamin siya." Chynna smiled at Glaiza.

"Natatakot na din ako sa pwedeng mangyare. Kinakabahan ako e.

"Hindi yan takot. Excitement yan."

///

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: WAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!! HAHAHAHAHA SORRY NA ULIT!! NALIMUTAN KO PALANG SABIHIN. PAKISHARE PO ITO SA IBANG REBELS PARA MABASA DIN NILA PLEASE HIHI THANKYOU!! Pakiss lol hihi ✌

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now