Like I Can (4)

6.2K 163 25
                                    

Medyo masakit pa ang ulo ni Rhian nang dumating siya sa set. Sobrang dami niyang nainom kagabi sa bar to the point na kailangan na siyang ihatid ni Chynna sa condo niya. Di na niya kayang magdrive.. Akala niya babalik si Glaiza kaya uminom siya habang naghihintay pero hindi na ito bumalik sa bar. Tinext niya ito kanina kung bat hindi na bumalik sa bar last night pero nagreply ito ng 'Sorry'. Nagreply siya ng 'It's okay. Kitakits sa set!' Pero hindi na ito nagreply.

She exhaled. Nagstart na siyang maglakad papunta sa tent kung saan siya aayusan para sa scenes.


Pagpasok niya, nandun na si Glaiza at Chynna. Nagkkwentuhan ang dalawang ito. Napa-smile siya nang makita si Glaiza.


Dahan dahan pa siyang lumapit at biglang sinundot ang ilong ni Glaiza. "Hello lubb." Rhian laughed.


Napatingin naman si Glaiza sa kanya. Wala itong sinasabi. Nakatingin lang talaga sa kanya..


Napatingin din si Chynna sa kanya. "Hala Rhian. Ang clingy nanaman!" Medyo tinulak pa siya ni Chynna.

Tiningnan niya si Chynna ng masama. "Ano ba. Namiss ko lang si Glaiza." Tiningnan naman niya ulit si Glaiza. "Uy lovelove, bakit nga pala hindi kana bumalik kagabi? Naghintay kaya ako.."

Napalunok si Glaiza. Nakatingin lang siya sa mga mata ni Rhian...


"Love, hug mo nalang ako para bati na tayo." Inopen ni Rhian ang mga braso niya na parang nag-aabang ng yakap.

She's smiling. Hinihintay niyang yakapin siya ni Glaiza.



Naglook away si Glaiza. "Magbabasa lang ako ng script sa kabilang tent." Glaiza said at bigla nalang umalis.



Nabigla si Rhian... Actually, pati si Chynna.



"Anyare dun?" Tanong ni Chynna.


Unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Rhian kasabay ng pagbaba ng nakabuka niyang braso waiting for Glaiza's hug sana... Para tuloy siyang napahiya.


"I was expecting she'll laugh and she will hug me... But... What's wrong with her?" Napalunok si Rhian. Masyado nga siyang nabigla.


Chynna sighed. "Malay ko. Tumatawa tawa naman siya kanina..."

"Then bakit siya naging ganun? Galit ba siya sakin?" Rhian asked na obviously ay biglang nag-worry.

"Baka meron siya ngayon kaya moody. Hayaan mo na muna. Parang sira din yun minsan e." Nilapitan ni Chynna si Rhian. "Wag kana malungkot oy. Napaghahalataang apekted." Pang-aasar pa nito.


Nagbuntong hininga si Rhian. "Baka nga moody lang siya today. Kausapin ko nalang ulit siya later."


Nag-nod si Chynna. "Di ka talaga makatiis no? Tanong na matino Rhian. May gusto ka ba kay Glaiza?"


Nabigla naman si Rhian so napatingin siya kay Chynna bigla. "What?!"

"Sagutin ng ayos.. Bakit napakasweet mo kay Glaiza?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now