Time Machine (7)

3.7K 190 39
                                    

7:46 PM






Napangiti si Glaiza habang pinagmamasdan ang napaidlip na atang si Rhian. Sa karton ito nakahiga at nakatulog nga.

Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. "Love? Rhi? Gising na. Wala ng ulan. Kailangan na nating umuwi."

"Hmmmm?"

"Gising na. Uuwi na tayo." Glaiza said.

"Ayoko pa."

Glaiza exhaled. "Hindi pwede Love. Kailangang iuwi na kita."

Inaalala niya kasi yung sinabi ni Mommy C na before mag-10 kailangang maiuwi na si Rhian. Tsaka iniisip niya din kasi, possible na may mangyaring di maganda mamayang 10:10. Di niya alam. Yun yung oras na natatandaan niya sa panaginip niya nang mangyari ang lahat.....

Minulat ni Rhian yung mga mata niya at tiningnan si Glaiza. Sinundot niya pa nga yung ilong nito na parang nangungulit. "Pagod pa ko tapos uuwi na agad tayo?" Medyo pabulong yun dahil parang inaantok pa siya.

Hindi mapigilan ni Glaiza ang matawa dahil sa sinabi ni Rhian. "Ikaw ba talaga yung napagod? Eh nakahiga ka nga lang--"

Hindi na natapos ni Glaiza ang sinasabi niya dahil biglang inangat ni Rhian yung ulo niya at hinalikan siya. "Nakakapagod kaya humiga." Natawa pa si Rhian bago tuluyan ng bumangon at inayos na yung sarili.

Napailing nalang din si Glaiza habang natatawa dahil ang pilya talaga ni Rhian.


.

.

.

.

.

Umalis na sila dun sa bahay dahil wala na ngang ulan. Medyo umaambon ambon nalang.

"Gusto kong mag-thank you sa may ari nung bahay." Natawa si Rhian nung sinabi yun.

Natawa din si Glaiza bago pumasok na sila sa loob ng kotse. Alam niya ang ibig sabihin ni Rhian.

"Ang harot." Kinurot niya pa ito sa ilong ng beri light bago instart yung kotse.

Nagbigay lang ng tawa si Rhian.

"Kain muna tayo before tayo umalis." Glaiza said.

Rhian nodded. "Alright. Ayoko pa din naman sanang umalis."

"Ayoko pa nga rin sana. Pero kailangan...."

"Bakit?"

Tiningnan ni Glaiza saglit si Rhian. "Basta."

Napabuntong hininga si Rhian habang nakatingin sa nagdadrive na si Glaiza. Naalala nanaman niya yung kanina......

Napangiti siya. "Lovelove, kiss mo nga ako."

Napakunot ang noo ni Glaiza at tiningnan siya saglit. "Ha? Hay nako Rhian Ramos nagdadrive ako. Wag mo kong harutin plezz." Medyo natawa pa si Glaiza.

Si Rhian yung lumapit para kissan si Glaiza sa pisngi at bumulong. "I love you."

Napalunok si Glaiza sa ginawa ni Rhian.

Yung 3 words na yun from Rhian, hinding hindi siya magsasawang marinig yun kahit paulit ulit.... Hinding hindi siya magsasawa.

Nilingon niya ito saglit. "I love you. I love you too."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now