Air (6)

4.7K 160 43
                                    

Ringgg... Ringgg...


Kanina pa pabalik balik si Rhian sa paglalakad habang hawak hawak ang phone niya.

Ringgg... Ringgg...


Please naman G, sagutin mo naman...


Ringgg... Ringgg...


Ringgg... Ringgg--

"Shit."

Binaba na ni Rhian ang phone. Naupo siya sa kama niya at napa-face palm. Naiinis na siya... Naaawa siya sa sarili niya. Kanina pa niya pinipilit tawagan si Glaiza pero kanina pa rin puro 'Rings' lang ang naririnig niya. Suko na siya. Ayaw na niyang mag-try na kausapin ito kasi ang obvious naman na ayaw nitong makausap siya.


No. I need to talk to her.... Gusto ko lang malaman kung nasan siya. Gusto ko lang malaman para mapuntahan ko siya at makausap. Gusto ko siyang kausapin ngayon... Gusto ko siyang ipaglaban. Pero parang ayaw niya.... Siya yung umaayaw lalo na bumalik ako sa mundo niya.

Bigla niyang naramdaman ang luhang bumagsak mula sa mga mata niya...

Nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan ng ganito...


Kinuha niya ulit yung phone niya. Kailangan niya ng kausap.


Nag-scroll siya sa contacts at nakita ang pangalan ni Jason.


Matagal niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa phone niya na parang nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ito o hindi...

Umiling siya. Mahiya ka naman Rhirhi. Sa kanya ka pa ba hihingi ng tulong e hiniwalayan mo nga siya dahil kay Glaiza. Tama na. Not him.


Tiningnan niya yung recent calls niya at nakita niya ang pangalan ni Bianca.

Pipindutin na sana niya yung 'Call' pero di niya ginawa nang bigla siyang may maisip. Baka busy yang bestfriend mo ngayon. Sawa na rin yan kakaintindi ng kadramahan mo. Wag mo munang bulabugin ang buhay niya...


Naibaba nanaman niya ang phone niya at nagstart nanamang maiyak.

Kawawa ka Rhian. Nakakaawa ka.


Habang umiiyak, bigla siyang may naisip na tao na alam niyang matutulungan siya...

Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto niya.


Humakbang siya sa hagdan pababa ng living room ng bahay...

·


·

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now