Tadhana (2)

6.3K 160 52
                                    

"Nasan ka?"


She sighed nang marinig ang boses nung caller.. "Bahay."

"I went to Chynna, sabi mo kasama mo siya. She's with me right now. Pupunta kami diyan. Gusto ka din niyang makausap."

"Wag na..."

"No. We're on our way." The caller ended the call.


Again, she sighed. Tiningnan niya ang wall clock sa loob ng bahay niya ngayon.


1:34 PM.

Tanghali na pero nakahilata pa rin siya sa kama. Wala siyang gana sa lahat.. Ano pa bang bago? Lagi naman na siyang ganito simula nung mangyari yun.. Ilang araw na ba siyang ganito? Ay hindi na ata araw.. Linggo na ba? Buwan? Taon? Di na niya alam...


Nagbuntong hininga nanaman siya.


"Haaaaaaaay nakoooooo." Umiling siya. "Glaiza Galura.. Walang mangyayare sayo kung paganyan gayan ka lang..." Napapikit siya.

Hindi niya alam pero naiiyak nanaman siya. Naiiyak siya pero wala ng luha ang gustong bumagsak sa mga mata niya.


"Bakit ka ba ganito? Ano bang nangyayare sayo? Nababaliw kana ba? Ganito ba yung pakiramdam ng mga nababaliw?" Kinakausap niya ang sarili niya.. Hindi niya alam. Bakit nga ba siya ganito ngayon?


Sa kakaisip ng kung anu ano, di na rin niya namalayang nakatulog nanaman siya..


//




Kalampag ng pintuan ang gumising sa kanya.

Minulat niya ang mga mata niya at nakita niya ang dalawang taong pumasok sa kwarto niya.


"Bat nandito kayo?!" She asked them. Tiningnan niya ang isang taong nakasandal sa pintuan at naka-crossed arm na parang naiinis dahil nakakunot din ang noo nito. "Ikaw Chynna, bakit nandito kapa? Pagagalitan mo nanaman ako." Umupo siya habang nakatingin kay Chynna.

"Glaiza... Ano bang nangyayari sayo?" Tanong naman ng isang taong nakatayo malapit sa dulo ng kama. Nakatingin ito sa kanya at halatang nag-aalala.


Glaiza sighed. "Maski ako nga hindi ko alam kung anong sagot sa tanong na yan e. Tapos itatanong mo sakin."

"Benjamin wala yang isasagot ng ayos sa tanong na yan." Tinapik ni Chynna si Benjamin. Lumapit siya kay Glaiza at umupo ito sa kama at tiningnan si Glaiza. "Hoy. Hindi kaba naaawa sa sarili mo? It's been 3 years.. Almost 4 years na nga eh.. Tapos di ka pa rin nakakamove on?"

Napailing si Glaiza. "Kahit 10 years pa ang makalipas, kung fresh pa din yung memories, feel ko pa din yung sakit eh.."

"At the first place, wala namang 'kayo' or hindi naman 'naging kayo'. So anong ineemote mo diyan?" Prangkang sabi ni Chynna. Wala siyang pakeelam kung ma-offend si Glaiza. Alam niyang hindi ito matatauhan kung di niya ito pagsasabihan.

"Yun na nga e. WALANG KAMI. Kasi nga ikakasal na pala siya.. Diba mas masakit? Kasi pinaasa niya ko. Pinaniwala niya ko na tatanggapin niya ko.. Pero anong nangyare? Iniwan lang niya ko.. Nang-iwan na wala man lang sinabing kahit ano...." Napalunok si Glaiza. Ewan niya, gusto niyang umiyak. Pero alam niya sa sarili niyang pagod na siya..

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon