Take A Break (4)

5.9K 177 58
                                    

Hay nako.

Nililigawan na ba ni Benjamin si Glaiza? Bakit hindi ko alam? I have no idea rin na close pala sila. Kelan pa? Tapos paano nangyare? Bakit? Ughhh...

"Uy Rhian.. Kanina mo pa tinutusok yung tinidor diyan sa pagkain mo.. Okay ka lang ba? Kanina kapa hindi nagsasalita."

Napatingin naman ako kay Glaiza na nasa harap ko ngayon. Nasa isang Restaurant kami ngayon. Tulad ng sabi niya, nanlibre nga siya ng Merienda. Pero wala ako sa mood kumain ng libre ngayon.

"Uy Rhian?"

Mukha siyang nag-aalala. I sighed.

"Okay lang ako."

"You're not. Ano bang nangyare?"

Napalunok ako.. Dapat ko bang itanong?

Rhian wag. Wala ka namang pakeelam kung nililigawan na nga siya ni Benjamin diba? Wag mong itanong.

"N-Nililigawan ka pala ni Benjamin?"

Wow Rhian. Tinanong mo pa din.

Medyo nagbigay ako ng fake na tawa nung tinanong ko yun.

Halata namang nabigla si Glaiza.

"Si Benj? Uhmm paano mo... I mean.."

"Nakwento niya kasi kanina. Uhm wala lang.. Medyo chismosa lang. You know.." I smiled. Another fake smile dahil ewan kung bakit naiinis ako ngayon. "But if it's private.. It's okay. I understand Glaiza.."

"No. Kasi.. Uhmm, well.. He confessed.. may gusto daw siya sakin. Pero, uhm, wala naman siyang sinabing nililigawan niya ko."

"He said, feeling niya may pag-asa daw siya.. So I bet kung di ka pa niya nililigawan ngayon, obviously, may balak siyang ligawan ka."

Kumuha ako ng food tapos nilagay sa plato ko pero hindi ko naman kakainin.

"Rhian..."

"Bakit hindi mo man lang sinabing nililigawan ka pala niya? Tsaka kelan siya umamin? Paano nangyare? Bakit?"

Ayan na. Ayan na Rhian yung kadaldalan mo... Mag-Chill ka naman muna..

She just looked at me with straight face. Yung tingin na parang nagtataka siya sakin.

"Glaiza kelan? Bakit hindi ko alam na close pala kayo nun? Ni hindi ko nga narinig kahit isang beses ata na nabanggit mo pangalan nun. Tapos kanina malaman laman ko may aminan na palang nangyare.."

"R-Rhian..."

"Glaiza naman--"

"Rhian wait!"

Napa-stop ako nung bigla niyang sinabi yun. Hinawakan niya yung kamay ko para pakalmahin ako.. She looked at me.

"H-Hindi ko maintindihan.... B-Bakit ganyan ka mag-react? I mean... B-Bakit ba parang galit ka?"

Kumalma ako bigla... Oo nga Rhian bakit kaba galit?

"Rhian tell me... Ano bang problema?"

"Si Benjamin." I said. Wala sa loob na nasabi ko yun.

Halata namang nabigla siya. "S-Si Benj? B-bakit?" Huminto siya saglit tapos parang bigla siyang may narealized. "Ex mo ba siya? K-Kung ex mo siya okay lang.. Sabihin ko wag na niyang ituloy kung ano man yung binabalak niya.."

"No Glaiza. Hindi ko siya ex."

"Eh bakit ganyan ka magreact? Bakit parang galit na galit--"

"Ikaw kasi eh!"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now