Unbreakable (1)

14.3K 293 23
                                    

"Sabihin sakin.. Lahat ng lihim mo.. Iingatan ko.. Sabihin sakin lahat ng problema mo.. Kakayanin ko... Sasamahan ka sa dilim. Sasamahan ka hanggang langit... Sasamahan ka..."

Hindi nanaman mapigilan ni Rhian na mapangiti. Nakatingin sa kanya si Glaiza habang finifeel nito ang kanta para sa kanya.

"Hoy Rhian! Napaghahalataan ka nanaman diyan. Totoo yang kilig mo e!" Bati naman ni Chynna kay Rhian.

Nagstop naman na si Glaiza sa pagkanta tsaka mahinhing hinawakan ang baba ni Rhian. "I heart you." tapos nagsmile ito.

Kinilig nanaman si Rhian. "Ehhh. Para kang ano diyan Glaiza. Nakakainis. Ang dali kong kiligin sayo.."

Natawa naman silang dalawa.

"Hay nako Rastro. Pati offcam gumaganyan kayo. Tsk tsk." Kunware namang umiling iling pa si Chynna. "Peram nga muna niyang gitara Glaiza."

Inabot naman ni Glaiza ang gitarang hawak niya kay Chynna.

Kasalukuyan silang nasa bahay ni Chynna ngayon. Nagjajamming. Well, hindi naman talaga ito yung tunay na bahay ni Chynna. Parang tinutuluyan lang. Maliit lang yung bahay parang pag naisipan lang talagang pag-stay-an pwede dito. Dito nila napiling pumunta dahil malapit ito sa place kung san sila nagsshoot ng TRMD ngayon. Buti nalang walang tao dito so libre silang magrakrakan hanggang magdamag dahil wala namang shooting kinabukasan.

Nagstart naman ng maggitara si Chynna. Pinatugtog nito yung 'Right here waiting for you'.

Napatingin naman sa kanya ang dalawa dahil hindi nila alam na marunong pala itong maggitara.

"Wow Chynna. Marunong ka pala?" Medyo natatawang tanong ni Glaiza.

Nagstop naman bigla si Chynna. "Hindi ako masyadong marunong. Tinuruan lang ako ng ex ko dati."

"Psh. Buti kapa may naiturong maayos yung ex mo sayo." Nabigla sila nang sinabi yun ni Rhian na parang bitter na bitter. Uminom ito ng Iced tea na nasa harap niya.

Napatingin naman si Chynna kay Rhian. "Iniisip mo pa rin yung ex mong racer e may isang rakista namang naghihintay sayo."

Bigla namang napatingin si Glaiza kay Chynna at muntik namang maibuga ni Rhian ang iniinom niya.

"What?! Rakista? Hahaha. Sino siya? Ipakilala mo sakin para magkajowa nako." Natatawang biro ni Rhian.

Muntik naman ng malaglag sa upuan si Chynna dahil sa sinabing yun ni Rhian. Hindi pala nito nagets na si Glaiza yung tinutukoy niyang 'Rakista'.

Iniabot niya kay Glaiza ang gitara nito at sinabing, "Pakitaan mo nga yang babaeng yan Glaiza. Pakitaan mo. Jusko."

Nabigla naman si Rhian dahil nagets din niya ang ibig sabihin ni Chynna.

Hindi siya nagsalita at tumingin nalang kay Glaiza na ngayon ay parang nahihiya sa mag sinasabi ni Chynna.

"Sooo, hehe Sorry bat ba nawala sa isip ko na Rocker ka pala." Medyo natawa si Rhian nung sinabi niya yun.

"Baliw." Sabi lang ni Glaiza tapos tumawa.

"Sige na.. Maggitara ka na ulit.." Sabi ni Rhian pero bigla siyang may naisip. "Ay No! Turuan mo nalang kaya ako?"

Nagulat naman si Glaiza at napatingin ito kay Rhian.

Napalaki naman bigla ang mata ni Chynna at parang may naisip na bright idea.

"TAMA! Diba Glaiza gusto mo ding matuto at ma-experience mag-race?!"

Napakunot naman ang noo ni Glaiza habang nakatingin kay Chynna. Wala naman siyang naaalalang sinabi niyang gusto niyang--

"DIBA GUSTO MO?!" Pinanlakihan naman siya ng mata ni Chynna na parang sinasabing 'UMOO KA'.

Kaya naman wala sa loob na napa-tango nalang siya.

Natawa naman si Rhian. "Oh! Ediiiii... Pwede kitang turuan Glaiza." Tapos nagsweet smile ito.

Napangiti naman si Chynna dahil successful ang plano niya.

"Tapos ikaw Glaiza, turuan mong maggitara yang si Rhian. Tutal tuturuan ka naman niyang mag-race e."

Hindi naman makapaniwala si Glaiza. Kinakabahan siya.

Ano nanaman ba tong planong to ni Chynna?

"Sooo, kelan tayo magsstart? Magiging student moko at magiging student din kita. Awwww. Excited na ko!!" Sabi naman ni Rhian.

Napangiti nalang si Glaiza dahil deep inside ay naeexcite din siya dahil alam niyang maraming oras na silang magsasama ni Rhian dahil sa usapang ito.

//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: HUWAAAAAAAAAAAAH!!!

OKAY OKAY PATI AKO NAEEXCITE SA USAPANG TO. THANKYOU NANAMAN KAY KAPITAN DAHIL SA IDEA NIYA. HAHAHAHA

OKAY. ✌

THANK YOU GUYS SA MAGAGANDANG COMMENT DUN SA FIRST RASTRO STORY KO :( Mahal na mahal ko na kayo :( THANK YOU TALAGA ❤

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now