Time Machine (6)

4.5K 173 33
                                    

6:25 PM




Magkahawak kamay sina Glaiza at Rhian nang pumasok sila sa Sky Ranch (tagaytay) -- actually, yung ferris wheel lang naman talaga ang gusto nila kaya sila pumunta dito. Gabi na kasi at gustong makita ni Rhian yung buong tagaytay since feel niya din dahil kasama niya si Glaiza.

Medyo marami ding tao sa loob. Maraming tumitingin sa kanila pero di naman din sila nilalapitan dahil parang nagtataka ang mga taong nakakakita sa kanila kung totoo ba sila o hindi. Napapangiti nalang silang dalawa kapag tinitingnan sila ng mga tao na parang nag-aalangan kung sila ba talaga sina Rhian at Glaiza. Magka-holding hands kasi. Magjowang-magjowa ang dating.

.


.


.



Nakasakay na sila sa ferris wheel (Sky Eye). Nung una, ayaw pa nga ni Rhian dahil malulula daw siya. Nung nag-shoot kasi sila ng TRMD dito sa tagaytay before, nagyaya si Glaiza pero tumanggi si Rhian dahil madali nga siyang malula. But now, since silang dalawa lang at gusto ding ipa-experience ni Glaiza yung ferris wheel sa girlfriend niya, sumakay na rin si Rhian.


Napakapit si Rhian sa braso ni Glaiza nang mag-move na yung ferris wheel...

"Oh, God." Rhian said.

Napangiti si Glaiza. Natatakot din naman siya dahil di din naman sila close ng 'heights' pero dapat niyang tanggalin muna ang takot ngayon. Kailangan niyang protektahan si Rhian.

"Love, hindi naman to mabilis umikot ano ka ba." Medyo natawa si Glaiza.

"Kahit na. Nakakalula pa rin kaya. Ang taas taas nito, baka malaglag ako." Rhian said habang steady pa rin na parang mahihilo siya pag gumalaw siya.

Natawa lalo si Glaiza. "Malaglag? Ano ka ba. Saradong sarado nga to oh. Tsaka sa tingin mo ba, hahayaan kitang malaglag? Ako pa nga unang mafa-fall e."

Napatingin bigla si Rhian kay Glaiza dahil alam na niyang may ibang meaning nanaman yung sinabi ni Glaiza.

Napangiti na rin tuloy siya at kinurot ang ilong nito. "Anong mafa-fall e na-fall ka na nga." Rhian smiled.

Napangiti din si Glaiza. "Oo nga. Pero kasi every time na kasama kita, paulit ulit ulit ulit akong nafa-fall. And napakswerte ko naman din dahil sa lahat ng pagbagsak na yun, hindi ako nasaktan.... kasi sinalo mo ko."

"Sino ba naman kasing stupid na tao ang di sasalo sayo? I mean, Glaiza De Castro yan oh. Ang perfect."

Natawa nanaman si Glaiza. "Gusto mo bang makakita ng tunay na perfect?"

Napakunot ang noo ni Rhian na parang nagtaka sa sinabi ni Glaiza.

Natatawang kinuha ni Glaiza yung lowbatt na phone niya at ibinigay kay Rhian.

Lalong nagtaka si Rhian nang abutin niya yung phone ni Glaiza. "Anong gagawin ko dito?"

Glaiza smiled. "Gusto mo makakita ng tunay na perfect?" Kinuha ni Glaiza yung kamay ni Rhian na hawak hawak yung phone niya at ipinaharap ito para ipakita yung reflection ni Rhian sa screen ng phone niya.

Napalunok si Rhian nang makita nga yung reflection niya sa screen ng phone ni Glaiza so meaning.... siya yung tinutukoy ni Glaiza na perfect?


"Kainis ka." Yun lang sinabi ni Rhian at ibinigay na kay Glaiza yung phone.

"Oh bakit?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now