The other way around (7)

13.5K 366 96
                                    

"I'm okay Glaiza. Sorry kung ngayon lang ako nakapagreply sa text mo yesterday. I was busy. Sorry."

Paulit-ulit niyang binabasa ang reply na yun ni Rhian na kanina pa niya nareceived. Nakapagreply na din siya dito ng "Galit kaba sakin? Sorry." Pero di na ulit ito nagreply. Nagsorry na nga siya kahit di niya sure kung may nagawa ba siya pero parang ayaw siyang kausapin ni Rhian ngayon. Hindi niya alam kung bakit iniisip niya pa rin na ayaw siya nitong kausapin kahit naman sinabi na ni Rhian na busy siya. Nagiisip nanaman siya ng kung anu ano. Tinatry din niya itong tawagan pero di naman sinasagot. Gusto niya sanang tanungin kung nasan ito para makapagusap sila pero parang ayaw talaga.

Bumibigat ang pakiramdam niya. Napapaisip siya. May iba talaga e. Paulit ulit niya ng tinawagan si Chynna para sabihin yung nararamdaman niya pero paulit ulit naman ito sa pagsasabi na nagooverthink lang siya.


Hindi niya alam kung nakailang buntong hininga na siya. Gusto niyang malaman ang sagot kung bakit ganito.

Napatingin siya sa wall clock ng condo niya.


Mag aala-una na ng madaling araw. Mamaya pala magkikita kita nanaman sila sa taping.

Siguro nga maghihintay nalang ako. Tutal makikita ko rin naman siya mamaya.


//




Late na siya nagising kaya na-late rin siya nakarating sa set. Pumunta naman agad siya sa may tent nila at naisip niyang magpaayos na. Parang nawala sa isip niya na kailangan niya nga palang kausapin si Rhian

ngayon.

Nakalipas ang ilang minuto at tapos na rin siya magpaayos. She's waiting sa staff na magsasabi kung scene niya na.

Nakatingin siya sa reflection niya sa salamin nang bigla niyang makita ang reflection din ni Chynna na papalapit sa kanya at may dalang dalawang coffee. Inabot sa kanya nito ang isa at umupo ito sa tabi niya.


Napatingin siya sa reflection nito sa salamin. "Thankyou dito." Naghalf smile siya.

Tumingin naman sa kanya ng seryoso si Chynna. "Kamusta? Okay ka lang?"

Uminom siya ng kaunti sa kapeng hawak niya tsaka siya nagsalita. "Well, kung tungkol dun sa reply niya yung tinatanong mo e parang hindi pa rin ako okay."

Halata namang nabigla si Chynna sa sinabi ni Glaiza. "H-hindi.. I-ibig kong sabihin, ngayon? Kamusta ka?"

Tiningnan naman ni Glaiza ang mukha ni Chynna. "Bakit? Ano bang meron? Hindi nga ako okay Chynna."

"Hindi mo ba sila nakita?"

Napakunot naman ang noo ni Glaiza. "Sila? Sinong sila?"


Chynna exhaled, "Sorry Glai pero hinatid si Rhian ng ex boyfriend niya kanina. O ewan ko kung ex pa nga ba. Hawak yung kamay ni Rhian kanina e tapos si Rhian naman naka-smile."


Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya mula kay Chynna. Hindi niya alam kung tama ba yung narinig niya.

Hindi niya alam kung lumipas yung oras pero di na niya ata napigilan ang sarili niya...


"Glaiza... Glaiza umiiyak ka na..." Tinapik ni Chynna ang likod ni Glaiza.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now