Take A Break (8)

7.2K 211 99
                                    

"Oh tubig." Inabutan niya ko ng tubig.

"Sorry ha. Ikaw lang naisip kong tawagan since magkasama tayo kanina." I said.

He smiled. "Okay lang. Nagcommute ako ng wala sa oras pero okay lang."

"Nabasa ko ata yung kotse mo. I'm so sorry. Basang basa kasi ako ng ulan e."

"Hindi maganda yung nangyare no?" Umupo siya sa couch.

Suminghot ako. Parang di ata maganda yung pakiramdam ko ah. Naiiyak nanaman ako.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Hindi mo siya naabutan? Nakaalis na siya?"

Suminghot ulit ako tapos umiling. "Sa nangyare kanina, sana nga hindi ko nalang siya naabutan." Ayan. Naiiyak nanaman ako... "May boyfriend na siya. Siya naman yung may boyfriend. Dapat hindi mo nalang ako binreak kanina para parehas nalang kaming may boyfriend e." I joked.

"Hindi mo pa rin mababago yung totoo Rhian. Hindi mo pa rin mababago yung feelings mo for her. Kahit hindi kita binreak, pero mahal mo talaga siya, isisigaw at isisigaw pa rin yun ng puso mo. Na mahal mo siya." He said. "Umiiyak kana... Alam ko hindi ka okay ngayon. Alam kong nasasaktan ka ngayon. Well, parehas naman tayong nasasaktan. Ang pinagkaiba nga lang, ako nasasaktan dahil sayo. Tapos ikaw nasasaktan dahil sa kanya." Tapos tumawa siya.

Medyo natawa rin ako. "So gusto mong magsisi ako?"

Natawa siya. "Hindi. Joke lang. Oo nasaktan nga ako. Kasi babae yung pinalit mo sakin. Ganito pala yung feeling nung.... David ba? Yung fiancé mo sa The Rich Man's Daughter?"

I nodded.

"Medyo masakit nga. Pero.. Wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin. Kasi dun ka sasaya e. Mahal kita, at dahil mahal kita, of course dapat maging masaya nalang ako sa mga decisions mo na alam mo sa sarili mo na makakapagpasaya sayo."

"Pero basted nanaman nga ako." Napayuko nanaman ako. Sumasakit ata yung ulo ko.. Pero mas ramdam ko yung pagsakit ng puso ko..

He sighed. "Pinag-explain mo ba siya?"

Napatingin naman ako sa kanya nung tinanong niya yun. "Hindi. Pag pinag-explain ko pa siya masasaktan lang lalo ako so I decided na wag na siyang pag-explainin since ang obvious naman na na may boyfriend siya dahil nakita kong lumabas yung guy from her condo." I sighed. "Feeling ko nga kanina maglulupagi na ko sa ulanan sa sakit na naramdaman ko eh. Kung pinag-explain ko pa siya at pinamukha lang niya lalo sakin na hindi kami pwede, baka matunaw nalang ako sa sakit.. Anudin gaya ng tubig ulan.." Naiiyak nanaman ako. "Pero sobrang sakit talaga. Mahal ko siya J. Bakit ko ba siya minahal?! Babae naman siya. Babae rin ako. Bakit siya pa?! Alam ko naman nung una palang hindi na kami pwede. Pero bakit nadevelop pa rin ako? Bakit siya pa rin yung nagustuhan ko? Ang sakit sakit J.... Ngayon ko lang naramdaman tong ganito. Feeling ko sobra talaga akong nabasted...." Niyakap ko yung tuhod ko. Umiiyak nanaman ako. "Bakit si Glaiza pa... Pwede namang iba? Pwede naman yung lalaki? Bakit si Glaiza? Bakit ginulo niya yung pagkatao ko tapos hindi niya paninindigan? Bakit ganito...."

Nilapitan ako ni J tapos niyakap niya ko. Pero nagulat ako kasi bigla din siyang bumitaw dahil parang may naramdaman siya.

"Rhian... Ang init mo." Hinawakan niya yung neck ko tapos yung noo ko. "Nilalagnat ka... Sobrang init mo." Hinawakan naman niya yung braso ko at pinatayo ako. "Sa tingin ko, magpalit ka muna ng damit tapos magpahinga kana sa kwarto mo. Sobrang init mo talaga eh." Inalalayan na niya kong tumayo kasi feeling ko nahihilo na ko...

Ang sakit na rin bigla ng katawan ko... Feeling ko hindi ko na kayang bihisan yung sarili ko.. Masyado na kong nanghihina...

//


RASTRO FEELSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin